Juan
Chapter 8:12-20
Patotoo tungkol kay Jesus
12
Muling- nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang
buhay at di na lalakad sa kadiliman.”13 Sinabi- sa kanya ng mga
Pariseo, “Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang
katotohanan ang ganyang patotoo.”
14
Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako tungkol sa aking sarili,
totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at
kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking pinanggalingan
at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon sa mga pamantayan ng
tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At humatol man ako, tama
ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa aking paghatol, kundi
kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17 Nasusulat- sa inyong Kautusan
na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang saksi. 18 Nagpatotoo ako
tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin ang Ama na nagsugo sa
akin.”
19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong ama?”
Sumagot
si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo kilala ang aking
Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”
20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi
pa dumating ang kanyang takdang oras.
Juan
Chapter 4:1-41
Si Jesus at ang Samaritana
4 1 Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat
na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan. Nalaman ito ng
Panginoon 2 (bagaman hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang
kanyang mga alagad), 3 kaya umalis siya sa Judea at bumalik sa Galilea. 4
Kailangan dumaan siya sa Samaria.
5
Dumating siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa
bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. 6 Dito
matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay,
umupo siya sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon. 7 May isang
Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, “Maaari
bang makiinom?” 8 Wala noon ang kanyang mga alagad dahil sila'y
bumibili ng pagkain sa bayan. 9 Sinabi sa kanya ng babae, “Ikaw ay Judio
at Samaritana naman ako. Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?” Sinabi
niya iyon sapagkat hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano.
10 Sumagot si Jesus, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung
sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at
bibigyan ka niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” 11 Nagsalita ang babae,
“Ginoo, malalim ang balong ito at wala ka namang pansalok. Saan ka
kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay? 12 Ang balong ito ay pamana pa sa
amin ng aming ninunong si Jacob. Dito siya uminom, gayundin ang kanyang
mga anak at mga hayop. Higit ka pa ba sa kanya?” 13 Sumagot si Jesus,
“Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang
sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling
mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob
niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang
hanggan.” 15 Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na
iyan upang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok muli.” 16
“Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa,” wika ni Jesus. 17 “Wala
akong asawa,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Tama ang sinabi mong
wala kang asawa 18 sapagkat lima na ang iyong naging asawa, at ang
kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo nga ang sinabi mo.” 19
Sinabi ng babae, “Ginoo, palagay ko ay isa kang propeta. 20 Dito sa
bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga ninuno, ngunit sinasabi
ninyong mga Judio na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.” 21
Sinabi naman ni Jesus, “Maniwala ka sa akin, darating ang panahon na
sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22
Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming
sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. 23 Subalit
dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na
sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan.
Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama. 24 Ang Diyos ay
Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa
espiritu at sa katotohanan.” 25 Sinabi ng babae, “Nalalaman ko pong
darating ang Mesiyas, ang tinatawag na Cristo. Pagdating niya, siya ang
magpapahayag sa amin ng lahat ng bagay.” 26 “Akong kausap mo ngayon ang
iyong tinutukoy,” sabi ni Jesus.
27
Dumating ang kanyang mga alagad nang sandaling iyon, at nagtaka sila
nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ngunit
isa man sa kanila'y walang nagtanong sa babae, “Ano ang kailangan
ninyo?” Wala ring nagtanong kay Jesus, “Bakit ninyo siya kinakausap?” 28
Iniwan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga
tagaroon, 29 “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat
ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?” 30 Kaya't lumabas ng bayan ang
mga tao at nagpunta kay Jesus.
31
Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Rabi,
kumain na kayo.” 32 Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo
nalalaman.” 33 Kaya't nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala
kaya sa kanya ng pagkain?” 34 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain
ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang
ipinapagawa niya sa akin. 35 “Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa
at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid,
hinog na ang trigo at handa nang anihin.
36
Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa
buhay na walang hanggan. Kaya't magkasamang magagalak ang nagtatanim at
ang umaani. 37 Dito nagkakatotoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at
iba naman ang umaani.’ 38 Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo
itinanim. Iba ang naghirap dito at kayo naman ang umani ng kanilang
pinaghirapan.”
39
Maraming Samaritano sa bayang iyon ang naniwala kay Jesus dahil sa
patotoo ng babae, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.” 40
Kaya't pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at
tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw. 41 At marami pang
sumampalataya nang mapakinggan siya.
1Corinto
Chapter 10:1-33
Baba;a Timglp; sa Diyus-diyusan
10
1 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno
noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang
paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula. 2 Sa gayon, nabautismuhan
silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises. 3
Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal, 4 at uminom din ng
iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal
na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo. 5 Gayunman,
hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila, kaya't nagkalat ang
kanilang mga bangkay sa ilang.
6
Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong
maghangad ng masasamang bagay, gaya ng ginawa nila. 7 Huwag kayong
sasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila. Ayon sa
nasusulat, “Umupo ang mga tao upang magkainan at mag-inuman, at tumayo
upang magsayaw.” 8 Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa
kanila, kaya't dalawampu't tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang
ng isang araw. 9 Huwag nating susubukin si Cristo, gaya ng ginawa ng
ilan sa kanila; dahil sa ginawa nila, pinuksa sila ng mga ahas. 10 Huwag
din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya't nilipol naman
sila ng anghel na namumuksa.
11
Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo
namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan. 12 Kaya't
mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya
mabuwal. 13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan
ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y
subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,
bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang
malampasan ito.
14
Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga
diyus-diyosan. 15 Kinakausap ko kayo bilang matatalinong tao; husgahan
ninyo ang sinasabi ko. 16 Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng
pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo?
At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi
naman sa kanyang katawan? 17 Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay,
tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo
tayo sa iisang tinapay. 18 Tingnan ninyo ang bansang Israel. Hindi ba't
ang mga kumakain ng mga handog ay nakikibahagi sa ginagawa sa dambana?
19 Anong ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang
pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! Ang
ibig kong sabihin, ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga
demonyo, at hindi sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo.
21 Hindi kayo makakainom sa kopa ng Panginoon at gayundin sa kopa ng
mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at
makisalo rin sa hapag ng mga demonyo. 22 Nais ba nating manibugho ang
Panginoon? Akala ba ninyo'y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?
23
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi
lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit
hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. 24 Huwag ang sariling kapakanan
ang unahin ninyo, kundi ang sa iba. 25 Kumain kayo ng anumang nabibili
sa tindahan ng karne at huwag nang magtanong pa upang hindi mabagabag
ang inyong budhi. 26 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang buong daigdig
at lahat ng naroroon, ang Panginoon ang may-ari niyon!”
27
Kung anyayahan kayo ng isang hindi sumasampalataya at nais ninyong
dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo at huwag na kayong
magtanong pa kung iyon ay ikagugulo ng inyong budhi. 28 Ngunit kung may
magsabi sa inyo, “Ito'y inialay sa mga diyus-diyosan,” huwag ninyong
kainin iyon alang-alang sa nagsabi sa inyo, upang di mabagabag ang
budhi. 29 Ang aking tinutukoy ay ang budhi ng inyong kapwa, at hindi ang
budhi ninyo. Bakit hahadlangan ng budhi ng iba ang aking kalayaan? 30
Bakit ako susumbatan dahil sa pagkain ko ng mga bagay na ipinagpasalamat
ko naman sa Diyos?
31
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo,
gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. 32 Huwag kayong maging
sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga
kaanib sa iglesya ng Diyos, 33 sa halip, tularan ninyo ang ginagawa ko.
Sinisikap kong mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa
ko. Hindi ko inuuna ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng
marami, upang maligtas sila.
1Tesalonica
Chapter 1:9-10
Ang Pamumuay at Panaanmpalataya
ng mga Taga Tesalonica
1
1 Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo— Para sa iglesya sa Tesalonica, na
nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo. Kagandahang-loob at
kapayapaan nawa ang sumainyo. 2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos
dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. 3 Inaalala
namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa dahil sa inyong
pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang
inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong
Jesu-Cristo. 4 Mga kapatid, nalalaman namin na kayo'y pinili ng Diyos na
nagmamahal sa inyo. 5 Sapagkat ang Magandang Balitang lubos naming
pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan
ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa
namin alang-alang sa inyo.
6
Sinundan ninyo ang aming halimbawa at ang halimbawa ng Panginoon. Kahit
dumanas kayo ng napakaraming paghihirap, tinanggap ninyo ang salita ng
Diyos nang may kagalakang mula sa Espiritu Santo. 7 Kaya't naging
huwaran kayo ng mga mananampalataya sa Macedonia at Acaya, 8 sapagkat
hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya
sa pamamagitan ninyo. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay nabalita
rin sa lahat ng dako, kaya't hindi na kailangang magsalita pa kami
tungkol dito. 9 Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo
kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang
pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na
Diyos, 10 at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit.
Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin
sa darating na poot ng Diyos.
2Tesalonica
Chapter 2:1-12
Ang Suwail
21
Mga- kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong
Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap
kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala
kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong
maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o
isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan.
Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang
huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail+ na
itinakda sa kapahamakan+ . 4 Itataas- niya ang kanyang sarili at
kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao.
Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
5
Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama
pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa,
at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang
panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at
mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung
maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating
ng Panginoong [Jesus],+ papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito
ng hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang
nakakasilaw na liwanag.
9 Paglitaw- ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan n
i
Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at
kababalaghan. 10 Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga
mapapahamak dahil ayaw nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas
sana sa kanila. 11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang
ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon,
mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na
maniwala sa katotohanan.
Pahayag
Chapter 13:1-18
Ang Dalawang Halimaw
13 1 Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na
may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa
bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos. 2
Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng
oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw
ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3 Ang
isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit
ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at
nagsisunod sila sa halimaw. 4 Sinamba ng lahat ng tao ang dragon
sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin
nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang
makakalaban sa kanya?” 5 Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang
halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't
dalawang (42) buwan. 6 Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng
Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7
Pinahintulutan din siyang digmain at lupigin ang mga hinirang ng Diyos,
at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at
bansa. 8 Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa,
maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay
bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong
pinatay. 9 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig! 10 Ang sinumang
itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa tabak ay
sa tabak nga mamamatay. Ito'y isang panawagan na magpakatatag at
manatiling tapat ang mga hinirang ng Diyos.” 11 At nakita ko ang isa
pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad
ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit nagsalita ito na parang
dragon. 12 Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw
upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit
niyang sumamba sa unang halimaw na nagkaroon ng sugat na nakamamatay
ngunit gumaling na. 13 Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng
pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y
nasaksihan ng mga tao. 14 Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa
pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang
halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang
halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay. 15 Ipinahintulot din sa
kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't
nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba
sa kanya. 16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng
tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak,
mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17 At walang maaaring magtinda o
bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na
katumbas ng pangalan niyon. 18 Kailangan dito ang karunungan: maaaring
malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw,
sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at
animnapu't anim (666).
No comments:
Post a Comment