THEME: MANAMPALATAYASA PANGINOONG JESU CRISTO
IWASAN ANG TUKSO AT
PAGGAWA NG MASAMA
"Namamaalam
na ang gabi at malapit nang magliwanag. Layuan nnga natin ang lahat ng
gawang masama at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti. Ang
Panginoong ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag paglaanan ang
laman upang bigyang kasiyahan ang nasa nito." Roma 13:12,14
"Maging tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang mabuti. " Roma 12:9
"Ito
ang sinasabi ko sa inyo: ang Espiritu ang ang gawin niyong patnubay sa
inyobg buhay at huwagninyong susundin ang pita ng laman. Sapagkat ang
pita ng laman ay laban sa mga ninanasa ng Espiritu, at ang ninanasa ng
Espiritu ay laban sa mga pita ng laman. Magkalaban ang dalawang ito,
kaya hindi ninyo magagawa ang ibig ninyong gawin." Galacia 5:16-18
"Hindi
maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na
pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot,
pagkagalit, panibugho, kasakiman, pagkabaha-bahagi, pagkakampi-kampi,
pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad
nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa
kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay. Galacia 5:19-21
Roma
Chapter 13:8-14
Tungkulin sa Kapwa
13 8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y
magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad
na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag
kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin
ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing
lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11
Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang
pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y
unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit
nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at
italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa
liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at
paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin
ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong
pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
12 1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Galacia
Chapter 5:16-18
Ang Espiritu Santo at
Kalikasan ng Tao
16 Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung
pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
Galacia
Chapter 5:19-21
Ang Espiritu Santo at
Kalikasan ng Tao
19
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot,
pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi
at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang
habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan:
ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng
Diyos.
22
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na
sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu,
mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag
nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 91:1-16
Security Under Gods
Protections
91
1 Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa
lilim ng Makapangyarihan sa lahat. 2 Aking sasabihin tungkol sa
Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na
siyang aking tinitiwalaan. 3 Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng
paninilo, at sa mapamuksang salot. 4 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang
mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang
kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. 5 Ikaw ay hindi matatakot sa
kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; 6 Dahil
sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira
sa katanghaliang tapat. 7 Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at
sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. 8 Iyong
mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa
masama. 9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa
ang Kataastaasan na iyong tahanan; 10 Walang kasamaang mangyayari sa
iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. 11 Sapagka't siya'y
magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa
lahat ng iyong mga lakad. 12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. 13 Iyong yayapakan ang leon
at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong
mga paa.
14
Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't
iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang
naalaman ang pangalan ko. 15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko
siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at
pararangalan siya. 16 Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at
ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.
No comments:
Post a Comment