THEME: ANG SALITA NI jESUS ANG HAHATOL
"May
hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking
salita: ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw."
Juan 12:48
::Ngunit
dahil sa katigasan ng ulo mo at di pagsisisi, pinabibigat mo ang
parusang ipapataw sa iyo, sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng
kanyang paghatol. Sapagkat siya ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa
kanilang mga gawa." Roma 2:5-6
Darating
siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at parurusahan ang lahat ng
hindi kumilala sa Diyos at hindi sumunod sa Mabuting Balita tungkol
sa ating Panginoong Jesu-Cristo." 2Tesalonica 1:8
"Kaya't
mag-ingat kayo sa inyong kilos at pananalita sapagkat hahatulan kayo
ayon sa kautusang nagpalaya sa inyo. Walang habag na hahatulan ng Diyos
ang di marunong mahabag; ngunit ang mahabagi'y walang dapat ikatakot sa
oras ng pagharol." Santiago 2:2-12
"Ang
mga salita ni Cristo ay itanim ninyong mabuti as inyong isip,
Magpalalahanan kayo at magtuturuan ng buong kaalaman. Umawit kayo ng
imno, at awiting espiritwal, na may pasasalamat sa Diyos. At anumang
ang gawin ninyo sa salita o gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus, at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama. " Colosas 3:16-17
Juan
Chapter 12:44-50
Ang Salita ni Jesus ang Hahatol
12
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay
hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. 45 At ang
nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito
na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin
ay huwag manatili sa kadiliman. 47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig
sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan:
sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang
iligtas ang sanglibutan. 48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi
tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa
kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa
huling araw. 49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking
sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin
ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong
salitain. 50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang
hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin
ng Ama, gayon ko sinasalita.
Roma
Chapter 2:1-16
Matuwid ang Hatol ng Diyos
2 1 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na
humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang
hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding
mga bagay. 2 At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa
katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. 3 At
iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong
mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol
ng Dios? 4 O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at
pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng
Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi? 5 Datapuwa't ayon sa iyong
katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong
sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na
paghuhukom ng Dios; 6 Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa
kaniyang mga gawa: 7 Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa
paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na
walang hanggan: 8 Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga hindi
nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay
ang kagalitan at kapootan, 9 Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't
kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, ng Judio una-una, at gayon din ng
Griego; 10 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa
bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa
Griego: 11 Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.
12
Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay
mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na
nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan; 13
Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa
harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga
ganap; 14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo,
ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang
kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili; 15 Na nangagtatanyag ng
gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati
ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o
nangagdadahilanan sa isa't isa); 16 Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga
lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni
Jesucristo.
2tesalonica
Chapter 2:3-13
Ang Paghuhukom
2
3 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan,
ni sa pagdaraya. 4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang
pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya
ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming
mga puso. 5 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man
ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng
kasakiman, saksi ang Dios; 6 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan,
ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng
kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo. 7 Kundi kami ay
nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka
inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak: 8 Gayon din kami, palibhasa'y
may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan,
hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga
kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin. 9 Sapagka't
inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin
ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw,
upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo. 10
Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at
pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong
nagsisisampalataya:
11
Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa
inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y
inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo, 12 Upang
kayo'y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa
kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
Santiago
Chapter 2:1-13
Baba;a :Laban sa Pagtatangi
2
1 Mga kapatid ko, yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating
Panginoong Jesucristo, na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi
sa mga tao. 2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang
tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may
pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak; 3 At inyong itangi
ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa
dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo
ka sa ibaba ng aking tungtungan; 4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa
inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?
5
Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Dios
ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa
pananampalataya, at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga
nagsisiibig sa kaniya? 6 Nguni't inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi
baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa
inyo sa harapan ng mga hukuman? 7 Hindi baga nilalapastangan nila yaong
marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag?
8
Gayon man kung inyong ganapin ang kautusang hari, ayon sa kasulatan,
Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa
kayo ng mabuti: 9 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay
nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga
suwail. 10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon
ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. 11 Sapagka't
ang nagsabi, Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang
pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka,
ay nagiging suwail ka sa kautusan. 12 Gayon ang inyong salitain, at
gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan ng
kautusan ng kalayaan. 13 Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa
hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
Colosas
Chapter 3:1-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo
ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo
sa kanan ng Dios. 2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na
nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. 3 Sapagka't
kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni
Cristo sa Dios. 4 Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay
mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian. 5 Patayin nga
ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa,
pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na
iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; 6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay
dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway: 7 Na inyo ring
nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8
Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit,
kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula
sa inyong bibig: 9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang
hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa, 10 At
kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa
larawan niyaong lumalang sa kaniya: 11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng
Griego at ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng
Scita, ng alipin, ng laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat.
12
Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at
minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan,
ng kaamuan, ng pagpapahinuhod: 13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at
mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban
sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon
din naman ang inyong gawin: 14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito
ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan. 15 At
maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din
naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. 16
Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong
karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa
pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa
espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. 17 At
anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa
pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa
pamamagitan niya.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 1:1-6
True Happiness of Gods Law
1 1
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man
sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. 2
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa
kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. 3 At siya'y magiging
parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na
nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi
malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa. 4 Ang masama ay hindi
gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin. 5 Kaya't ang masama ay
hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng
mga matuwid. 6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga
matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment