Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1
26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na
si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea,
upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay
nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David.
28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay
lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan
si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang
matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig
ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at
siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging
Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka
sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang
mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak
mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na
buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37
sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng Pagpuuri ni Mariz
1 46 At sinabi ni Maria,
“Ang
puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, 47 at ang aking espiritu'y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48 sapagkat nilingap niya akong kanyang
abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong
pinagpala;
49 dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!
50 Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.
51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip.
52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.
54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito.
55
Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi
nito, magpakailanman!” 56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may
tatlong buwan bago siya umuwi.
Efeso
Chapter 5:21-33
Mga Tagubilin sa mga Mag-asawa
5 21 Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.
22
Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop
ninyo sa Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa,
tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya
ang Tagapagligtas nito. 24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya,
gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang
sariling asawa.
25
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni
Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26
upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas
sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap
niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni
kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman,
dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang
katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa
kanyang sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa
halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni
Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya
ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't
ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging
isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y
tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito'y para din
sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng
inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.
Colosas
Chapter 3:18-25
Pagsasamahang Nararaoat sa
Pamumuha na ito
3 18 Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon.
19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.
20 Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.
22
Mga alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo dito
sa lupa. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan
lamang ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot sa
Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na
parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat
si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong
pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa
inyo. 25 Ang mga gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang
kanilang ginawa, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.
1Timoteo
Chapter 5:1-25
Ang Pananagutan sa Kapwa
Pananampalataya
5
1 Huwag mong pagagalitan ang nakatatandang lalaki, kundi pagsabihan mo
siya nang mahinahon na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang
parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. 2 Ituring mong parang
sariling ina ang nakatatandang babae, at pakitunguhan mo nang may lubos
na kalinisan ang mga kabataang babae na tulad sa iyong mga kapatid.
3
Igalang mo ang mga biyudang wala nang ibang maaasahan sa buhay. 4
Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang
dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito
ay nakalulugod sa Diyos. 5 Ang biyuda na walang ibang maaasahan sa buhay
ay sa Diyos na lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin araw
at gabi. 6 Samantala, ang biyudang mahilig sa kalayawan ay maituturing
nang patay, bagaman siya'y buháy. 7 Ipatupad mo sa kanila ang utos na
ito upang walang maisumbat sa kanila ang sinuman. 8 Ang sinumang hindi
kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa
kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa
kaysa sa isang di-mananampalataya.
9
Ang biyudang dapat isama sa listahan ng tutulungan ay iyong di bababâ
sa animnapung taong gulang, naging tapat sa kanyang asawa, 10 kilala sa
paggawa ng kabutihan, nagpalaki nang maayos sa kanyang mga anak, magiliw
tumanggap sa nakikituloy sa kanyang tahanan, naglingkod nang may
kababaang-loob sa mga hinirang ng Diyos, tumulong sa mga nangangailangan
at inialay ang sarili sa paggawa ng mabuti. 11 Huwag mong isasama sa
listahan ang mga nakababatang biyuda, sapagkat kapag nag-alab ang
kanilang pagnanasa, mapapalayo sila kay Cristo, at mag-aasawang muli. 12
Sa gayon, nagkakasala sila dahil sa hindi pagtupad sa una nilang
pangako kay Cristo. 13 Bukod dito, sila'y nagiging tamad at nag-aaksaya
ng panahon sa pangangapitbahay; at sila'y nagiging tsismosa, mahihilig
makialam sa buhay ng may buhay at nagsasalita ng mga bagay na hindi nila
dapat sabihin. 14 Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang
muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay
hindi magkaroon ng dahilan upang mapintasan tayo, 15 sapagkat may ilan
nang biyudang sumunod kay Satanas. 16 Kailangang alagaan ng babaing
mananampalataya ang mga kamag-anak nilang biyuda upang hindi sila maging
pabigat sa iglesya. Sa gayon, ang aalagaan ng iglesya ay iyon lamang
mga biyudang walang ibang maaasahan sa buhay.
17
Ang mga matatandang pinuno ng iglesya na mahusay mamahala ay
karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga
masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. 18 Sapagkat
sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang
ito'y gumigiik.” Nasusulat din, “Karapat-dapat lamang na bayaran ang
manggagawa.” 19 Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa
isang matandang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o
tatlong saksi. 20 Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw
tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.
21
Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus at ng kanyang banal na mga anghel,
iniuutos kong sundin mo ang mga bagay na ito nang walang kinikilingan o
itinatangi. 22 Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman
upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang
masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.
23 Huwag tubig lamang ang iyong inumin; uminom ka rin ng kaunting alak para sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.
24
May mga taong lantad na ang kasalanan bago pa dumating ang paghuhukom.
At mayroon din namang ang kasalanan ay mahahayag sa bandang huli. 25
Gayundin naman, may mabubuting gawa na kapansin-pansin; at kung hindi
man mapansin, ang mga ito'y hindi maililihim habang panahon.
1Pedro
Chapter 1:13-25
Paanyaya sa Banal na
Pamumuhay
1 13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat
ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang
tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring
mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa
ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na
pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng
inyong ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat
ako'y banal.”
17
Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa mga
ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may
takot sa kanya habang kayo'y nasa mundong ito. 18 Alam ninyo kung ano
ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana
sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay
na nasisira, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng
mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at
kapintasan. 20 Itinalaga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at
alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito. 21 Dahil
kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay
at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa
Diyos.
22
Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong
pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal
sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan. 23
Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng binhing
nasisira, kundi sa pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng
Diyos.
24
Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak
nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak
ay kumukupas, 25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili
magpakailanman.” Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral
sa inyo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
No comments:
Post a Comment