THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates August 03, 2025
——————————————-------------------------———–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
---------------------------------------------------------------------
Ang Hula ni Zacarias Lucas Chapter 1:68-75
Hindi Tinanggap si Jesus sa NazarethLucas Chapter 4:16-30
Manatiling Malaya Galacia Chapter 5:1-15
Ganap na Pamumuhay kay Cristo Colosas Chapter 2:6-19
Si Jesus ang Dakilang Saserdote Hebreo Chapter 5:1-10
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: ANG PANGINOONG JESU CRISTO AY ATING SANDIGAN
AT TAGAPAGLIGTAS
""Purihin
natin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalay
ang kanyang bayan. At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang
tagapagligtas Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako
niya sa pamamagitan ng kanyang banal na propeta noong una, Na ililigtas
niya tayo sa ating mga kaaway, Kanya ring ipinangako na kahahabaga ang
ating mga magulang At alalahanin ang kanyang banal na tipan. Iyan ang
sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, Na ililigtas tayo sa
tig mga kaaway, Upang walang takot na makasamba sa kanya, At maging
banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo;y nabubuhay." Lucas
14:68-75
"Sumasaakin
ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral
sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga
bihag na sila'y na sila'y lalaya, At sa mga bulag na sila'y makakakita;
Upang bigyan ng kaluwagan ang mga sinisiil, At ipahayag ang pagliligtas
na gagawin ng Panginoon." Lucas 4:18-19
"Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo at huwag nang paalipin pang muli. " Galacia 5:1
"Sapagkat
amg buomg kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya'y maging tao at
dahil sa inyong pakikipag-isa sa kanya, naging ganao ang inyong buhay.
Sakop niya ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan." Colosas 2:6-10
"Bagama't
siya'y anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya'y
naging walang hanggang Tagapagligtas ng sumusunod sa kanya.." Hebreo
5:8-9
Lucas
Chapter 1:68-75
Ang Hula ni Zacarias
1 67 Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at
nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: 68 “Purihin ang Panginoong Diyos ng
Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. 69 Nagsugo siya
sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David
na kanyang lingkod. 70 Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa
pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta, 71 na ililigtas niya tayo
mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. 72
Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno, at aalalahanin ang
kanyang banal na tipan. 73 Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating
amang si Abraham, 74 na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, upang
tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot, 75 at maging banal at
matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay.. 76 Ikaw, anak ko,
ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa
Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan, 77 at upang ipaalam sa
kanyang bayan ang kanilang kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga
kasalanan. 78 Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos.
Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. 79 Tatanglawan
niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan
tayo sa daan ng kapayapaan.”
80
Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y
nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na nakilala siya ng bansang Israel.
Lucas Chapter 4:16-30
Hindi Tinanggap si Jesus
sa Nazareth
4
16 Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya
ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng
Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa
kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong
kinasusulatan ng ganito:
18
“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako
upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako
upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y
makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi, 19 at upang
ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.”
20
Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya'y naupo.
Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga, 21 at sinabi niya sa
kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.” 22
Pinuri siya ng lahat, at humanga sila sa kanyang napakahusay na
pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila. 23 Kaya't
sinabi ni Jesus, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito,
‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili!’ Marahil, sasabihin pa
ninyo, ‘Gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan
naming ginawa mo sa Capernaum.’ 24 Tandaan ninyo, walang propetang
kinikilala sa kanyang sariling bayan. 25 Ngunit sinasabi ko sa inyo,
maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa
loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong
lupain. 26 Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila,
kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. 27 Sa dinami-dami
ng mga may ketong sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang
pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria.” 28
Nagalit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. 29 Nagsitayo sila
at itinaboy siyang palabas papunta sa gilid ng bundok na kinatatayuan ng
bayan upang ihulog siya sa bangin. 30 Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan
nila at umalis.
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2
Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo,
binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong
nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong
nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan,
inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa
kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa
pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu. 6
Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang
isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa
sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid,
kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa
ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila
ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa
krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi
tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang
buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y
nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka
tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Colosas
Chapter 2:6-19
Ganap na Pamumuhay
kay Cristo
2 6 Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon,
mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. 7 Magpakatatag kayo at
isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa
pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa
Diyos.
8
Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng
walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng
mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon
kay Cristo. 9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa
kanyang pagiging tao. 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan
ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng
kapangyarihan at pamamahala.
11
Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi
sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay
Cristo. 12 Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo
at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa
kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. 13 Kayong dating
patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli
ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad
niya ang ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat
na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito.
Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. 15 Sa pamamagitan
ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at
kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang
ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.
16
Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol
sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa
Araw ng Pamamahinga. 17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na
darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. 18 Huwag
kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at
sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa
inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang
lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. 19 Hindi sila
nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong
katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga
kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong
katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.
Hebreo
Chapter 5:1-10
Si Jesus ang Dakilang Saserdote
5
1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa
ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang
nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2
Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng
landas, sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang
kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa
kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga kasalanan. 4 Ang
karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makuha
ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya,
tulad ng pagkapili kay Aaron.
5
Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging
Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw
ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” 6 Sinabi rin niya sa
ibang bahagi ng kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa
pagkapari ni Melquisedec.”
7
Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at
lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan.
At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba. 8 Kahit na
siya'y Anak ng Diyos, natutunan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis. 9 At nang siya'y maging ganap, siya ang
naging sanhi upang magkamit ng walang hanggang kaligtasan ang lahat ng
mga masunurin sa kanya. 10 Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari
ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 27:1-3
Trust in God
27 1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako
matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako
masisindak? 2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang
kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y
nangatisod at nangarapa. 3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban
sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang
pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment