THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates DECEMBER 01, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Dahilan ng Ganitong Sulat ni Pablo
Roma Chapter 15:14-21
Ang Mabuting Balita sa mga Hentil
Roma Chapter 15:7-13
Ang Paglilingkod ni Pablo
sa mga Hengil Efeso Chapter 3:1-13 Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: PALAGANAPIN ANG MABUTING BALITA SA
BUONG MUNDO O LAHAT
NG MGA BANSA MULA
SA HINDI PA NAABOT
"Ang
hangad ko'y ipangaral abg Mabuting Balita sa mga dakong hindi kilala si
Cristo, upang hindi ako mangaal sa napangaralan na ng iba. Kundi ayon
sa nasusulat, "Makakikilala ang hindi pa nakababalita tungkol sa kanya.
Makauunawa ang hindi pa nakaririnig tungkol sa kanya. " Roma 15:20
"At sinabi pa rin, "Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga Hentil, Ang lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!" Roma 15:11
"""Sa
kagandahang loob ng Diyos, Ako'y ginawa niyang lingkod para sa Mabuting
Balita sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ako ang pinakahamak sa
mga hinirang ng Diyos. Gayunman minarapat iyang ipagkaloob sa along
ang gawaing ito: ipahayag sa mga Hentil ang Mabuting Balita tungkol sa
masagana at di malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Cristo. at
ipaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ang lihim na panukala ng Diyos.
Ito'y matagal na panahong inilihim ng Diyos na lumikha ng lahat ng
bagay." Efeso 3:7-9
"At naway makilala ninyo ang di-matingkalang pag-ibig na ito, upang mapuspos kayo ng kapuspusn ng Diyos." Efeso 3:19
Roma
Chapter 15:14-21
Dahilan ng Ganitong Sulat ni Pablo
15 14 Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng
kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa.
15 Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo
tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos
sa akin 16 upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin
gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang
Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa
kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo.
17
Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking
paglilingkod sa Diyos. 18 Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi
ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa
pamamagitan ng aking mga salita at gawa, 19 sa tulong ng mga himala at
mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng
Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang
Magandang Balita tungkol kay Cristo. 20 Ang hangad ko'y ipangaral ito sa
mga lugar na hindi pa nakikilala si Cristo, upang hindi ako magtayo sa
pundasyon ng iba. 21 Subalit tulad ng nasusulat, “Makakakilala ang hindi
pa nakakabalita tungkol sa kanya. Makakaunawa ang hindi pa nakakarinig
tungkol sa kanya.”
Roma
Chapter 15:7-13
Ang Mabuting Balita sa mga Hentil
15 7 Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin
ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo,
si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat,
at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno,
9
at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang
habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking
pupurihin, At aawitan ko ang iyong pangalan.”
10 Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!”
11 At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
12 Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.”
13
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay
pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng
inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Efeso
Chapter 3:1-13
Ang Paglilingkod ni Pablo
sa mga Hengil
3 1 Dahil dito, akong si Pablo ay naging bilanggo para kay Cristo Jesus
alang-alang sa inyong mga Hentil. 2 Marahil ay nabalitaan na ninyo na
dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay pinagkatiwalaan niya ako ng
tungkuling ito para sa inyong ikabubuti. 3 Tulad ng naisulat ko na sa
ilang salita, ipinaalam sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala. 4
At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa
ko sa lihim na panukalang isinakatuparan ni Cristo. 5 Ito'y hindi
ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon
ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at
mga propeta. 6 At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita,
ang mga Hentil ay mga tagapagmana rin tulad ng mga Judio, kabilang din
sa iisang katawan, at may bahagi sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ni
Cristo Jesus.
7
Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako'y ginawa niyang lingkod upang
ipangaral ang Magandang Balita. Ang tungkuling ito'y ibinigay niya sa
akin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 8 Ako ang pinakahamak sa
lahat ng mga pinili ng Diyos. Gayunma'y minarapat niyang ipagkaloob sa
akin ang natatanging kagandahang-loob na ito, na ipangaral sa mga Hentil
ang Magandang Balita tungkol sa di-masukat na kayamanan ni Cristo, 9 at
upang maipaunawa sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang
lihim na plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na
lumikha ng lahat ng bagay. 10 Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng
iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga maykapangyarihan sa
sangkalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa
iba't ibang paraan. 11 Ito'y alinsunod sa kanyang layunin bago pa man
likhain ang sanlibutan. Tinupad niya ang layuning ito sa pamamagitan ni
Cristo Jesus na ating Panginoon. 12 Dahil sa ating pakikipag-isa kay
Cristo at sa pamamagitan ng ating pananalig sa kanya, makakalapit tayo
sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob. 13 Kaya't hinihiling
ko sa inyo na huwag kayong panghihinaan ng loob dahil sa mga kahirapang
tinitiis ko alang-alang sa inyo, sapagkat ito'y para sa inyong
ikararangal.
Efeso
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo
3 14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa
kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa
lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay
palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at
kadakilaan. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa
pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging
ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang
maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba,
kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo
ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y
mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.
20
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at
isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21
sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo
Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chaper 96:1-6
God of the Universe
96 1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa
Panginoon, buong lupa. 2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang
pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 3
Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas
niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.
4
Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y
kinatatakutang higit kay sa lahat na dios. 5 Sapagka't lahat ng mga dios
sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang
langit. 6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at
kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
.7 Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay
kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. 8 Magbigay kayo sa
Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; kayo'y mangagdala
ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban. 9 Oh sambahin
ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap
niya, buong lupa. 10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon
ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment