THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates FEBRUARY 15, 2025
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Pagpapagaling sa Alipin ng Kapitan Mateo Chaoter 8:5-13Nagturo at Nagpagaling si Jesus Lucas Chapter 6:17-19
Maramng Pinagaling si Jesus Mateo Chapter 8:14-17
Maging Kagalakan ang Kalungkutan Juan Chapter 16:16-24
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "ANG HIMALA NG PANGINOONG JESU CRISTO
SA MGA MAYSAKIT"
"Pagpaspk
ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitan sa Hukbong Roomano at
nakiusap sa kanya: "Ginoo, amg alipin ko po'y naparilisis. Siya'y
nararatau sa amin at lubhang nahihirapan. "Paroon ako at pagagalingin
siya, " sabi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kany ang kapitan, "Ginoo,
hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin
po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. At somabo mo Jesus
sa kapitan, "Umuwi n kayo; ayon sa inyong pananalig, mangyaari ang
hinhiling ninyo." Noon di'y gumaling ang alipin ng kapitan." " Mateo 85-8, 13
"Bumaba
si Jesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang
marami sa kanyang mag alagad at ang napakaraming tao buhat sa buong
Judea at Jerusalem at sa mga yan sa baybaying dagat ng Tiro
at Sidon. Pumaroon sila uoang makinig sa kanya at mapagaling sa
kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng
masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat
may kapangyarihang nagmumula sa kanya na angpapagaling sa lahat." Lucas 6:17-19
Pumnnta
si Jesus sa bahay ni Pedro at doo'y nakita niya ang biyanan nito.
nakahiga at inaapos ng lagnat, Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae.
INibsan ito ng lagnat, bumangon at naglingkod sa kanya. Nang gabing
iyon, dainla ng mga tao kay Jesus ang maraming inaalihan ng mga
demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang
espiritu, at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. Ginawa niya ito
upang matupad ang sinabi ng Propeta Isaias, "kinuha niya ang ating
kahinaan at binata ang ating mga karamdaman," Mateo 8:14-17
hindi
na kayo kailamgamg magtanog sa akin sa araw na iyon. Tandaan ninyo:
anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo,
Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko;
himingi kayo, kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan."
Juan 16:23-24
Mateo
Chaoter 8:5-13
Ang Pagpapagaling sa
Alipin ng Kapitan
8
5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng
hukbong Romano at nakiusap, 6 “Ginoo, ang aking katulong ay
naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan.” 7
Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8 Ngunit sumagot
sa kanya ang opisyal, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa
ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking
katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may
nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, ‘Pumunta ka
roon!’ siya'y pumupunta; at ang isa naman, ‘Halika!’ siya'y lumalapit.
Kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa nga niya
iyon.” 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong
sumusunod sa kanya, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito
kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang
darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo
nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga
taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman;
mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.” 13 At
sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo
ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang
katulong ng kapitan.
Lucas
Chapter 6:17-19
Nagturo at Nagpagaling si Jesus
6 17 Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang
patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming
taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng
Tiro at Sidon. 18 Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang
mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga
pinapahirapan ng masasamang espiritu. 19 Sinisikap ng lahat ng maysakit
na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihang
nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
Mateo
Chapter 8:14-17
Maramng Pinagaling si Jesus
8 14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan
nito na nakaratay at nilalagnat. 15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng
babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon ang babae at naglingkod kay
Jesus.
16
Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga
demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang
espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad
ang sinabi ni Propeta Isaias, “Inalis niya ang ating mga kahinaan,
pinagaling ang ating mga karamdaman.”
Juan
Chapter 16:16-24
Maging Kagalakan ang
Kalungkutan
16 16 “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, at
pagkaraan ng kaunti pang panahon, ako'y inyong makikitang muli.” 17
Nag-usap-usap ang ilan sa kanyang mga alagad, “Ano kaya ang ibig niyang
sabihin na kaunting panahon na lamang at hindi na natin siya makikita,
at pagkaraan ng kaunti pang panahon ay makikita natin siyang muli?
Sinabi pa niya, ‘Sapagkat ako'y pupunta sa Ama.’ 18 Ano kaya ang
kahulugan ng, ‘kaunting panahon na lamang’? Hindi natin maunawaan ang
kanyang sinasabi!” 19 Alam ni Jesus na ibig nilang magtanong, kaya't
sinabi niya, “Nagtatanungan kayo tungkol sa sinabi kong ‘kaunting
panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, at pagkaraan ng kaunti
pang panahon, ako'y makikita ninyong muli.’
20
Pakatandaan ninyo: iiyak kayo at tatangis, ngunit magagalak ang
sanlibutan. Labis kayong malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay
mapapalitan ng kagalakan. 21 “Kapag manganganak na ang isang babae,
siya'y nalulungkot sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap.
Ngunit pagkapanganak niya, nakakalimutan na niya ang kanyang paghihirap;
sapagkat nagagalak siya dahil sa pagsilang ng isang sanggol sa
sanlibutan. 22 “Gayundin naman, nalulungkot kayo ngayon, ngunit muli ko
kayong makikita, at mag-uumapaw sa inyong puso ang kagalakang hindi
maaagaw ninuman.
23
Sa araw na iyon, hindi na ninyo kailangang humingi sa akin. Pakatandaan
ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya
sa inyo. 24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking
pangalan. Humingi kayo, at kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong
kagalakan.”
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit Chapter 103:1-6
Prais of Divine Goodness
103
1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko
ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 2 Purihin mo ang
Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang
mabubuting gawa. 3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga
kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 4 Na
siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong
sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 5 Na siyang
bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong
kabataan ay nababagong parang agila. 6 Ang Panginoon ay nagsasagawa ng
mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment