THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates DECEMBER 29, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Tungkulin sa mga Pinuno ng Bayan
Roma Chapter 13:1-7 Mga Alipin ng Diyos 1Pedro Chapter 2:13-17
Paanyaya sa Banal Pamumuhay 1Pedro Chapter 1:13-25
Pamumuhay Cristiano Roma Chapter 12:1-21
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GODTHEME: SUMUNOD
SA PAMAHALAAN
AT MANALIG SA DIYOS
SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO
"Ang
bawat tao'y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan. Sapagkat walang
pamahalaang hindi mula sa Diyos at ang mga pamahalaang umiiral ay
itinatag ng Diyos." Roma 13:1
""Kayo'y
malaya subali't ang kalayaa'y huwag ninyong gagawing dahilan sa paggawa
ng masama kundi mamuhay kayo bilang mga alioin ng Diyos. Igalang ninyo
ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayong
may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador." 1Pedro 2:16-17
"Bilang
mga Anak sundin ninyo ang Diyos, at huwag ang masasamang hilig tulad ng
ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. Yaang ang
Diyos na humirang sa inyo banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang
inyong ginagawa. ayon sa nasusulat: "Magkapabanal kayo, sapagkat ako'y
banal."" 1Pedro 1:14-16
"Maging
tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang
mabuti. Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahigtan
ninyo ang pagpapahalaga sa iba kaysa pagpapahalaga nila sa inyo." Roma 12:9-10
Roma
Chapter 13:1-7
Tungkulin sa mga
Pinuno ng Bayan
13
1 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat
walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga
pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay
lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. 3 Ang
mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga
gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa
mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga
lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng
masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa.
Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5
Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo
maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6
Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga
pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang
tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad
kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan. 8
1Pedro
Chapter 2:13-17
Mga Alipin ng Diyos
2 13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may
kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na
kapangyarihan, 14 at sa mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa
sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15
Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil
ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad
ng mga taong malaya, subalit huwag ninyong gawing dahilan sa paggawa ng
masama ang inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng
Diyos. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay
Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang
Emperador.
1Pedro
Chapter 1:13-25
Paanyaya sa Banal Pamumuhay
113 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong
gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin
ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring mga anak,
huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo
noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili
sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong
ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y
banal.”
17
Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa mga
ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may
takot sa kanya habang kayo'y nasa mundong ito. 18 Alam ninyo kung ano
ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana
sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay
na nasisira, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng
mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at
kapintasan. 20 Itinalaga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at
alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito. 21 Dahil
kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay
at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa
Diyos.
22
Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong
pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal
sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan. 23
Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng binhing
nasisira, kundi sa pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng
Diyos.
24
Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak
nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak
ay kumukupas, 25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili
magpakailanman.” Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral
sa inyo.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos. 3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa
bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang
higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay
ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng
Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng
maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman,
kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at
tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang
kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga
kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa
Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 117:1
The Nations Called to Praise
117
1 Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin
ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan. 2 Sapagka't ang kaniyang
kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay
magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment