11
17 Pagdating ni Jesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si
Lazaro. 18 May tatlong kilometro lamang ang layo ng Jerusalem sa
Bethania, 19 at maraming Judio ang dumalaw kina Martha at Maria upang
makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid. 20 Nang mabalitaan ni
Martha na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria
nama'y naiwan sa bahay. 21 Sinabi ni Martha, “Panginoon, kung narito po
kayo, hindi sana namatay ang kapatid ko. 22 Subalit alam kong kahit
ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa
kanya.” 23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. 24
Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.”
25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.
Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay;
26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay
kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” 27 Sumagot siya, “Opo,
Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos na
inaasahang darating sa sanlibutan.”
Roma
Chapter 12:1-20
Pamumuhay Cristinao
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong. 17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama.
Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18
Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang
mapayapa kasama ng sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti;
ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang
paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung
nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa
gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong
magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Roma
Chapter 14:13-23
Huwag Maging Sanhi ng
Pagkakasala ng Iyong Kapatid
14
13 Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging
dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil sa aking
pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas
na marumi. Ngunit kung ang sinuman ay naniniwalang marumi ang anumang
bagay, marumi nga iyon sa kanya. 15 Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay
natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo.
Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa
iyong kinakain. 16 Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag
masamain ng iba. 17 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa
pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at
kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo. 18 Ang naglilingkod kay
Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at
iginagalang ng mga tao.
19
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng
kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20 Huwag ninyong sirain
ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis
at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa
iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng
alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.
22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat makaalam ng iyong paniniwala
tungkol sa bagay na ito. Pinagpala ang taong hindi sinusumbatan ng
kanyang budhi kapag ginagawa niya ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang
tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang
pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa
kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa sariling
paniniwala ay kasalanan.
1Corinto
Chapter 1:12-24
Nagbagop ng Balak si Pablo
112
Ito ang aming ipinagmamalaki at pinapatunayan naman ng aming budhi:
tapat at walang pagkukunwari ang aming pakikisama sa lahat, lalo na sa
inyo. Subalit nagawa namin ito sa kagandahang-loob ng Diyos at hindi sa
pamamagitan ng karunungan ng tao. 13 Ang isinulat namin sa inyo ay iyon
lamang kaya ninyong basahin at unawain. Gayon pa man, hindi pa rin ninyo
kami lubos na maunawaan. 14 Ngunit umaasa akong mauunawaan din ninyo
kami, upang sa araw ng ating Panginoong Jesus ay maipagmalaki ninyo kami
kung paanong maipagmamalaki namin kayo.
15
Dahil sa natitiyak ko ito, binalak kong pumunta muna diyan upang
dalawang ulit kayong pagpalain. 16 Binalak kong dalawin muna kayo diyan
bago pumunta sa Macedonia, at dumaan muli sa pagbabalik ko galing doon
upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea. 17 Ako ba'y
nagdadalawang-isip nang balakin ko ito? Ako ba'y nagpaplanong tulad ng
mga taga-sanlibutan, na nagsasabi ng “Oo” at pagkatapos ay hindi naman
pala? 18 Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang aming salita sa
inyo ay “Oo” kung “Oo” at “Hindi” kung “Hindi”. 19 Ang Anak ng Diyos, na
si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi
“Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang
lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo
ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 Ang
Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng
pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin..
22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang
Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako. 23
Saksi ko ang Diyos, alam niya ang laman ng aking puso. Hindi muna ako
pumunta riyan sa Corinto sapagkat kayo rin ang inaalala ko. 24 Hindi sa
nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong
maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang
maging maligaya kayo.
No comments:
Post a Comment