Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Sunday, 10 May 2026

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates MAY 10, 2026

 


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MAY 10, 2026
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

 

 
 
 
 
 
 Tagubilin sa mga Magulang  at mga Anak Marcos Chapter 6:1-4
Mga Suliranin Ukol sa  Pagaasawa  1Corinto Chapter 7:1-16
Pamumuhay Cristiano Roma Chapter 12:1-20
 Magalak Kayo sa Panginoon Filipos Chapter 4:1-9
 Diyos o Kayamanan? Mateo  Chapter 6:24-34
 
 
 
 
 

 
TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "GABAY NG PANGINOONG DIYOS
AT KRISTO JESUS SA MGA 
NANAY"
 
 "Mga magulang, huwag ninyong ibuyo ang inyong anak sa paghihimagsik laban sa inyo dahil sa inyong malabis na kahigpitan; sa halip ay palakiin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon." Efeso 6:4


"Sa  mga may asawa, ito ang iniuutos ko hindi ako kundi ang Panginoon huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa.  Kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asawa o kaya'y makipagkasundo sa asawa.  At huwag namagn hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa. " 
1Corinto 7:10-11

"Magpakasipag kayo at buong pusong maglingkod sa panginoon.  Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa; magtiyaga kayo sa inyong kapighatian." 
Roma 12:11-12

"Magalak kayo lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayo.  Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang loob.  Malapit nang dumating ang Panginoon.  Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay .  Sa halip hilingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalangin may pasasalamat.  At di malirip na kapayapaan ng Diyos ang magiingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus." Filipos 3:4-7

"Kaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at iinumin, o daramtin .  Sapagkat ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos.  Alam ng inyong amang nasa langit na kailangain nino ang lahat ng ito.  Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos, at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo."  Mateo 6:31-33
 




Marcos
Chapter 6:1-4
Tagubilin sa mga Magulang 
at mga Anak

61 Mga- anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,]+ sapagkat ito ang nararapat. 2 “Igalang- mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”
 
4 Mga- magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.
Katuruan para sa mga Alipin at mga Amo
 
5 Mga- alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. 6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. 7 Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.
 
9 Mga- amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at pantay ang kanyang pagtingin sa inyo.



1Corinto
Chapter 7:1-16
Mga Suliranin Ukol sa 
Pagaasawa

7 1 At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae. 2 Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa. 3 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. 4 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. 5 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. 
 
6 Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos. 7 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon. 8 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko. 9 Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita. 
 
10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa. 11 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa. 
 
12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. 13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. 14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. 15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios. 16 Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?
 
 
 
Roma
Chapter 12:1-20
Pamumuhay Cristiano

12 1 Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. 2 Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo. 
 
3 Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 4 Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. 5 At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. 6 At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. 7 Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. 8 Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: 
 
9 Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. 10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika. 11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig. 12 Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. 13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
 
 14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. 15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
 
 17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. 18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. 19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? 20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan



Filipos
Chapter 4:1-9
Magalak Kayo sa Panginoon

41 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.

2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.

4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
 
 
 
Mateo
 Chapter 6:24-34
Diyos o Kayamanan?
(Lu. 16:13; 12:22-31)

6 24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin]+ upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

28 “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit- sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

31 “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos]+ at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”







THE WISDOM BOOKS AND  
EVANGELIZATIONS


Awit
Chapter 112:1-10
The Blessing of the Just

112 1 Purihin angPanginoon !
Mapalad ang taong may takot saPanginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.

2 Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,
dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain.

3 Yayaman ang kanyang sambahayan,
at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.

4 Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid,
at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.

5 Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,
at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

6 Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan
at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

7 Hindi siya matatakot sa masamang balita,
dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala saPanginoon .

8 Hindi siya matatakot o maguguluhan, dahil alam niyang sa bandang huliʼy makikita niyang matatalo ang kanyang mga kalaban.

9 Nagbibigay siya sa mga dukha,at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.
Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdaganng Dios upang siyaʼy maparangalan.

10 Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw siladahil sa kahihiyan .Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.






FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

No comments:

Post a Comment


 

SOCIAL NETWORK

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail