TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
FAITH OF MOTHER MARY AND GODS BLESSINGS
"Nang
ikaanim na buwan na ng pagdadalang tao ni Elisabeth, ang anghel Gabriel
ay isinugo ng Diyos sa Nazareth, Galilea, sa isang dalaga na ang
pangala'y Maria. Paglapit ng anghel sa kinarooronan ng dalaga, kanyang
binati ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos," wika niya.
"Sumasaiyo ang Panginoon! Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak
ng isang lalaki at siya'y panganganlan mong Jesus. Siya''y magiging
dakila at tatawaging anak ng kataas taasan. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Sumabot si Maria,
"Ako'y alipin ng Panginoon Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At
nilisan siya ng anghel." Lucas 1:26-38
"Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon." Lucas 1:45
"At
sinabi ni Maria. "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, At nagagalak
ang aking Espiritu Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya
ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawagaing mapalad ng
laaht ng salinlahi."Lucas 1:46-48
"Naging
tao ang Salita at nanirahan sa piling natin; nakita namin ang kanyang
kapangyarihan, at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at kataptan. Tinanggap
niya mula sa Ama ang kapangyarihang at kadakilaang ito bilang bugtong na
Anak. Dahil sa siya'y puspos ng pag-ibig at katapatan, taypng lahat ay
tumanggap sa kanya ng abut- abot ma kaloob. " Juan 1:14, 16
"Ganoon
na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya
abinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataay sa
kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16
Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1 26
Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si
Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang
kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda
nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28
Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos
na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si
Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan
ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot,
Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay
maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y
papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng
Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono
ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka
sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang
mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak
mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na
buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37
sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas
Chapter 1:39-56
Ang Pagdalaw ni Maria
kay Elizabeth
1
39 Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa
bulubundukin ng Juda. 40 Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si
Elizabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang
gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng
Espiritu Santo. 42 Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae,
at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! 43 Sino ako upang
dalawin ng ina ng aking Panginoon? 44 Sapagkat pagkarinig ko ng iyong
pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45
Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang ipinasabi sa iyo
ng Panginoon!”
Lucas
Chapter 1:45-56
Ang Awit ng Pagpupuri ni
Maria
46 At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
47 at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
48 sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala;
49
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal
ang kanyang pangalan! 50 Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng
salinlahing may takot sa kanya.
51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip.
52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.
54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito.
55 Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!”
56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi.
Juan
Chapter 1:1-18
Naging Tao ang Salita
1 1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng
Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang
Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang
anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay,
at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman
ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
6
Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. 7 Naparito siya
upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa
pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang
magpatotoo tungkol sa ilaw. 9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa
sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng
sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa
kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan
niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak
ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa
kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.
14
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang
kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay
puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. 15 Nagpatotoo si Juan
tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking
sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat
siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”
16
Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat
ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa
pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at
katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong
nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos na pinakamamahal ng
Ama, ang nagpakilala sa Ama.
Juan3
1 May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. 2
Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po
naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang
makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3
Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak
na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4
“Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok
pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong
ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:
malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong
ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay
kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais
at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito
nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot
si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay
na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at
ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo
tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang
mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo
mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13
Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit,
ang Anak ng Tao.”
14
At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,
gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang
hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya.
18
Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit
hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng
Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang
dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20
Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit
dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay
ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga
ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 111:1-10
Praise of Gods for Goodness
of Isarel
111 1
Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking
buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. 2 Ang mga gawa
ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan
diyan. 3 Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang
katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Kaniyang ginawa ang kaniyang
mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at
puspos ng kahabagan. 5 Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa
kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. 6 Kaniyang
ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa
pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. 7 Ang mga gawa ng
kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga
tuntunin ay tunay. 8 Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa
katotohanan at katuwiran. 9 Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang
bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at
kagalanggalang ang kaniyang pangalan. 10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay
pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na
nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili
magpakailan man.
No comments:
Post a Comment