THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates July 27, 2025
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Pagparito ng Anak ng Tao Lucas Chapter 21-25-29
Pinatigil ni Jesus ang Unos Lucas Chapter 8:22-25Pananalangin at Pasasalamat Colosas Chapter 1:3-14
Ang Tatlong Anghel Pahayag Chapter 14:6-13
Pagtitiyaga at Pananalangin Santiago Chapter 5:6-20
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: GABAY NG PANGINOONG DIYOSAT PANGINOONG JESU CRISTO
SA PAGHARAP SA SAKUNA AT PAGHUHUKOM,,
"Magkakaroon
ng tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituain. Sa lupa, ang mga bansa
ay masisindak at malilitp dahil sa ugpng at mga daluyong ng dagat. Ang
mga tao'y hihimatayon sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang
darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani- kanilang
landas ang mga planeta at iba pang tulad nito na nasa kalawakan. " Lucas 21:25-26
Nilapitan
siya at ginising ng mga alagad. "Guro, Guro, lulubog po tayo!" sabi
nila. Bumangon si Jesus, at sinaway ang hangin at ang mga nagngangalit
na mga alon, at tumahimik ang mga ito. Bumuti ang panahon. Tinanong
niya sila, "Nasaan ang inyong pananalig?" Nguni't sila'y natakot at
namangha, at ang sabi sa isa't isa, "Sino kaya ito? Inuutusan niya ang
hangin at ang dagat, at sinusunod naman siya ng mga ito!" Lucas 8:24-25
"Idinadalangin
din naming kayo'y patatagin niya sa tulong ng kanyang kapangyarihan
upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay." Colosas 1:11
"Kaya'y magpakatatag ang hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus." Pahayag 14:12
"Sinasabi
nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang
tungkol sa pagtitiis ni Job, at ang ginawa sa kanyang ng Panginoon sa
bandang huli. ito'y nagpapakilala na mabuti at mahabagin ang
Panginoon." Santiago 5:11
Lucas
Chapter 21-25-29
Ang Pagparito ng Anak ng Tao
21
25 “Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin.
Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga
daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa
pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig
ang mga kapangyarihan sa langit. 27 Sa panahong iyon, makikita nila ang
Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at
dakilang karangalan. 28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito,
tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”
Lucas
Chapter 8:22-25
Pinatigil ni Jesus ang Unos
8 22 Isang araw, sumakay sa isang bangka si Jesus at ang kanyang mga
alagad. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At ganoon nga
ang ginawa nila. 23 Nang sila ay naglalayag na, nakatulog si Jesus.
Bumugso ang isang malakas na unos at ang bangka ay pinasok ng tubig,
kaya't sila'y nanganib na lumubog. 24 Nilapitan siya ng mga alagad at
ginising. “Panginoon, Panginoon, mamamatay tayo!” sabi nila. Bumangon si
Jesus at sinaway ang hangin at ang malalaking alon. Tumahimik ang mga
ito at bumuti ang panahon. 25 Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang
inyong pananampalataya?” Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila
sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang
tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”
Colosas
Chapter 1:3-14
Pananalangin at Pasasalamat
1 3 Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa
Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Sapagkat nabalitaan
namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa
lahat ng hinirang ng Diyos, 5 dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na
inihanda para sa inyo sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang
ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang
Balita na dumating sa inyo. 6 Ito'y lumalaganap at nagdadala ng
pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig
at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.
7 Natutunan ninyo ito kay Epafras, ang aming kamanggagawa, isang tapat
na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo. 8 Sa kanya namin nalaman ang
inyong pag-ibig na naaayon sa Espiritu.
9
Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa
Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban,
sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu. 10 Sa
gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa
Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang
inyong pagkakilala sa Diyos. 11 Idinadalangin din naming patatagin niya
kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na
masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. 12 Lagi kayong
magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga
pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya
tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang
minamahal na Anak. 14 Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid
ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].
Pahayag
Chapter 14:6-13
Ang Tatlong Anghel
14 6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid,
dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa
lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang
malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat
dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na
lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!” 8 Sumunod naman
ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang
makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak
ng kanyang kahalayan!” 9 At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na
sumisigaw, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at
nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng purong
alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan
sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan
ng Kordero. 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay
patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang
pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga
natatakan ng kanyang pangalan.” 12 Ito'y panawagan na magpakatatag ang
mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at
nananatiling tapat kay Jesus. 13 At narinig ko mula sa langit ang isang
tinig, na nagsasabi, “Isulat mo: Mula ngayon, pinagpala ang mga
namamatay na naglilingkod sa Panginoon!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo
nga silang pinagpala! Magpapahinga na sila sa kanilang mga pagpapagal;
sapagkat sinusundan sila ng kanilang mga gawa.”
Santiago
Chapter 5:6-20
Pagtitiyaga at Pananalangin
5
1 Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol
dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. 2 Bulok na ang inyong mga
kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. 3
Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang
magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong
laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. 4
Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo
ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong
Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong
inapi! 5 Nagpasasa kayo sa kalayawan at karangyaan dito sa lupa.
Nagpataba kayong parang mga hayop na kakatayin. 6 Hinatulan ninyo at
ipinapatay ang taong matuwid na hindi lumalaban sa inyo. 7 Kaya nga, mga
kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan
ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani
ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan. 8 Dapat din
kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na
ang pagdating ng Panginoon.
9
Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo
hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga
kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng
Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating
pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol
sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang
huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.
12
Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag
ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.”
Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang
hindi kayo hatulan ng Diyos.
13
May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba
ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May sakit ba ang sinuman
sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15
Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y
nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga,
ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at
ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang
nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang tao na
tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi
nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At nang siya'y
nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga
halaman.
19
Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa
namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang tandaan ninyo: sinumang
makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay
nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming
kasalanan.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 16:1-11
God the Supreme Good
16
1 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. 2 Oh
kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y
walang kabutihan liban sa iyo. 3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. 4 Ang mga kalumbayan
nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming
handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga
pangalan sa aking mga labi. 5 Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking
mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. 6 Ang
pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y
may mainam na mana.
7
Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo,
tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. 8 Aking inilagay na lagi ang
Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi
ako makikilos. 9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking
kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo
man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. 11 Iyong ituturo
sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng
kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment