THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates SEPTEMBER 17, 2023
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Panatag ang Kalooban sa
Harapan ng Diyos 1Juan Chapter 3:19-24
Kapahingahan Para sa Sambahayan ng Diyos
Herbreo Chapter 4:14-16
Si Jesus ang Dakilang Saserdote Hebreo Chapter 10:19-39
Pananalig sa Diyos Hebreo Chapter 11:1-8
Malaki ang Ating Pag-asa 1Pedro Chapter 1:1-12:
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Kailangan ng pananampalataya sa pagsunod sa Diyos"
"Ito
ang kanyang utos: Managlig kayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo at
mag-ibigay gaya ng inutos ni Cristo sa atin. Ang sumusunod sa utos ng
Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nanatili naman sa kanya.
At sa pamamagitan ng Espiritu na ipinagkaloob sa niya sa atin nalalaman
natin na nanatili siya sa atin." 1Juan 3:22-24
""Magpakatatag
tayo sa ating pananampalataya, ya-yamang mayroon tayong napakadakilang
saserdote na pumsok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi
si Jesus na Anak ng Diyos. Kaya't huwag na tayong magatubiling lumapit
sa trono ng mahbaging Diyos at doo'y kakamtan natin ang habag at kalinga
sa panahong kailngan natin ito." Hebreo 4:14,16
"Kayat
huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, sapagkat taglay nito ang
dakilang gantimpala. Kailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang
kalooban ng Diyos.at matanggap ang kanyang ipinangako." Hebreo 1035-36
"Dahil
sa pananalig sa Diyos, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol
sa mga bagay na mangyayari na hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng
isang daong upang siya at ang kanyang sambahayan ay magligtas. Sa
pamamagitan nito'y hinIatulan niya ang sanlibutan , at siya'y ibinilang
sa matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananalig." Hebreo 11:7
"Sapagkat
kayo'y sumsampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos
samantalkang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa
katapusan ng mga panahon." 1Pedro 1:5
1Juan
Chapter 3:19-24
Panatag ang Kalooban sa
Harapan ng Diyos
319
Dito nga natin matitiyak na tayo'y nasa panig ng katotohanan, at
matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos 20 sakali mang tayo'y
usigin nito. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi, at alam niya
ang lahat ng bagay. 21 Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating
budhi, makakalapit tayo sa Diyos na panatag ang ating kalooban. 22
Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod
natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. 23 Ito
ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo,
at magmahalan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin. 24 Ang sumusunod
sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa
kanya ang Diyos. At nalalaman nating nananatili siya sa atin sa
pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin.
Hebreo
Chapter 4:14-16
Kapahingahan Para sa 4
14 Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon
tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon
mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng
Diyos. 15 Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga
kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit
kailanma'y hindi siya nagkasala. 16 Kaya't huwag tayong mag-atubiling
lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at
pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
Hebreo
Chapter 10:19-39
Si Jesus ang Dakilang Saserdote
10
19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong
Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin
ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng
tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang
Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't
lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na
pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang
ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang
mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din
nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa
paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga
pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw
ng Panginoon.
26
Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin
nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa
ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang naghihintay na lamang sa
atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na
tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan
ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang
pinapatay. 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa
taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa
tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? 30
Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang
magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang
kanyang bayan.”
31
Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy! 32 Alalahanin
ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding
hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33
Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla;
kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na
pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at
hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam
ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo.
35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat
dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo.
36
Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos
at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat, “Kaunting
panahon na lamang, hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.
38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko siya
kalulugdan.” 39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at
napapahamak; kundi sa mga may pananampalataya at naliligtas.
Hebreo
Chapter 11:1-8
Pananalig sa Diyos
11
1 Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga
inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. 2
Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang
pananampalataya.
3
Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay
nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita
ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.
4
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Abel ay nag-alay ng mas mabuting
handog kaysa sa inihandog ni Cain. Kaya naman, si Abel ay kinilalang
matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Kahit patay na,
nagsasalita pa siya sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
5
Dahil sa pananampalataya, si Enoc ay hindi nakaranas ng kamatayan.
Hindi na siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos. Sinasabi sa
kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod bago siya kinuha ng Diyos. 6
Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya,
sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may
Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.
7
Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos
tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa
siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay
maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe
ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
8
Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng
Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga
siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 9 Dahil din sa
kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang
ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina
Isaac at Jacob na tumanggap ng ganoon ding pangako. 10 Sapagkat umasa si
Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo
ang nagplano at nagtayo.
11
Dahil din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang
maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na
maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang
pangako. 12 Kaya't sa isang taong maituturing na halos patay na ay
nagmula ang isang lahi na naging sindami ng bituin sa langit at ng di
mabilang na buhangin sa dalampasigan.
1Pedro
Chapter 1:1-12:
Malaki ang Ating Pag-asa
1 3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang
panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito
ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa 4 na magmamana tayo ng
kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng
Diyos sa langit para sa inyo. 5 Sa pamamagitan ng inyong
pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang
hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng
panahon.
6
Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng
iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't
nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay.
Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa
ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon
kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si
Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi
pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo
sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di
kayang ilarawan sa salita, 9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng
inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.
10
Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga
propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. 11 Sinuri
nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy
ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap
na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. 12 Nang
kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng
Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang
mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng
Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa
langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga
katotohanang ito.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 1:1-28:
ttrial of the Just
73
1 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. 2
Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga
hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. 3 Sapagka't ako'y nanaghili sa
hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. 4 Sapagka't walang
mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay
matatag.
5
Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila
nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. 6 Kaya't kapalalua'y gaya ng
kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng
bihisan. 7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y
mayroong higit kay sa mananasa ng puso. 8 Sila'y manganunuya, at sa
kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may
kataasan. 9 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang
kanilang dila ay lumalakad sa lupa. 10 Kaya't ibinabalik dito ang
kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. 11 At
kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa
Kataastaasan? 12 Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging
tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, 13 Tunay na sa walang kabuluhan ay
nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa
kawalaang sala; 14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan
tuwing umaga. 15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito,
ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. 16 Nang aking
isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang
kanilang huling wakas, 18 Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas
na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. 19 Kung paanong naging
kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga
kakilabutan. 20 Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon,
pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. 21 Sapagka't ang
puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: 22 Sa gayo'y
naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap
mo. 23 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking
kanan. 24 Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay
tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. 25 Sinong kumakasi sa akin sa
langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. 26 Ang
aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay
kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. 27 Sapagka't
narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang
lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. 28 Nguni't mabuti sa
akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong
Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment