THEME: GABAY SA PAMAHALAANMAMAHALA NG MATUWID
AT SA PANANALAPI SA PAGLILINGKOD
"Ang
paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: maglalakbay ang isang tao kaya;t
tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila amg
kanyang ari-arian, Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya
kanyang kakayanan: binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa namay
P2,000, at ang isa pa'y P1,000. Pagkatapos siya'y umalis. Pagkaraan
ng mahabang Panahon, bumalik ang Panginoon ng mga aliping iyon at
pinagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya,
Panginooon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin Heto pa po ang
P5,000 na tinubo ko. Sinabi sa kanya ng panginoon, Magaling tapat at
mabuting alipin Yaang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain
kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan. " Mateo 25:14-15, 19-21
"Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay; ang magdaraua sa ,maliit na bagay ay magdaraya din sa
malaking agay. Kung hindi kayo mapgkatiwalaan sa mga kayamanan ng
sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? AT
kng hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay
sa inyo ng talagang para sa inyo? Lucas 16:10-12
"Huwag
ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman.
Kung ano ang inihasik ng tao iyon din ang kanyang aaninhin.
Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa
ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya. " Galacia 6:7, 10
"Ang gawaing masama ay iwasan sa tuwina, At magsanay sa ugali na matuwid at maganda." 1Pedro 3:11
Mateo
Chapter 14-30
Ang Talinghaga Tungkol sa
mga aliping Pinagkakatiwalaan
ng Salapi
25
14 “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay.
Kaya't tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila
ang kanyang ari-arian. 15 Binigyan niya ng salaping ginto ang bawat isa
ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong
salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang
isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis. 16
Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at
ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. 17
Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay
kumita pa ng dalawang libong salaping ginto. 18 Ngunit ang tumanggap ng
isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping
ginto ng kanyang panginoon.
19
“Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang
iyon at sila'y pinag-ulat. 20 Lumapit ang tumanggap ng limanlibong
salaping ginto at sinabi, ‘Panginoon, ito po ang limanlibong salaping
ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping
ginto na tinubo nito.’ 21 “Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling!
Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan.
Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng
malaking halaga.’ 22 “Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong
salaping ginto at ang sabi, ‘Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking
dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong
salaping ginto na tinubo nito.’ 23 “Sinabi ng kanyang panginoon,
‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting
halaga, kaya't pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa
aking kagalakan!’ 24 “Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping
ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang
bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik.
25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto.
Heto na po ang inyong salapi.’ 26 “Sumagot ang kanyang panginoon,
‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng
hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, 27 bakit hindi mo
na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano'y may tinubo
sana ito! 28 Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at
ibigay sa may sampung libong salaping ginto. 29 Sapagkat ang mayroon ay
bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang
kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 30 Itapon ninyo sa kadiliman sa
labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at
magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”
Lucas
Chapter 16:1-13
Ang Talinghaga Tungkol
sa Tuspng Katiwala
16 1 Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad, “May taong mayaman na
may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang
kanyang ari-arian. 2 Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,
‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na
ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4 Alam ko na ang aking gagawin! Maalis
man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang
amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6
Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ Kaya sabi ng katiwala,
‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't palitan mo,
gawin mong limampu.’ 7 At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang
utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8 Pinuri ng
amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat
ang mga makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng
mga bagay ng mundong ito.”
9
At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, “Kaya't sinasabi ko sa inyo,
gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa
inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10 Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na
bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11 Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala
sa inyo ng tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?
13
“Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod
sa Diyos at sa kayamanan.”
Galacia
Chapter 6:-10
Magtulungan sa Pagdadala
ng Pasanin
6 1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
1Pedro
Chapter 3:8-22
Pagtitiis Dahil sa Paggawa
ng Matuwid
3 1 Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon,
kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos,
mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal.
Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila
ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang inyong ganda ay
huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng
mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo
ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha
ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5
Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal
na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad
ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si
Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang
inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan. 7 Kayo
namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong
asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng
buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal
sa inyong mga panalangin. 8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at
magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at
mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag
ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila
dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
10
Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang
at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. 11 Ang
masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan
ay buhay na mapayapa. 12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama
ay kanyang sinasalungat.”
13
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa
kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at
huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit
gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak
sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na
mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y
ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa
inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa
laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta
siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga
espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang
panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo
lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong
nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan;
ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo
ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na
umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa
mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 28:1-11
The Lord of Mahestt Acclaimed as
the King of the World
28 1 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; bato ko, huwag kang
magpakabingi sa akin: baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, ako'y maging
gaya nila na bumaba sa hukay. 2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga
pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang
aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo. 3 Huwag mo akong
agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na
nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay
nasa kanilang mga puso. 4 Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at
ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: gantihin mo sila ng ayon sa
kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo sila ng ukol sa kanila, 5
Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang
kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila
itatayo. 6 Purihin ang Panginoon, sapagka't dininig niya ang tinig ng
aking mga pananaing. 7 Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking
kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng
aking awit. 8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng
kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis. 9 Iligtas mo ang iyong
bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman
nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment