MESSAGE OF GODTHEME: ANG MATUWD NA KOMUNIKASYON AY KAPAYAPAAN
"Kung
kayo ma'y magagalit, iwasan ninyong kayo'y magkasala. Agad ninyong
pawiin sa kalooban ang galit. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang
diyablo. Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng
kapwa. Sa
halip kayo'y maging mabait at maawain sa isa't isa, at magpatawaran,
tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo." Efeso 4:26-27, 31-32
Sa
wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na
karapat-dapat at kapuri-puri; mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang galang. Isagawa ninyo ang lahat ng
inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung
magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan." Filipos 4:8-9
"Pagbawalan mo silang magsalita ng masama kaninuman. Kailangan sila'y maunawain, mahinahom, at maibigin sa kapayapaan." Tito 3:2
Ngunit
walang taong nakakasupil sa dila. ito'y napakasama at walang tigil,
puno ng kamandag na nakamamatay. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri
sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa pag-alimura
sa tao na nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling
ang pagpupuri't pagalimura. Hindi ito dapat mangyari mga kapatid. Santiago 3:8-10
"Ayon
sa nasusulat; "Ang may nais ng payapa at saganang pamumuhay Dila ay
pigiiin sa paghabi ng kasamaan. Ang marayang pangungusap at anumang
panlilinlang Sa kaniyang mga labi'y pag-ingatang huwag nukal. Ang
gawaing masasama ay iwasan na tuwina, At magsanay sa ugali na matuwid
at maganda. Ang mithiing mapayapa at mabuting pakisama sa kanyang
puso't diwa ay tuntuning nangunguna. Ang mata ng Panginoo'y nakatuon sa
matuwid Panalangin nila'y agad malugod na dinirinig. Nguni ttuwing
makikita ang sa taong gawang lihis Yaong banal niyang mukha, sa poot ay
nagngingitngit." 1Pedro 310-12
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
417 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang
kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang
kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob
ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang
kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag
ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak
ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang
araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng
kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa
isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Filipos 4
1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking
kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa
inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia
at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang
dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap
ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa
ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.
4
Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5 Ipadama
ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang
Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip,
hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng
panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi
kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at
pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8
Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na
karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng
inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon,
sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan
Titus
Chapter 3:1-10
Ang Dapat na Magng Ugali
ng mga Cristiano
3
1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at
maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa
ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban
kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa
lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi
masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at
lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at
pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4
Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating
Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting
gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa
pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak
na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng
Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas
na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng
kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan
nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,
Santiago
Chapter 3:1-10
Ang Dila
3 1 Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo,
dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit
kaysa iba. 2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang
sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at
marunong magpigil sa sarili. 3 Kapag nilagyan ng renda ang bibig ng
kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. 4
Gayundin ang barko. Kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas
na hangin, naibabaling ito saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng
napakaliit na timon. 5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi
lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang.
Isipin
na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang
isang malawak na kagubatan. 6 Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng
kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa
impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. 7 Lahat ng uri ng ibon
at hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang
paamuin, at napaamo na ng tao, 8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa
dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na
nakamamatay. 9 Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon
at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na
kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at
panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. 11 Hindi lumalabas sa
iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. 12 Mga kapatid,
hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang
puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng
tubig-alat.
1Pedro
Chapter 3:1-22
Pagtitis Dahil sa Paggawa
ng Matuwid
3 1 Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon,
kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos,
mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal.
Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila
ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang inyong ganda ay
huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng
mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo
ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha
ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5
Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal
na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad
ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si
Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang
inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan. 7 Kayo
namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong
asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng
buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal
sa inyong mga panalangin. 8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at
magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at
mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag
ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila
dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos. 10 Ayon sa nasusulat,
“Ang
mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa
pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita
sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. 11 Ang masama'y iwasan na, at
ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa. 12
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin
ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang
sinasalungat.”
13
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa
kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at
huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit
gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak
sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na
mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y
ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa
inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa
laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta
siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga
espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang
panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo
lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong
nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan;
ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo
ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na
umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa
mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 119:9-16
A Prayer to God the Law Giver
119 9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa
pagdinig doon ayon sa iyong salita. 10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. 11 Ang salita mo'y aking
iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. 12
Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 13
Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong
bibig. 14 Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat
na kayamanan. 15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa
iyong mga daan. 16 Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko
kalilimutan ang iyong salita.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment