THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates August 10, 2025
——————————————-------------------------———–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
---------------------------------------------------------------------
Diyos o Kayamanan Mateo Chapter 6:24-34
Kapangyarihang Magbawal at Magpahintulot Mateo Chapter 18:18-20
Mga Sanhi ng Pagkakasala Lucas Chapter 17:1-4
Bigyang kasiyahan ang Kapwa,
Huwag ang Sarili Roma Chapter 15:1-6
Magtulungan sa Pagdadala
ng Pasanin Galacia Chapter 6:1-10
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "GABAY SA PAGKAKAISA NG PAMILYASA PANGINOONG JESU CRISTO"
"Ngunit pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng
Diyos, at mamuhay kayo ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya
ang lahat ng pangangailangan ninyo. " Mateo 6:33
"Sinasabi
ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa ng
paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ito'y ipagkakaloob sa
inyo ng aking amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong
nagkatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila." Mateo 18:19-20
"Kung
nagkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya;y magsisi,
patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at
makapito ring lumapit sa iyo at magsabing 'Nagsisisi ako, ' patawarin
m." Lucas 17:3-4
"Loobin
nawa ng Diys ang nagpapatatag at nagpapalakas ng loob na mamuhay kayong
may pagkakaisa kay Cristo Jesus, upang sama sama kayong magpuri sa
Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo." Roma 15:5-6
Magtulungan
kayo sa pagdadala ng pasanin, at sa ganitong paraa'y matutupad ninyo
ang utos ni Cristo. Kaya't huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti;
pagdating ng panahon, tayo'y magaani kung hindi tayo magsasawa, " Galacia 6:9
Mateo
Chapter 6:24-34
Diyos o Kayamanan
6
24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat
kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring
paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.
25
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong
kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa
susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga
kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon.
Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig,
ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit
kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng
kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang
pagkabalisa?
28
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano
tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni
gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa
kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga
bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na
buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay
liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 31 “Kaya't huwag kayong
mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't
ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng
inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit
higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang
pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang
lahat ng mga bagay na ito. 34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang
bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang
inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mateo
Chapter 18:18-20
Kapangyarihang Magbawal at
Magpahintulot
18
18 “Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal
sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa ay ipahihintulot sa
langit. 19 “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito
sa lupa sa paghingi ng anuman, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama
na nasa langit. 20 Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa
pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
Lucas
Chapter 17:1-4
Mga Sanhi ng Pagkakasala
17
1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga
sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong
panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang
gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng
sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala
sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin
mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong
ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo
siyang patawarin.”
Roma
Chapter 15:1-6
Bigyang kasiyahan ang Kapwa,
Huwag ang Sarili
15 1 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at
huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin
nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang
ikalalakas. 3 Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng
sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang
binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang nasa
Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa
pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay
magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang
nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang
may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa
kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Galacia Chapter 6:1-10
Magtulungan sa Pagdadala
ng Pasanin
6
1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 9:7-10
Thanksgiving for Vistory and
Prayer for Justice
9 7 Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda
niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. 8 At hahatulan niya sa
katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan
sa mga tao. 9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa
napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; 10 At silang
nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa
iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na
nagsisihanap sa iyo.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment