THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
36 Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumunta naman siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. 37 Sa- bayang iyon ay may isang babaing makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya't nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 38 Lumapit siya sa likuran ni Jesus sa gawing paanan. Umiiyak na binasâ niya ng kanyang mga luha ang mga paa ni Jesus. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok, hinalikan, at binuhusan ng pabango ang mga paa nito. 39 Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, “Kung totoong propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan.”
40 Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Jesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.”
“Ano po iyon, Guro?” sagot niya.
41 Sinabi ni Jesus, “May dalawang taong may utang sa isang nagpapahiram ng pera; limang daang salaping pilak ang inutang ng isa, at limampung salaping pilak naman ang sa ikalawa. 42 Nang hindi sila makabayad, kapwa sila pinatawad. Ngayon, sino kaya sa kanila ang higit na magmamahal sa pinagkautangan?”
43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad sa mas malaking utang.”
“Tama ang sagot mo,” tugon ni Jesus. 44 Nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit hinugasan niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ang mga ito ng sarili niyang buhok. 45 Hindi mo ako hinalikan; ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumigil ng kahahalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo nilagyan ng langis ang aking ulo, subalit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin ang pagmamahal.”
48 At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
49 At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong nangangahas na magpatawad ng kasalanan?”
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na.”
5 1 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 2 At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
10 25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? 26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo? 27 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Updates APRIL 25, 2026
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Binuhusan ng Pabango
ang mga Paa ni Jesus Lucas Chapter 7:26-50
Mabuting Pangangasiwa ng
Kaloob ng Diyos 1Pedro Chapter 4:7-11Mamuhay Bilang mga Taong
Naliwanagan Efeso Chapter 5:1-20 Abg Mabuting Samaritano Lucas Chapter 10:25-37
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: ANG MALAKING PAGMAMAHAL
NATIN NATIN SA PANGINOONG DIYOS
MULA PANGINOONG JESU CRISTO AY
MAGPAPATAWAD SA ATIN
"Kaya't
sinasabi ko sa iyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang
nagpapatunay na ipinatawad na ang maraming kasalanan niya; nguni't ang
pinatawad ng kaunti ay kaunti lang ang pagmamahal na ipinamalas." Saka
sinabi sa babae, " Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan." Lucas 7:47-48
"Higiti
sa lahat magmahalan kayo ng tapat, sapagkat ang pagmamahala ay pumapawi
ng maraming kasalanan. Bilang mabubutign katiwala ng ibat ibang kaloob
ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat abg katangiang
tinanggap ng bawat isa." 1Pedro 4:8-10
"Sapagkat masama ang takbo ng daidig, samantalahin ninyo ang bawa't
[agkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti . Huwag kayong hangal; unawain
ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. " Efeso 5:16-17
"May
eskribang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. " Guro" aniya. "ano
ang dapat kong gawin upang makamit ko ang buhay na walang hanggan ?"
Subagot si Jesus, "Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano nag nababasa m
roon?" Tumugon siya, "'Ibigian mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso, at nang buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong
pag-iisip'; at. 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyosn sarili.'"
"Tama ang sagot mo wika ni Jesus. "Gawin mo iyan at mabubuhay ka " " Lucas 10:25-28
Lucas
Chapter 7:26-50
Binuhusan ng Pabango
ang mga Paa ni Jesus
36 Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo upang makasalo niya. Pumunta naman siya sa bahay nito at dumulog sa hapag. 37 Sa- bayang iyon ay may isang babaing makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya't nagdala siya ng pabangong nasa sisidlang alabastro. 38 Lumapit siya sa likuran ni Jesus sa gawing paanan. Umiiyak na binasâ niya ng kanyang mga luha ang mga paa ni Jesus. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok, hinalikan, at binuhusan ng pabango ang mga paa nito. 39 Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, “Kung totoong propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan.”
40 Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Jesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.”
“Ano po iyon, Guro?” sagot niya.
41 Sinabi ni Jesus, “May dalawang taong may utang sa isang nagpapahiram ng pera; limang daang salaping pilak ang inutang ng isa, at limampung salaping pilak naman ang sa ikalawa. 42 Nang hindi sila makabayad, kapwa sila pinatawad. Ngayon, sino kaya sa kanila ang higit na magmamahal sa pinagkautangan?”
43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad sa mas malaking utang.”
“Tama ang sagot mo,” tugon ni Jesus. 44 Nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit hinugasan niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ang mga ito ng sarili niyang buhok. 45 Hindi mo ako hinalikan; ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumigil ng kahahalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo nilagyan ng langis ang aking ulo, subalit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin ang pagmamahal.”
48 At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
49 At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong nangangahas na magpatawad ng kasalanan?”
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na.”
1Pedro
Chapter 4:7-11
Mabuting Pangangasiwa ng
Kaloob ng Diyos
4 7 Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y
mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin: 8 Na una sa lahat ay
maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay
nagtatakip ng karamihang kasalanan: 9 Na mangagpatuluyan kayo ng walang
bulongbulungan: 10 Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay
ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng
masaganang biyaya ng Dios; 11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya
ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa
kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng
mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian
at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa
Efeso
Chapter 5:1-20
Mamuhay Bilang mga Taong
Naliwanagan
5 1 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 2 At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3
Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay
huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; 4 O
ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na
di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat. 5 Sapagka't talastas
ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang
mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni
Cristo at ng Dios.
6
Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan:
sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa
mga anak ng pagsuway. 7 Huwag kayong makibahagi sa kanila; 8 Sapagka't
noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa
Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: 9
(Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran
at katotohanan), 10 Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng
Panginoon; 11 At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na
gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; 12 Sapagka't ang mga
bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. 13
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng
kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay
kaliwanagan.
14
Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna
ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo. 15 Mangagingat nga kayong
lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya
ng marurunong; 16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga
araw ay masasama. 17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi
unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18
At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan,
kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu; 19 Na kayo'y mangagusapan ng mga
salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at
nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; 20 Na kayo'y laging
magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong
Jesucristo sa Dios na ating Ama;
Lucas
Chapter 10:25-37
Abg Mabuting Samaritano
10 25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? 26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo? 27 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28
At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at
mabubuhay ka. 29 Datapuwa't siya, na ibig magaringganap sa kaniyang
sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao? 30 Sumagot
si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem;
at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at
sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na. 31
At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita
siya ay dumaan sa kabilang tabi. 32 At sa gayon ding paraan ang isang
Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay
dumaan sa kabilang tabi. 33 Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang
paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita
niya, ay nagdalang habag, 34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang
kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay
sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y
inalagaan. 35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at
ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at
ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik
ko. 36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa
nahulog sa kamay ng mga tulisan? 37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa
sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang
gawin mo. 38







