THEME: Kahababan at Magmalasakitsa mga Maysakit, Kapansanan, nagdarahop
at ibat ibang kagaya nito na
nangangailangan ng kagandahang loob
"Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Cristo."
Filipos 2:4-5
"Magtulungan
kayo sa pagdadala ng pasanin, at sa ganitong paraa'y matutupad ninyo
ang utos ni Cristo. Samantalahain natin ang lahat ng pagkakatoan sa
paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa
pananampalataya."
Galacia 6:2, 10
"At
sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking
Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo
mula nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako'y nagutom at inyong
pinakain, nauhaw at inyong pinainom. ako'y isang dayuhan at inyong
pinatuloy. Ak'y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako'y nabilanggo at inyong pinuntahan. " Mateo 25:34-36
10
30 Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem
papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at
iniwang halos patay na. 31 Nagkataong dumaan doon ang isang paring
Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa
kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita
niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang
paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon.
Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. 34 Nilapitan niya ito,
binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos,
isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa
bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya
ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at
sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos,
babayaran kita pagbalik ko.’” 36 At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo,
sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga
tulisan?” 37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa
kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at
ganoon din ang gawin mo.” Lucas 10:30-37
"Ipamigay
ko man ang lahat kong ari arian, at iaalay ko man ang aking katawan
upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang
idudulot ito sa akin." 1Corinto 13:3
Filipos
Chapter 2:1-11
Halimbawang iniwan ni Cristo
2 1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong
kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong
kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang
aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa
iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa
ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang
tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga
sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang
sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay
Cristo Jesus.
6
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang
manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang
pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya
bilang tao. At nang siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba siya at naging
masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. 9
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang
higit sa lahat ng pangalan. 10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod
at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng
lupa. 11 At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Galacia
Chapter 6:1-10
Magtulungan sa Pagdadala
ng Pasanin
6 1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
Mateo
Chapter 25:37-46
Ang Paghuhukom
25
31 “Sa maluwalhating pagdating ng Anak ng Tao, kasama ang lahat ng
anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Tipunin sa
harapan niya ang lahat ng mga bansa at sila'y kanyang
pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga
kambing. 33 Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa
naman ang mga kambing. 34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan
niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin
ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35
Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at
ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y
hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw,
nabilanggo at inyong pinuntahan.’37 “Sasagot ang mga matuwid,
‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o
nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming
pinatuloy, o kaya'y hubad at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo
nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?’ 40
“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak
sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’
41
“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko,
kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para
sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako
pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y
nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi
ninyo ako dinamitan noong ako'y hubad. Hindi ninyo ako dinalaw noong
ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.’ 44 “At sasagot din
sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang
matuluyan, hubad, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo
tinulungan?’ 45 “At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang
pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang
inyong pinagkaitan.’ 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang
hanggan, ngunit ang mga matuwid ay pupunta sa buhay na walang hanggan.”
Lucas
Chapter 10:25-37
Ang Mabuting Samaritano
10
25 Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y
subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na
walang hanggan?” tanong niya. 26 Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat
sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?” 27 Sumagot ang lalaki,
“‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa
mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’” 28 Sabi ni Jesus, “Tama ang
sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
29
Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki,
“Sino naman ang aking kapwa?” 30 Sumagot si Jesus, “May isang taong
naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga
tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong
dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay,
lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang
Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong
naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y
naawa. 34 Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat
at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at
dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. 35 Kinabukasan,
binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang
iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” 36 At nagtanong si
Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng
taong hinarang ng mga tulisan?” 37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon
ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon,
humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
1Corinto
Chapter 13:1-13
PAG-IBIG
13 1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang
umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang
magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung
nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't
nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig,
wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga
ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
4
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi
mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi
makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7
Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas.
8
Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil
rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang
kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. 9 Hindi pa ganap ang
ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng
mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang
di-ganap.
11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang
tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko
na ang mga asal ng bata.
12
Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin,
subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan.
Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na
malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa
akin.
13
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 136:1-9
Hyms of Thanksgiving of
Gods Everlasting Love
136 1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Oh
mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang
kagandahang-loob ay magpakailan man. 3 Oh mangagpasalamat kayo sa
Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay
magpakailan man.
4
Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't
ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 5 Sa kaniya na gumawa
ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang
kagandahang-loob ay magpakailan man. 6 Sa kaniya na naglalatag ng lupa
sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay
magpakailan man. 7 Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 8 Ng araw
upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay
magpakailan man: 9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
No comments:
Post a Comment