MESSAGE OF GOD
THEME: PASALAMATAN ANG PANGINOONG DIYOS AT KRISTO JESUS
AT IDALANGIN ANG KAAYUSAN AT PAGKAKAISA
NG MUNDO AT BANSANG PILIPINAS
"Hindi
lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin
dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung
paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayon din naman maging isa
sila sa atin, upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa
akin., Juan 17:20-21
"Idalangin
ninyo na pagpalain ang mga umuusig sa inyo---ipanalanging pagpalain at
huwag sumpain. Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi
makisama sa mga aba. Huwag ninyong ipalagay na ang inyong sarili na
napakarunong.. Huwag kayong gumnnti ng masama sa masama " Roma 12:14-, 16-17
"Kayat pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan at makapagpapatibay sa isat isa." Roma 14:19
Pinagkasundo
niya tayo; kaming mga Judio at kayong mga Hentil ay kanyang pinag-isa
Sa pamamagitan ng kanyang katawan, [onawi niya ang alitan na parang
pader na naghihiwalay sa atin. Naparito si Cristo at ipinangaral sa
lahat ang Mabuting Balita ng kapayapaan sa iyong mga Hentil na malaya sa
Diyos, at sa mga Judio na malapit sa kanya. Dahil kay Cristp tayp'y
kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu." Efeso 2:14, 17-18
"at
sama samang ipahayag ang inyong damdamin sa pamamagitan ng mga salmo,
mga imno at mga awiting espiritwal. Kayo'y buong pusong umawit at
magpuri sa Panginoon, at laging magpasalamat sa Diyos at Ama dahil sa
lahat ng mga bagay, sa pangalan ng ating Panginoong JJesus Cristo." Efeso 5:19-20
Juan
Chapter 17-1-26
Nanalangin si Jesus para
sa kanyang mga Alagad
17 1 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang
sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang
luwalhatiin ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa
lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng
ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala
ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4
Inihayag ko dito sa lupa ang iyong kaluwalhatian; natapos ko na ang
ipinapagawa mo sa akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa
iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain
ang sanlibutan. 6 “Ipinahayag ko na kung sino ka sa mga taong ibinigay
mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin,
at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng
ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; 8 dahil ibinigay ko sa kanila ang
mga salitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang
ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo
sa akin.
9
“Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang
lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at
naluluwalhati ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako'y papunta na sa
iyo; iniiwan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan
pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong
ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 12 Habang kasama
nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at
walang napahamak sa kanila, maliban sa taong tiyak na mapapahamak, upang
matupad ang kasulatan. 13 Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at
sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng
aking kagalakan. 14 Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at
kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan,
tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalanging kunin mo
sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! 16 Hindi sila
taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. 17 Ibukod mo
sila para sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang
katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin
naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila'y
itinalaga ko ang aking sarili para sa iyo, upang maitalaga rin sila sa
katotohanan.
20
“Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig
sa akin dahil sa kanilang pahayag. 21 Ama, maging isa nawa silang lahat.
Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman,
maging isa nawa sila sa atin upang ang sanlibutan ay maniwala na ikaw
ang nagsugo sa akin. 22 Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang
ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na
iisa: 23 ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang
maging isa. Dahil dito, malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at
sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin.
24
“Ama, sila na ibinigay mo sa akin ay nais kong makasama sa kinaroroonan
ko upang mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin,
sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig. 25 Makatarungang
Ama, hindi ka kilala ng sanlibutan, ngunit kilala kita, at alam rin ng
mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinahayag ko na
sa kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang
pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa
kanila.”
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Roma
Chapter 14:13-23
Huwag maging sanhi ng
pagkakasala ng Iyong Kapatid
14 13 Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging
dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil sa aking
pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas
na marumi. Ngunit kung ang sinuman ay naniniwalang marumi ang anumang
bagay, marumi nga iyon sa kanya. 15 Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay
natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo.
Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa
iyong kinakain. 16 Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag
masamain ng iba. 17 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa
pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at
kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo. 18 Ang naglilingkod kay
Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at
iginagalang ng mga tao.
19
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng
kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20 Huwag ninyong sirain
ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis
at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa
iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng
alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.
22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat makaalam ng iyong paniniwala
tungkol sa bagay na ito. Pinagpala ang taong hindi sinusumbatan ng
kanyang budhi kapag ginagawa niya ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang
tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang
pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa
kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa sariling
paniniwala ay kasalanan.
Efeso
Chapter 2:11-22
Pinapaging isa kay Cristo
2 11 Kaya't alalahanin ninyo ang dati ninyong kalagayan. Kayo'y
ipinanganak na mga Hentil, at “di-tuli” ang tawag sa inyo ng mga Judio.
Ang mga Judio naman ay tinatawag na mga “tuli” dahil sa ginagawa sa
kanilang katawan. 12 Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi
kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga
pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at
walang Diyos. 13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo
Jesus, kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni
Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan
dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng
kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa
atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga
alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng isang
bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan. 16 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan
niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa
iisang katawan. 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat
ang Magandang Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo'y
malalayo, at sa mga Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong
lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
19
Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga
kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
20 Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga
apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. 21
Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at
nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa
inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang
tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
Efeso
Chapter 5:1-20
Mamuhay Bilang mga
Taong Naliwanagan
5 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang
pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay
at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng
kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang
mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na
ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay
nakikilala kung ano talaga ang mga iyon,
14
at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising
ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka
ni Cristo.” 15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay
kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo
nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng
kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa
halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong
maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip
ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong pag-uusap gumamit
kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso
kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi kayong magpasalamat sa
Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
No comments:
Post a Comment