THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates June 15, 2025
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Sulat sa Iglesya sa Esmirna Pahayag Chapter 2:8-11
Ang Slat sa Iglesya sa filadelfua Pahayag Chapter 3:7-13
Ang Sulat sa Iglesya sa Laodicea Pahayag Chapter 3:14-22
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira Pahayag Chapter 2:26-29
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS AT PANGINOONG
JESU CRISTO SA SIMBAHAN
""ito
ang pinasasabi niya na siyang Simula at Wakas, ang namatay at muling
nabuhay. Huwag mong katakutan ang mga paguusig na malapit mo nang
danasin. Pakinggan mo: ipabibilanggo ng Diyablo ang ilan sa inyo
bilang pagsubok; magtiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang
tapat hanggang kamatayan, at ipagkakaloob ko sayo ang putng ng buhay." Pahayag 2:5,10
"Pakinggan
mo Padudulugin ko sa iyo at payuyukurin sa harapan mo ang pangkat ni
Satanas, na nagsisinungaling at nagpapanggap na Judio, upang malaman
nilang iniibig kita. Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga,
iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa
buong sanlibutan. " Pahayag 3:9-10
"Tinuturuan
ko't sinusupil ang lahat ng aking iniibig. Kaya nga, magsikap ka;
pagsisihan mo't talikdan ang iyong kasalanan. Tingnan mo, nakatayo ako
sa labas ng pintuan at tumutuktok; kung diringgin ninuman ang aking
tinig at bubuksan ang pinto, ako'y papasok sa kanyang tahanan at
magkasalo kaming kakain. Ang magtagumpay ay uupang katabi ko sa aking
luklukan, kung paanong ako'y nagtagumpay, at nakaupo ngayon sa tabi ng
aking Amasa kanyang luklukan. " Pahayag 3:19-21
"Sa
magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigy ko ang
pamamahalang gaya ng tinanggap ko sa aking Ama.: ang pamamahala sa mga
bansa. Mamammahala siya sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin
niya ang mga bansa, gaya ng pagdurog sa palayok. ibibigay kp rin sa
kanya ang tala sa umaga. Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang
sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. " Pahayag 2 26-29
Pahayag
Chapter 2:8-11
Ang Sulat sa Iglesya sa Esmirna
2 8 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: “Ito ang sinasabi sa
iyo ng simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay. 9 Alam ko ang mga
kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y
mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga
nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni
Satanas. 10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang
danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang
pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat
hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay. 11 “Ang
lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”
Pahayag
Chapter 3:7-13
Ang Slat sa Iglesya sa filadelfua
3 7 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi
ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang
makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng
anumang sinasarhan niya. 8 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti
lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at
naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto
na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin ko sa iyo at
paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio
ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang
minamahal kita. 10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis,
iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao
sa buong daigdig! 11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't
ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong
gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo
ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa
kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod.
Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking
Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan. 13 “Ang lahat
ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Pahayag
Chapter 3:14-22
Ang Sulat sa Iglesya sa
Laodicea
3
14 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: “Ito ang sinasabi niya
na ang pangalan ay Amen, ang tapat at tunay na saksi, at siyang
pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos. 15 Alam ko ang mga ginagawa
mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay
malamig o mainit. 16 Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni
malamig, isusuka kita! 17 Sinasabi mong ikaw ay mayaman, sagana sa lahat
ng bagay at wala nang kailangan pa, ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay
kawawa, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad. 18 Kaya nga, ipinapayo
kong bumili ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na
mayaman. Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang iyong isuot at
matakpan ang nakakahiya mong kahubaran. Bumili ka rin sa akin ng gamot
na ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita. 19 Sinasaway ko't
pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka!
Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan. 20 Tingnan mo!
Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking
tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya. 21
Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa
aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking
Ama sa kanyang trono.
22 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Pahayag
Chapter 2:26-29
Ang Sulat sa Iglesya
sa Tiatira
2 18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: “Ito ang sinasabi ng
Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang
kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Alam ko ang mga ginagawa mo:
ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman
kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito
ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap
na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid
at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko
siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang
pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang
sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng
matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang
kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin ko ang
kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat ko ang
puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa
inyong mga gawa.
24
“Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi sumusunod sa katuruan
ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni
Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo bibigyan ng ibang
pasanin, 25 ngunit panghawakan ninyo kung anong mayroon kayo hanggang
ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko
hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27
Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang
mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay ko ito kung paanong
ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga magtatagumpay ang
bituin sa umaga.
29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 110:1-7
God Appoints Both King
and Priest
110
1 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan,
hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. 2
Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion:
magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. 3 Ang bayan mo'y naghahandog na
kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote
magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. 5 Ang Panginoon
sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. 6
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay
ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. 7 Siya'y
iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.Copyrighted
Material | Learn M
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment