THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JANUARY 19, 2025
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Turo Tungkol sa Pagpaparaya
Mateo Chapter 5:38-42
Ang Mabuting Kawal ni Crsito Jesus
2Timoteo Chapter 2:1-13
Baluting Kaloob ni Crostp
Efeso Chapter 6:10-20
Ang Dati at Bagong Buhay
Colosas Chapter 3:5-17
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GODTHEME: "MAGPARAYA AT MANALIG NG PAGLILIGTAS NG DIYOS
AT PANGINOONG JESU CRSITO"
"Narining
ninyo na sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' Ngunit ngayo'y
sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may
sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya nag kabila.
Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa
kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng
manlulupig ang kanyang dala nang sang kilometro pasanin mo ito ng
dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sayp, at huwag mong
pahindian ang nanghihiram sayo. " Mateo 6:38-42
"Magpakasakit ka tulad ng isang kawal ni Cristo Jesus." 2Timoteo 2:3
"Kayat
maging handa kayo; gawin ninyong bigkis ang katotohanan, itakip sa
dibdib and baluti ng pagkamatuwid. at isuot amg panyapak ng pagiging
handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyos.
Taglayin ninyo lagi ang kalasag ng pananalig kay Ciristo, bilang
panangga';t pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng Masama. Isuot
ninyo ang helmet ng kaligtasan, at kunin ninyo ang tabak ng kaloob ng
Espiritu, samakatuwid ang Salita ng Diyos." Efeso 6:14-17
"Kayo'y
hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya't
dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba,
mabait at matiisin. Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may
hinanaki't kayo sa isa't isa. Pinatawad kayo ng paninoong kaya't
magpatawad din kayo.. At higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagka't ito
ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin niyo sa inyong puso ang
kapayapaan kaloob ni Cristo. sapagkat ito ang dahilan kaya kayo
tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. " Colosas 3:12-15
Mateo
Chapter 5:38-42
Ang Turo Tungkol sa Pagpaparaya
5
38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung
sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung
isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya
pati ang iyong balabal. 41 Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin
ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42
Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram
sa iyo.”
2Timoteo
Chapter 2:1-13
Ang Mabuting Kawal ni Crsito Jesus
2
1 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ng kagandahang-loob ni
Cristo Jesus. 2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay
ipagkatiwala mo rin sa mga taong may katapatan at may kakayahang
magturo naman sa iba.
3
Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4
Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang
kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng
kasiyahan ang kanyang pinuno. 5 Hindi maaaring gantimpalaan ang isang
manlalaro kung hindi siya naglalaro ayon sa mga alituntunin. 6 Ang
magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat unang makinabang sa
bunga ng kanyang pinaghirapan. 7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa
iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8
Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan
ni David, ayon sa Magandang Balitang ipinapangaral ko. 9 Ito ang dahilan
ng aking pagdurusa at pagkagapos na parang isang kriminal. Subalit
hindi kailanman maigagapos ang salita ng Diyos. 10 Tinitiis ko ang lahat
ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng
kaligtasan at walang hanggang kaluwalhatian mula kay Cristo Jesus. 11
Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,
mabubuhay din tayong kasama niya. 12 Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa
mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag itinakwil natin
siya, itatakwil rin niya tayo. 13 Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y
nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang
kanyang sarili.”
Chapter 6:10-20
Baluting Kaloob ni Crostp
6
10 Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa
Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11 Isuot ninyo ang buong
kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga
pakana ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao,
kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng
kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng
kasamaan sa himpapawid. 13 Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma
na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating
ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag
pa rin kayong nakatayo.
14
Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng
katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo
ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng
kapayapaan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na
siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot
ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na
walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18 Manalangin kayo sa lahat ng
pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong
maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.
19 Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang
buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. 20
Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo.
Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng
nararapat.
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3
5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang
pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang
pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6
Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw
pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang
iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 70L1-5
Prayer for Divine Help
70 1 Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan
mo ako, Oh Panginoon. 2 Mangapahiya at mangalito sila, na nagsisiusig
ng aking kaluluwa: mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan. 3 Mangapatalikod sila dahil
sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha. 4 Mangagalak at
mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi
yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios. 5 Nguni't ako'y
dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking
katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment