TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAGPAPAIRAL NG KATARUNGAN
AT KAPAYAPAAN"
"Naririto
ang lingkod ko na ako rin ang humirang< Minamahal ko nang labis,
lubos kong kinalulugdan; Ang banal kong Espiritu sa kanya ay ibibigay,
Sa lahat ng mga bansa ibabadhana'y katarungan. Hindi niya puputulin
yaong tambong nakahapay, Ni hindi rin papatayin ang umaandap na ilawan,
Hanggang itong katurnga'y mapagtagumpay niyang ganap; At ang pagasa ng
tao sa kanya ay ilalagak. " Mateo 12:18-21
"Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi." Lucas 5:32
Humatol man ako , tama ang aking hatol, sapagkat hindi lamang ako ang humahatol, kundi ako at ang Amang nagsugo sa akin." Juan 8:16
"Sapagkat siya ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa kanilang mga gawa." Roma 2:6
Ito
ang makatarungan na hatol ng Diyos : na kao'y ariing karapat-dapat sa
kaharian na siyang dahilan ng inyong pagtitiis. Gagawin ng Diyos ang
nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo
namang mga nagtiisa ya aaliwin niyang kasama namn pagbabalik ng
Panginoong Jesus mula sa langit, kasama ang makapangyarihan niyang mga
anghel." 2Tesalonica 1:5-7
"Pagsumakitan ninyo ang pagkakaisang mula sa espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan." Efeso 4:3
"Magpakabanal
kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi niyo
makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganito." Hebreo 12:14
Mateo
Chatper 12:15-21
Ang Lingkod ng Hinirang
12 15
Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao
ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. 16
Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino
siya. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta
Isaias, 18 “Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking
minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking
Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa. 19 Hindi
siya makikipag-away o maninigaw, ni magtataas ng boses sa mga lansangan,
20 hindi niya babaliin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin
ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang
ganap; 21 at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.
Lucas
Chapter 5:27-32
Ang Pagtawag kay Levi
5
27 Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang
maniningil ng buwis, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi sa kanya
ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” 28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat,
at sumunod kay Jesus. 29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang
malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming
maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagbulung-bulungan
ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan.
Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na
kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” 31 Sinagot
sila ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit
kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid,
kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi.”
Juan
Chapter
Si Jesus and Ilaw ng
Sanlibutan
8
12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang
buhay at di na lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo,
“Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan
ang ganyang patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako
tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung
saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam
ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon
sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At
humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa
aking paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17
Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang
saksi. 18 Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin
ang Ama na nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong
ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo
kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”
20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
Roma
Chapter 2:1-17
Matuwid ang Hatol ng Diyos
2 1
Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan.
Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili,
dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. 2 Nalalaman nating
makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. 3
Hinahatulan mo ang mga gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Akala
mo ba'y makakaiwas ka sa hatol ng Diyos? 4 O hinahamak mo ang Diyos,
sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam
na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod
sa kasalanan? 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong
magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na
iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos. 6
Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga
ginawa. 7 Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong
nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan,
kadakilaan at kawalang kamatayan. 8 Ngunit matinding galit at poot ang
sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi
sumusunod sa kasamaan. 9 Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng
bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil.
10 Ngunit kapurihan, karangalan at kapayapaan naman ang tatamuhin ng
bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil
11 sapagkat walang kinikilingan ang Diyos.
12
Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at
paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Judio ay mayroong
Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan. 13
Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito,
ang siyang pawawalang-sala ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil na hindi
saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang
likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila. 15
Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang
panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi,
sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman,
sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan. 16 Ayon sa Magandang
Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga
lihim ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
2TesalonicaChapter 1:3-12
Abg Paghuhukom
1.
3 Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil
sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay
Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa. 4
Kaya nga, ipinagmamalaki namin kayo sa lahat ng mga iglesya ng Diyos
dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya, sa gitna ng mga pag-uusig
at mga kahirapang dinaranas ninyo.
5
Ang lahat ng ito'y nagpapatunay na makatarungan ang paghatol ng Diyos,
upang gawin niya kayong karapat-dapat sa kanyang kaharian na siyang
dahilan ng inyong pagtitiis. 6 Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na
pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. 7 Kayo namang mga
nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang Panginoong Jesus ay
inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang
anghel, 8 na may naglalagablab na apoy. Parurusahan ang lahat ng hindi
kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong
Jesus. 9 Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay
sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan. 10 Mangyayari ito
sa Araw ng kanyang pagparito upang tumanggap ng papuri mula sa kanyang
mga hinirang at ng parangal ng lahat ng sumasampalataya sa kanya.
Kabilang kayo roon sapagkat sinampalatayanan ninyo ang patotoong
ipinahayag namin sa inyo.
11
Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging
karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng
kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng
mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing
ibinunga ng pananampalataya. 12 Sa gayon, mapaparangalan ninyo ang
pangalan ng ating Panginoong Jesus, at kayo naman ay pararangalan din
niya, ayon sa kagandahang-loob ng Diyos at ng ating Panginoong
Jesu-Cristo.
EfesoChapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu
4
1 Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa
inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'y
maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa
inyong pagmamahal sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang
pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod
sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may
iisang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos. 5 May iisang
Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at
Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at
nananatili sa lahat.
7
Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na
ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan: “Nang umakyat
siya sa kalangitan, nagdala siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga
kaloob sa mga tao.”
9
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ
muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10 Ang bumabâ ay siya rin
namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang
presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob
upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga
ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito
upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging
matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa
ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang
ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon,
hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng
sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay
dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at
panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan
sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na
siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay
pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung
maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan
at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
HebreoChapter 12:1-29
Mga Bbala at Karunungan
12
12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at
patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid
upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling ang
nalinsad na buto.
14
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi
ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15
Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng
Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ
ang iba. 16 Pag-ingatan ninyo na huwag makiapid ang sinuman sa inyo, o
pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa ni Esau.
Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang panganay. 17
Alam ninyo ang nangyari pagkatapos. Hiningi niya sa kanyang ama na
igawad sa kanya ang pagpapalang nauukol sa panganay, ngunit ito'y
itinanggi sa kanya sapagkat hindi na niya mababago ang kanyang ginawa,
anuman ang gawin niyang pakiusap at pagluha.
18
Hindi kayo lumapit sa isang bundok na nakikita, gaya ng mga Israelita
sa bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na nagliliyab, nababalutan ng dilim
at may malakas na hangin. 19 Nakarinig sila roon ng tunog ng trumpeta at
ng isang tinig. Nang ang tinig na iyon ay marinig ng mga tao, nakiusap
silang huwag na itong magsalita sa kanila, 20 sapagkat hindi nila kayang
tanggapin ang utos na ito, “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit
hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.” 21 Talagang nakakakilabot ang
kanilang natanaw, kaya't pati si Moises ay nagsabing, “Nanginginig ako
sa takot!”
22
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng
Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang
na anghel. 23 Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon ng mga panganay
na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo
ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong
ginawang ganap. 24 Nilapitan ninyo si Jesus, ang tagapamagitan ng bagong
tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay
kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
25
Kaya't huwag kayong tumangging makinig sa kanya na nagsasalita. Ang
tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi
nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo'y tatangging makinig
sa nagsasalita mula sa langit! 26 Dahil sa kanyang tinig, nayanig noon
ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan ko pang yayanigin,
hindi lamang ang lupa, pati na rin ang langit.” 27 Ang mga salitang
“Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang
nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.
28
Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang
kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang
kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkat tunay
nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 98:7-9
The Coming of God
98
7 Humugong ang dagat at ang buong naroon; ang sanglibutan at ang
nagsisitahan doon; 8 Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan; 9 Sa harap ng Panginoon,
sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan
ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.
No comments:
Post a Comment