mga Anak
6 1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa
Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. 2 “Igalang mo ang iyong ama at
ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda
at mahaba ang iyong buhay sa lupa.” 4 Mga magulang, huwag ninyong ibuyo
sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin
ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.
1Pedro
Chapter 5:1-11
Ang Kawa ng Diyos
5 1 Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol
dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. 2 Bulok na ang inyong mga
kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. 3
Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang
magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong
laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. 4
Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo
ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong
Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong
inapi!
5
Nagpasasa kayo sa kalayawan at karangyaan dito sa lupa. Nagpataba
kayong parang mga hayop na kakatayin. 6 Hinatulan ninyo at ipinapatay
ang taong matuwid na hindi lumalaban sa inyo. 7 Kaya nga, mga kapatid,
magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang
magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang
bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan.
8
Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat
nalalapit na ang pagdating ng Panginoon. 9 Mga kapatid, huwag kayong
magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat
malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga kapatid, tularan ninyo ang mga
propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang
nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga
at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang
ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at
tunay na mahabagin ang Panginoon.
Galacia
Chapter 5:16-26
Ang Espiritu at Kalikasan ng Tao
5
16 Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung
pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot,
pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi
at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang
habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan:
ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng
Diyos.
22
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na
sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu,
mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag
nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
1Corinto
Chapter 13:1-13
Ang Pag-ibig
13 1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang
umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang
magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung
nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't
nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig,
wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga
ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
4
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi
mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi
makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.
6
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7
Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas. 8 Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa
Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at
lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. 9 Hindi
pa ganap ang ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating
magsalita ng mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap,
maglalaho na ang di-ganap.
11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang
tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko
na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila
malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay
makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon,
ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos
na pagkakilala niya sa akin.
13
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig
Hebreo
Chapter 13:1-26
Paglilingkod na
Nakalulugod sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2
Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang
bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa
kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang
kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga
pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon. 4 Dapat
ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa
isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya.
5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong
sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa
ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. 19 Higit sa
lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa
inyo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 27:1-3, 12-14
Trust in God
27
1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako
matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako
masisindak? 2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang
kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y
nangatisod at nangarapa. 3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban
sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang
pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako.
12
Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga
sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga
ng kabagsikan. 13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita
ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay. 14 Magantay ka sa
Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo,
umasa ka sa Panginoon.
No comments:
Post a Comment