THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates SEPTEMBER 10, 2023
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Babala Tungkol sa Diyus-diyusn 1Corinto Chapter 10:1-33
Hinirang Upang Iligtas 2Tesalonica Chapter 2:13-17
Napagtagumpayan ko ang Sanlibutan Juan Chapter 16:25-33
Mga Bunga ng Pagpapawalang sala Roma Chapter 5:1-11
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
""
Manalig sa Diyos at Kristo Jesus nang malagpasan ang kapighatian
sa mundong ito"
"Wala
pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat
ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo;y subukin nang higit sa
inyong makakaya. Sa halip pagdating ng pagsubok bibigyan kayo ng lakas
upang mapagtagumpayan iyon."
1Corinto 10:13
"Aliwin
nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos at Ama na
umibig sa atin at sa kanyang habag nagbigay sa atin ng walang
pagbabagong laks ng loob at matibay na pag-sasa. Bigyan nawa kayo ng
matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng
mabuti."
2Tesalonica 2:16-17
"Sinasabi
ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa
akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit lakasan
ninyo ang inyo loob! Napagtabumpayan ko na nag sanlibutan." Juan 16:33
"At
ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay
nagbubunga ng pag-asa. Hindi kayo nabibigo sa ating pag-asa sapagkat
ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitagan
Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin. "
Roma 5:4-5
1Corinto
Chapter 10:1-33
Babala Tungkol sa Diyus-diyusn
10
1 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno
noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang
paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula. 2 Sa gayon, nabautismuhan
silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises. 3
Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal, 4 at uminom din ng
iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal
na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo. 5 Gayunman,
hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila, kaya't nagkalat ang
kanilang mga bangkay sa ilang.
6
Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong
maghangad ng masasamang bagay, gaya ng ginawa nila. 7 Huwag kayong
sasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila. Ayon sa
nasusulat, “Umupo ang mga tao upang magkainan at mag-inuman, at tumayo
upang magsayaw.” 8 Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa
kanila, kaya't dalawampu't tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang
ng isang araw. 9 Huwag nating susubukin si Cristo, gaya ng ginawa ng
ilan sa kanila; dahil sa ginawa nila, pinuksa sila ng mga ahas. 10 Huwag
din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya't nilipol naman
sila ng anghel na namumuksa.
11
Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo
namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan. 12 Kaya't
mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya
mabuwal. 13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan
ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y
subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,
bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang
malampasan ito.
14
Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga
diyus-diyosan. 15 Kinakausap ko kayo bilang matatalinong tao; husgahan
ninyo ang sinasabi ko. 16 Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng
pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo?
At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi
naman sa kanyang katawan? 17 Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay,
tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo
tayo sa iisang tinapay. 18 Tingnan ninyo ang bansang Israel. Hindi ba't
ang mga kumakain ng mga handog ay nakikibahagi sa ginagawa sa dambana?
19 Anong ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang
pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! Ang
ibig kong sabihin, ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga
demonyo, at hindi sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo.
21 Hindi kayo makakainom sa kopa ng Panginoon at gayundin sa kopa ng
mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at
makisalo rin sa hapag ng mga demonyo. 22 Nais ba nating manibugho ang
Panginoon? Akala ba ninyo'y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?
23
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi
lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit
hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. 24 Huwag ang sariling kapakanan
ang unahin ninyo, kundi ang sa iba. 25 Kumain kayo ng anumang nabibili
sa tindahan ng karne at huwag nang magtanong pa upang hindi mabagabag
ang inyong budhi. 26 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang buong daigdig
at lahat ng naroroon, ang Panginoon ang may-ari niyon!” 27 Kung
anyayahan kayo ng isang hindi sumasampalataya at nais ninyong dumalo,
kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo at huwag na kayong magtanong pa
kung iyon ay ikagugulo ng inyong budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa
inyo, “Ito'y inialay sa mga diyus-diyosan,” huwag ninyong kainin iyon
alang-alang sa nagsabi sa inyo, upang di mabagabag ang budhi. 29 Ang
aking tinutukoy ay ang budhi ng inyong kapwa, at hindi ang budhi ninyo.
Bakit hahadlangan ng budhi ng iba ang aking kalayaan? 30 Bakit ako
susumbatan dahil sa pagkain ko ng mga bagay na ipinagpasalamat ko naman
sa Diyos?
31
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo,
gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. 32 Huwag kayong maging
sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga
kaanib sa iglesya ng Diyos, 33 sa halip, tularan ninyo ang ginagawa ko.
Sinisikap kong mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa
ko. Hindi ko inuuna ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng
marami, upang maligtas sila.
2Tesalonica
Chapter 2:13-17
Hinirang Upang Iligtas
2 13
Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi
sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang
pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong
pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng
Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid,
magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin
sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat.
16
Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating
Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay
nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17
Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa
at salita.
Juan
Chapter 16:25-33
Napagtagumpayan ko
ang Sanlibutan
16 25 “Ang mga ito'y sinabi ko sa inyo nang patalinghaga. Subalit
darating ang panahong hindi na ako magsasalita sa inyo sa ganitong
paraan; tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw
na iyon ay hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan, at hindi ko
sinasabing ako mismo ang hihiling sa Ama para sa inyo. 27 Mahal kayo ng
Ama sapagkat ako'y minahal ninyo at naniwala kayo na ako'y nagmula sa
Diyos. 28 Ako nga'y nanggaling sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y
aalis na ako sa sanlibutan at babalik na sa Ama.”
29
Sinabi ng kanyang mga alagad, “Ngayon po'y tuwiran na ang inyong
pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! 30 Ngayon alam na po
naming alam ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin pa
kayo ninuman. Dahil dito, naniniwala po kami na kayo'y mula sa Diyos.”
31 Sumagot si Jesus, “Talaga bang naniniwala na kayo? 32 Darating ang
oras, at ngayon na nga, na magkakawatak-watak kayo. Magkakanya-kanya
kayo ng lakad, at iiwan ninyo ako. Gayunma'y hindi ako nag-iisa sapagkat
kasama ko ang Ama. 33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong
pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo
ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob!
Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”
Roma
Chapter 5:1-11
Mga Bunga ng
Pagpapawalang sala
5 1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating
pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng
[pagsampalataya] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng
Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa
kanyang kaluwalhatian. 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang
mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng
pagtitiyaga. 4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at
ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. 5 At hindi tayo
binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na
sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa
atin
6
Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon
para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang
buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may
mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit
pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo
para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 9 Yamang sa pamamagitan ng
kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas
tayo sa poot ng Diyos. 10 Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit
tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay
ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si
Cristo ay buháy. 11 At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa
ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat
dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 62:1-12
Trust God Alon
62
1 Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya
galing ang aking kaligtasan. 2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking
kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang
patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na
nabubuwal? 4 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa
kaniyang karilagan; sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan: sila'y
nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah) 5
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking
pagasa ay mula sa kaniya.
6
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking
matayog na moog; hindi ako makikilos. 7 Nasa Dios ang aking kaligtasan
at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang
kanlungan ko'y nasa Dios. 8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon,
kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay
kanlungan sa atin. (Selah) 9 Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may
mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay
kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay
lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10
Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa
pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong
paglalagakan ng inyong puso. 11 Ang Dios ay nagsalitang minsan,
makalawang aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios: 12
Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay
nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment