MESSAGE OF GOD
THEME: ANG PAMAHALAAN AY MAGLINGKOD SA DIYOS
AT PANGINOONG JESU CRISTO
MULA SA PAGPROTEKTA NG SIMBAHAN
"Sila'y
mga lingkod ng Diyos at magpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya
nga, dapat kayong pasakop hindi lamang upang maiwasan ang poot ng Diyos
kundi dahil sa iyon ang matuwid." Roma 13:5
"Ang
tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon
sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa
karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang
gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang paninoon. Sinasabi ko sa
inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari
arian,." Mateo 24:45-47
"Ngunit
pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos, at
mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng
kailangan ninyo." Mateo 6:33-
"Ang
sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin
naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa
akin sa harapan ng mga tao, ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking
Amang nasa langit." Mateo 10:32-33
At sinabi ni Maria: Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, At
nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Pinapangalat niya ang mga palalo an isipan. Ibinabagsak niya ang mga
hari mula sa kanyang trono, At itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Lucas 1:46-47, 51-52
"Kaya
nga mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay sa mabuting balita tungkol
kay Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi,
makatitiyak agkong kayoy nananatili sa iisang layunin at sama-sama
ninyong ipangtanggol ang Mabuting Balita. "Filipos 1:27
Roma
Chapter 13:1-7
Tungkulin ng mga Pinuno
ng Bayan
13 1 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan,
sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang
nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa
pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa
parusa. 3 Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng
mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw
mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka
nila. 4 Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung
gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may
kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa
mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila,
hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa
inyong budhi.
6
Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga
pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang
tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad
kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan.
Mateo
Chapter 24:47-51
Ang Tapat at Di-tapat na Alipin
24
47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang
panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang
aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang
pagbabalik ng aking panginoon.’ 49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang
kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga
lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya
inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang
panginoon ng matinding parusa, at pagkatapos ay isasama sa mga
mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”
Mateo
Chapter 6:24-34
Diyos o Kayamanam
6 24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat
kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring
paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.
25
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong
kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa
susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga
kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon.
Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig,
ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit
kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng
kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang
pagkabalisa?
28
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano
tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni
gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa
kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga
bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na
buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay
liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 31 “Kaya't huwag kayong
mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't
ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng
inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit
higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang
pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang
lahat ng mga bagay na ito. 34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang
bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang
inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mateo
Chapter 10:32-33
Pagkilala kay Cristo
10 32 “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay
kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33
Ngunit ang sinumang ikaila ako sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin sa
harap ng aking Amang nasa langit.”
Lucas
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng Pagpuputi ni Maria
1 46 At sinabi ni Maria,
“Ang
puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, 47 at ang aking espiritu'y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48 sapagkat nilingap niya akong kanyang
abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong
pinagpala; 49 dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan! 50 Ang kanyang kahabagan ay
para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. 51 Ipinakita niya ang
lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. 52
Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang
mga nasa abang kalagayan. 53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang
mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga
mayayaman. 54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi
niya kinalimutang kahabagan ito. 55 Tulad ng kanyang ipinangako sa ating
mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!” 56 Nanatili
si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi.
Filipos
Chapter 1:12-30
Si Cristo ang Buhay
1
12 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin ay
nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. 13 Nalaman
ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo
dahil sa pagsunod ko kay Cristo. 14 At ang karamihan sa mga kapatid ay
lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking
pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na
ipangaral ang salita ng Diyos.
15
Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa
pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang
nangangaral nang may tapat na hangarin. 16 Si Cristo'y ipinapangaral
nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang
upang ipagtanggol ang Magandang Balita. 17 Ngunit ang iba ay nangangaral
nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin,
sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking
pagkakabilanggo. 18 Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon.
Ikinagagalak ko na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi
ang hangarin ng mga nangangaral.
Ang
isa ko pang ikinagagalak 19 ay ang pag-asang ako'y makakalaya sa
pamamagitan ng inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni
Jesu-Cristo. 20 Ang aking pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako
mapahiya sa anumang bagay; kundi sa lahat ng panahon, at lalo na ngayon,
ay buong tapang kong maparangalan si Cristo sa buhay man o sa
kamatayan. 21 Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang
kamatayan ay pakinabang. 22 Kung ako'y mananatiling buháy, ito'y
kapaki-pakinabang sapagkat marami pa akong magagawang mabubuting bagay.
Hindi ko ngayon malaman kung alin ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo
sa loob ko; nais ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni
Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti. 24 Ngunit alang-alang sa inyo,
mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. 25 Dahil dito,
natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang
matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa
Panginoon. 26 Kung magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo
ninyong pupurihin si Cristo Jesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo.
27
Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon
sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong
piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y naninindigan sa iisang
diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang
Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo
sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y
ililigtas ng Diyos. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang
manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.
30 Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko
noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.
No comments:
Post a Comment