THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MARCH 18, 2023
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Juan Mateo Chapter 16:13-20
Si Jesus at Nicodemo Juan Chapter 3:1-21
Ang Pagpapawalang sala ng
Diyos sa Tao Roma Chapter 3:21-31Nakipagkasundo sa Diyos sa
Pamaamgian ni Cristo 2Corinto Chapter 5:11-21
Pinapanging-isa kay Crito Efeso Chapter 5:11-22
Panalangin ng Pasasalamat Colosas Chapter 1:3-14
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Ang Gabay ng Simbahan
para sa pamamahala ng
Diyos at kaligtasan ng lahat
at pagpapalaya sa kasamaan"
"At
sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay
itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapanaig ssa kanya kahit ang
kapangyarihan ng kamatayan." Mateo 16:18
"Sapagkat
sinugo ng Diyos ang kanyang anak, hindi upang hatulang maparusahan ang
sanlibutan, jundi upang iligtas ito sa pamamagaitn niya." Juan 3:17
"Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang loob ay pinawalang sala sila sa pamamagitan ni Cristo Jesus, na nagpalaya sa kanila." Roma 3:24
"Kaya't
ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala
na ang dating pagkatao; siya'y bago na. Ang diyos ang gumawa ng lahat
ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya akong kaibigan di na
kaaway at hinirang niya ako upang panumbalikin sa kanya nag mga tao." 2Corinto 5:17-18
"Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagiatn ng Espiritu." Efeso 2:18
"Sa pamamagaitn ng Anak, tayo'y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan." Colosas 1:14
Mateo
Chapter 16:13-20
Ang Pahayag ni Pedro
Tungkol kay Juan
16
13 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya
ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao” 14
At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan, kayo si Juan na Tagapagbautismo.
Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si
Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15 Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit
para sa inyo, sino ako?” 16 Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang
Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” 17 Sinabi sa kanya ni Jesus,
“Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y
hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit.
18 At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay
itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi
magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng
kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit,
at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.” 20 At
mahigpit niyang iniutos sa kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman
na siya nga ang Cristo
JuanChapter 3:1-21
Si Jesus at Nicodemo
3
1 May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. 2
Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po
naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang
makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3
Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak
na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4
“Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok
pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong
ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:
malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong
ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay
kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais
at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito
nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot
si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay
na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at
ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo
tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang
mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo
mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13
Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit,
ang Anak ng Tao.”
14
At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,
gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang
hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya.
18
Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit
hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng
Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang
dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20
Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit
dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay
ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga
ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
Roma
Chapter 3:21-31
Ang Pagpapawalang sala ng
Diyos sa Tao
3 21
Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang
tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at ang
mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito. 22 Ginagawang matuwid ng
Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay
Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao, 23 sapagkat ang lahat ay
nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24
Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang
ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na
siyang nagpapalaya sa kanila. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang
handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan
ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang
patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya
at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. 26 Ngunit ngayon
ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid
ang mga sumasampalataya kay Jesus.
27
Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo
magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil
sa ating pananampalataya kay Cristo. 28 Kung gayon, maliwanag na sa
pamamagitan ng pananampalataya itinuturing na matuwid ang tao, at hindi
sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang
ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos
din ng mga Hentil, 30 sapagkat iisa lamang ang Diyos. Kapwa niya
ituturing na matuwid ang mga Judio at mga Hentil batay sa kanilang
pananampalataya. 31 Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa
pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga
namin ito.
2CorintoChapter 5:11-21
Nakipagkasundo sa Diyos sa
Pamaamgian ni Cristo
5
11 Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming
hikayatin ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay
naming pagkatao; at inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12
Hindi dahil sa nais naming ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili,
kundi nais naming bigyan kayo ng dahilan upang kami'y maipagmalaki
ninyo, nang sa gayon ay masagot ninyo ang mga taong walang
ipinagmamalaki kundi ang mga bagay na panlabas at hindi ang tunay na
pagkatao. 13 Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang
sa Diyos. At kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14
Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming
may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang
nang patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon
ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay
at muling nabuhay para sa kanila.
16
Kaya ngayon, ang pagtingin namin sa bawat tao ay hindi na batay sa
sukatan ng tao. Noong una'y ganoon ang aming pagkakilala kay Cristo,
ngunit ngayo'y hindi na. 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang
isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang
pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa
ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga
kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang
maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang
ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng
Diyos na kaibigan, at hindi na niya tinatandaan ang kanilang mga
kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.
20
Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa
inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay
Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo,
ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa
pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos
EfesoChapter 5:11-22
Pinapanging-isa kay Crito
2
11 Kaya't alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo'y
ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio.
Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa
kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi
kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga
pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at
walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo
Jesus, kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni
Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan
dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng
kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa
atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga
alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang
bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan
niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa
iisang katawan. 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat
ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo'y
malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong
lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
19
Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga
kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
20 Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga
apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. 21
Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at
nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa
inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang
tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
Colosas
Chapter 1:3-14
Panalangin ng Pasasalamat
1
3 Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa
Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Sapagkat nabalitaan
namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa
lahat ng hinirang ng Diyos, 5 dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na
inihanda para sa inyo sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang
ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang
Balita na dumating sa inyo. 6 Ito'y lumalaganap at nagdadala ng
pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig
at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.
7 Natutunan ninyo ito kay Epafras, ang aming kamanggagawa, isang tapat
na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo. 8 Sa kanya namin nalaman ang
inyong pag-ibig na naaayon sa Espiritu.
9
Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa
Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban,
sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. 10 Sa
gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa
Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang
inyong pagkakilala sa Diyos. 11 Idinadalangin din naming patatagin niya
kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na
masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. 12 Lagi kayong
magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga
pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya
tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang
minamahal na Anak. 14 Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid
ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 24:6-10
Trust ijn God
27
6 At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
at ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon. 7 Dinggin mo,
Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: maawa ka rin sa
akin, at sagutin mo ako. 8 Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking
mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Panginoon, ay
hahanapin ko. 9 Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong
ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking
saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking
kaligtasan. 10 Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon
ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment