TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Gabay sa Kapamahalaan
laban sa kasamaan"
"Ang bawat tao'y pasakop sa Diyos sa mga pinuno ng pamahalaan.
Sapagkat walang pamahalaang hindi mula Sa Diyos at ang mga pamahaaang
umiiral ay itinatag ngDiyos. Kaya nga ang lumalaban sa pamahalaan ay
lumalaban sa itinakda ng Diyos; at lalapatan ng parusa ang sinumang
lumalaban." Roma 13:1-5
Alang
alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa
bayan, at sa mga gobernador mga sugo niya upang magparusa sa mga
gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid."
1Pedro
2:13-14
Kayat
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan
kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa
darating." Efeso 1:21
"At sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawat isa sa pag-ibig sa kapwa, at sa paggawa ng matuwid."
Hebreo 10:24
"Sapagkat ang Diyos ay hindi nalulugod sa kaguluhan kundi sa kapayapaan." 1Corinto 14:33
"Dahil
sa pananalig nila sa Diyos, nakalupig sila ng mga kaharian, gumawa ng
matuwid, at nagkamit ng mga ipinagako ng Diyos Nagpatikom sila ng mga
bunganga ng leom, pumatay ng nagngangalit na apoy at naligtas sa tabak.
Sila'y mahihina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa
digmaan, anupat napauraong ang hukbo ng dayuhan." Hebreo 11:33-34
"Ngunit
dahil sa katigasan ng ulo mo at di pagsisi, pinabibigat mo ang ang
parusang ipapataw sa iyo, sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng
kanyang paghatol. Sapagkat siya ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa
kanilang mga gawa." Roma 2:5-6
Roma
Chapter 13:1-7
Tungkulin sa mga Pinuno
ng Bayan
13
1 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat
walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga
pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay
lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. 3 Ang
mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga
gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa
mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga
lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng
masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa.
Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5
Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo
maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6
Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga
pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang
tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad
kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan.
1Pedro
Chapter 2:11-17
Mga Alipin ng Diyos
2
11 Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at
pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo
ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. 12
Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na
paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa
at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.
13
Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa
bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14 at sa
mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng
masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15 Nais ng Diyos na sa
pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga
hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong
malaya, subalit huwag ninyong gawing dahilan sa paggawa ng masama ang
inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17
Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo.
Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.
Efeso
Chapter 1:-1523
Ang Panalangin ni Pablo
1 15
Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa
Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal,
16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko
nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo
ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos
ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso
upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung
gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,
19
at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na
mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang
muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa
kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila
ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi
maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat
ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na
siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng
bagay.
Hebreo
Chapter 10:19-39
Lumapit Tayo sa Diyos
10 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong
humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at
nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? 30 Sapagkat
kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.”
At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31
Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!
32
Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis
ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo
nagpadaig. 33 Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap
ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo
na pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at
hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam
ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo.
35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat
dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang
kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap
ninyo ang kanyang ipinangako.
37
Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang, hindi na magtatagal, at ang
darating ay darating na. 38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa
pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko
siya kalulugdan.” 39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at
napapahamak; kundi sa mga may pananampalataya at naliligtas.
1Corinto
Chapter 14:26-40
Gawing May Kaayusan ang
Lahat ng Bagay
14 26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong
pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng
Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang
nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng
iglesya. 27 Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang
dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng
kanilang sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na
lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. 29 Hayaang
magsalita ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na
makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang
mga sinasabi nila. 30 At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap
ng pahayag mula sa Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. 31 Sapagkat
kayong lahat ay maaaring isa-isang magsalita ng mensahe mula sa Diyos,
upang matuto at mapalakas ang loob ng lahat. 32 Ang kaloob na
pagsasalita ng mensahe mula sa Diyos ay dapat napipigil ng mga tumanggap
ng kaloob na iyon,
33
sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.
Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos, 34
ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya.
Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang
magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan. 35
Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa
pagdating nila sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang
babae sa loob ng iglesya.
36
Inaakala ba ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang
ang tumanggap nito? 37 Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o
mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat
ko sa inyo ay utos ng Panginoon. 38 Ang ayaw kumilala nito ay huwag din
ninyong kilalanin.
39
Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na makapagsalita ng mensahe mula
sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't
ibang mga wika. 40 Kaya lang, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at
maayos na paraan.
Hebreo
Chaptere 11:1-3, 29-40
Ang Pananalig sa Diyos
11 1
Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan,
at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. 2 Kinalugdan ng
Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang
pananampalataya. 3 Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang
sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga
bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.
29
Dahil sa pananampalataya, nakatawid ang mga Israelita sa Dagat na Pula
na parang lumalakad sa tuyong lupa, samantalang nalunod naman ang mga
Egipcio nang ang mga ito'y tumawid. 30 Dahil sa pananampalataya ng mga
Israelita, gumuho ang pader ng Jerico matapos silang maglakad sa palibot
nito nang pitong araw. 31 Dahil sa pananampalataya, si Rahab, ang
babaing nagbebenta ng aliw, ay hindi napahamak na kasama ng mga ayaw
sumunod sa Diyos, sapagkat malugod niyang pinatuloy ang mga espiyang
Israelita. 32 Magpapatuloy pa ba ako? Kulang ang panahon para
maisalaysay ko ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jefte, David,
Samuel, at mga propeta.
33
Dahil sa pananampalataya, nagwagi sila laban sa mga kaharian,
nagpatupad ng katarungan, at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos.
Napaamo nila ang mga leon, 34 napatay ang naglalagablab na apoy, at
nakaligtas sila sa mga talim ng tabak. Sila'y mahihina ngunit binigyan
ng lakas upang maging magiting sa digmaan, kaya't natalo ang hukbo ng
mga dayuhan. 35 Dahil sa pananampalataya, ibinalik sa ilang mga babae
ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa pamamagitan ng muling
pagkabuhay.
May
mga tumangging sila'y palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa
pahirap upang sila'y muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. 36
Mayroon namang hinamak at hinagupit, at mayroon ding ikinadena at
ibinilanggo. 37 Ang iba naman ay pinagbabato, nilagari sa dalawa,
[tinukso], at pinatay sa tabak. Ang iba'y nagdamit ng balat ng tupa at
kambing, ang iba'y namulubi, inapi, at pinagmalupitan. 38 Hindi
karapat-dapat sa kanila ang daigdig! Nagpagala-gala sila sa mga ilang at
kabundukan. Nagtago sila sa mga yungib at lungga sa lupa.
39
At dahil sa kanilang pananampalataya, nag-iwan sila ng isang
kasaysayang hindi makakalimutan kailanman. Ang lahat ng mga ito,
bagama't may mabuting patotoo dahil sa kanilang pananampalataya, ay
hindi tumanggap ng ipinangako, 40 sapagkat may mas magandang plano ang
Diyos para sa atin, upang sila'y hindi maging ganap malibang kasama
tayo.
Roma
No comments:
Post a Comment