THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates November 30 2025
——————————————-------------------------———–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
---------------------------------------------------------------------
Magsisi Upang Hindi Mapahamak Lucas Chapter 13:1-5 Matuwid ang Hatol ng Diyos Roma Chapter 2:1-16
Tungkulin Kapwa Roma Chapter 13:8-14Mga Huwad na Guro at ang
Tunay na Kayamanan 1Timoteo Chapter 6:3-10
Magtulunan sa Pagdadala
ng Pasanin Galacia Chapter 6:1-10
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: LUMAPITSA PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG
PANGINOONG JESU CRISTO UPANG
MAGSISI AT DI MAPAHAMAK
"Dumating
noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang
ilang Galileo samantalang ang mga ito'y naghahandog sa Diyos. Sinabi
niya sa kanila, "Sa akala ba nninyo'y higit na makasalanan ang Galileong
ito kaysa lahat ng ibang mga taga-Galilea dahil sa gayon ang sinapit
nila? Hindi Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan
at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahatl " Lucas 13:1-5
"Ang
mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan,
kadakilaan at kawalang kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang
hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumilikha
ng pagkabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan,
Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama,
una, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego," Roma 2:7-9
"Huwag
kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo'y
mag-ibigan sapagka't ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan.
Ang mga utos, gaya ng, "Huwag kang mangangalunya, Huwag papatay, Huwag
kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot," at alin pa mang utos tulad ng
mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, "Ibigin mo ang iyong kapwa
gaya ng iyong sarili," Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama
kaninuman, Kaya;t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan," Roma 13:8-10
"Ang
nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag
ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sapagkat
ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa
paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at
nasadlak sa paghihirap ng kalooban. 1Timoteo 6:9-10
"Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya." Galacia 6:10
Lucas
Chapter 13:1-5
Magsisi Upang Hindi Mapahamak
131
Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni
Pilato ang ilang mga taga-Galilea habang ang mga ito'y naghahandog sa
Diyos. 2 Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, dahil sa sinapit
nilang iyon, higit silang masama kaysa sa ibang mga taga-Galilea? 3
Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang
inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila. 4 At ang
labing-walong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba
ninyo'y higit silang makasalanan kaysa sa ibang naninirahan sa
Jerusalem? 5 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't
talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila.”
Roma
Chapter 2:1-16
Matuwid ang Hatol ng Diyos
2 1 Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan.
Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili,
dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. 2 Nalalaman nating
makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. 3
Hinahatulan mo ang mga gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Akala
mo ba'y makakaiwas ka sa hatol ng Diyos? 4 O hinahamak mo ang Diyos,
sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam
na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod
sa kasalanan? 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong
magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na
iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos. 6
Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga
ginawa. 7 Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong
nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan,
kadakilaan at kawalang kamatayan. 8 Ngunit matinding galit at poot ang
sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi
sumusunod sa kasamaan. 9 Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng
bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil.
10 Ngunit kapurihan, karangalan at kapayapaan naman ang tatamuhin ng
bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil
11 sapagkat walang kinikilingan ang Diyos.
12
Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at
paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Judio ay mayroong
Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan. 13
Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito,
ang siyang pawawalang-sala ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil na hindi
saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang
likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila. 15
Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang
panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi,
sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman,
sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan. 16 Ayon sa Magandang
Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga
lihim ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Roma
Chapter 13:8-14
Tungkulin Kapwa
13
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y
magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad
na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag
kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin
ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing
lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11
Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang
pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y
unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit
nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at
italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa
liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at
paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin
ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong
pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
1Timoteo
Chapter 6:3-10
Mga Huwad na Guro at ang
Tunay na Kayamanan
6
3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga
tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa
pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman.
Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay
na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala. 5
Mahilig din siyang makipagtalo sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di
kumikilala sa katotohanan. Ang mga taong ito'y nag-aakala na ang
relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.
6 Sa katunayan, may malaki
ngang pakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. 7 Wala
tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang
anuman pag-alis dito. 8 Kaya, dapat tayong masiyahan kung tayo'y may
pagkain at pananamit. 9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa
tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na
nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang
pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na
yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa
maraming kapighatian.
Galacia
Chapter 6:1-10
Magtulunan sa Pagdadala
ng Pasanin
6 1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya. 11
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 37:1-11
Fate of the Siiners and
Reward of tje Just
37
1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili
ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't sila'y
madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo.
3
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain,
at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka naman
sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
5
Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa
kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng
liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng
katanghaliang tapat.
7
Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa
kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa
kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
8
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa,
iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. 9 Sapagka't ang mga
manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay
sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.
10
Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong
uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. 11 Nguni't
ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng
kapayapaan.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment