THEME: ESSAGE OF GODTHEME:
MESSAGE OF GOD
THEME: "GOD AND JESUS CHRIST
AND HOLY SPIRIT BLESSINGS OF
OF CHURCH SERVANT - SHEPHERD
UP TO OUR NEW POPE"
WELCOME POPE LEONE XIV
THE LIGHTS OF GOD AND JESUS
CHRIST BE WITH YOU
"Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin " Mateo 9:38
"Tandaan
ninyo: ang tumanggap sa sinugo ko'y tumatanggap sa akin; at ang
tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa ain."
Juan 13:20
"Kung
paanong sinugo mo ako sa sanlibutan gayon din naman, sinusugo ko sila
sa sanlibutan. At alang alang sa kanila'y itinatalaga ko ang aking
sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan." Juan 17:18-19
"Kaya't
lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni
Jesus pagpupuring naghahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan."
Hebreo 13:15
Mateo
Chapter 9:35-38
Nahabag Si Jesus sa mga Tao
9 35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo
siya sa kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita
tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng uri ng
sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag
siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin,
parang mga tupang walang pastol. 37 Kaya't sinabi niya sa kanyang mga
alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. 38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”
Juan
Chapter 13:1-20
Hinugasan ni Jesus ang Paa
ng mga Alagad
13 1 Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang
takdang oras ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama.
Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila'y minahal
niya hanggang sa wakas.
2
Pagsapit ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak
ni Simon Iscariote, na ipagkanulo niya si Jesus. 3 Alam ni Jesus na
ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; at alam niyang
siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. 4 Kaya't siya'y tumayo mula sa
hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa
baywang. 5 Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at
sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang
nakabigkis sa kanyang baywang. 6 Paglapit niya kay Simon Pedro, sinabi
nito sa kanya, “Panginoon, huhugasan n'yo ba ang aking mga paa?” 7
Sumagot si Jesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit
mauunawaan mo rin pagkatapos.” 8 Muling nagsalita si Pedro,
“Hinding-hindi ninyo huhugasan ang aking mga paa!” Ngunit sinabi ni
Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin.” 9 Dahil
dito'y sinabi ni Simon Pedro, “Kung gayon, hindi lamang ang mga paa ko,
kundi pati na rin ang aking mga kamay at ulo!” 10 Sumagot si Jesus,
“Ang nakapaligo na ay hindi na kailangang hugasan pa [maliban sa kanyang
mga paa], sapagkat malinis na ang buo niyang katawan. At kayo'y malinis
na, subalit hindi lahat kayo.” 11 Dahil alam na ni Jesus kung sino ang
magkakanulo sa kanya kaya sinabi niyang malinis na sila, subalit hindi
lahat.
12
Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot
ang kanyang balabal at nagbalik sa kinaupuan niya. Sinabi niya sa
kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13
Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ganoon
nga ako. 14 Kung ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong
mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15
Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan. 16 Pakatandaan
ninyo, ang alipin ay hindi nakakahigit sa kanyang panginoon, ni ang
sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya. 17 Ngayong alam na ninyo ito,
pinagpala kayo kung ito'y gagawin ninyo.
18
“Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko; kilala ko ang aking mga pinili.
Ngunit dapat matupad ang sinasabi sa kasulatan, ‘Ako'y pinagtaksilan ng
taong pinapakain ko ng tinapay.’ 19 Sinasabi ko ito sa inyo bago pa
mangyari upang kapag ito'y nangyari na, sasampalataya kayo na ‘Ako'y Ako
Nga’. 20 Pakatandaan ninyo, ang tumatanggap sa sinugo ko ay
tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap naman sa akin ay tumatanggap sa
nagsugo sa akin.”
Juan
Chapter 17:1-26
Nanalangin si Jesus para sa
kanyang mga Alagad
17 1 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang
sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang
luwalhatiin ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa
lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng
ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala
ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4
Inihayag ko dito sa lupa ang iyong kaluwalhatian; natapos ko na ang
ipinapagawa mo sa akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa
iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain
ang sanlibutan. 6 “Ipinahayag ko na kung sino ka sa mga taong ibinigay
mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin,
at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng
ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; 8 dahil ibinigay ko sa kanila ang
mga salitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang
ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo
sa akin.
9
“Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang
lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at
naluluwalhati ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako'y papunta na sa
iyo; iniiwan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan
pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong
ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 12 Habang kasama
nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at
walang napahamak sa kanila, maliban sa taong tiyak na mapapahamak, upang
matupad ang kasulatan. 13 Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at
sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng
aking kagalakan. 14 Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at
kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan,
tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalanging kunin mo
sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! 16 Hindi sila
taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. 17 Ibukod mo
sila para sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang
katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin
naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila'y
itinalaga ko ang aking sarili para sa iyo, upang maitalaga rin sila sa
katotohanan.
20
“Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig
sa akin dahil sa kanilang pahayag. 21 Ama, maging isa nawa silang lahat.
Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman,
maging isa nawa sila sa atin upang ang sanlibutan ay maniwala na ikaw
ang nagsugo sa akin. 22 Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang
ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na
iisa: 23 ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang
maging isa. Dahil dito, malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at
sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin. 24 “Ama, sila na
ibinigay mo sa akin ay nais kong makasama sa kinaroroonan ko upang
mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagkat
minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig. 25 Makatarungang Ama,
hindi ka kilala ng sanlibutan, ngunit kilala kita, at alam rin ng mga
ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinahayag ko na sa
kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang
pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa
kanila.”
Hebreo
Chapter 13:1-19
Paglilingkod na
Nakalulugod sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2
Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang
bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa
kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang
kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga
pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon. 4 Dapat
ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa
isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya.
5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong
sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa
ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. 19 Higit sa
lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa
inyo.
No comments:
Post a Comment