Ang Panalangin ni San Pablo Efeso Chapter 1:15-23
Ang Tunay na Puno ng Ubas Juan Chapter 15:1-17Ang Pangako tungko sa Espirit Santo
Juan Chatper 14:15-31
Ang Halimbawang Iiwan ni Cristo Filipos Chapter 2:1-11
Ang Tunay na Pagiging Matuwid Filipos Chapter 3:1-11
Paglilingkod na Nakakalulugod sa Diyos
Hebreo Chapter 13:1-18
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: Gabay ng Panginoong Jesu-Cristo sa Pamahalaan
"Kaya't
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan Higit ang kanyang pangalan
kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panaong ito kundi sa darating. " Efeso 1:22
"Ako
ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako
sa kanya, ang siyang namumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo'y hihiwlay sa akin. Ito ng aking utos: mag-ibigan kayo gaya
ng pag-ibig ko sa inyo." Juan 15:5
"Ang
tumanggap sa utos ko at tumupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang
umiibig sakin ay iibigin ng aking Ama; IIbigi ko rin siya, at ako'y
lubusang magpapakilala sa kanya." Juan 14:21
"Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang inyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Cristo." Filipos 2:4-5
"at
lubos na makiisa sa kanya. Hindi ko na hangad na maging matuwid sa
pamamagitan ng kautusan kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging
matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyos batay sa pananampalataya." Filipos 3:9
"at huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba, sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos. " Hebreo 13:16
Efeso
Chapter 1:15-23
Ang Panalangin ni San Pablo
1
15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa
Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal,
16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko
nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo
ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos
ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso
upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung
gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,
19 at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin
na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon
20
ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa
kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila
ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi
maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat
ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na
siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng
bagay.
Juan
Chapter 15:1-17
Ang Tunay na Puno ng Ubas
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. 5 “Ako ang puno ng
ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang
siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung
kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay
itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis
sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa
inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at
matutupad iyon para sa inyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y
masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko. 9 Kung
paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili
kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos,
mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos
ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang
ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa
gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay
sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Juan
Chatper 14:15-31
Ang Pangako tungko sa
Espirit Santo
14 15 “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. 16
Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na
magiging kasama ninyo magpakailanman. 17 Siya ang Espiritu ng
katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi
nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya,
sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo.
18
“Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo. 19 Kaunting
panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutang ito. Ngunit
ako'y makikita ninyo; sapagkat buhay ako, mabubuhay rin kayo. 20 Sa araw
na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at kayo nama'y nasa akin
at ako'y nasa inyo.
21
“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang siyang
umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko
rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.”
22 Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), “Panginoon, bakit
po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa
sanlibutan?” 23 Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng
aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan
sa kanya. 24 Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa
akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na
nagsugo sa akin. 25 “Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito habang
kasama pa ninyo ako. 26 Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na
isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng
bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
27
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay
ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag
mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot. 28 Sinabi ko na
sa inyo, ‘Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik.’ Kung iniibig ninyo ako,
ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang
Ama kaysa sa akin. 29 Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari, upang
kung mangyari na ay sumampalataya kayo sa akin. 30 Hindi na magtatagal
ang pakikipag-usap ko sa inyo dahil dumarating na ang pinuno ng
sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, 31 subalit ginagawa
ko ang iniutos sa akin ng Ama upang malaman ng sanlibutang ito na
iniibig ko ang Ama. Tayo na! Lumakad na tayo!”
Filipos
Chapter 2:1-11
Ang Halimbawang Iiwan
ni Cristo
2
1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong
kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong
kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang
aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa
iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa
ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang
tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga
sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang
sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay
Cristo Jesus.
6
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang
manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang
pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya
bilang tao. At nang siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba siya at naging
masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. 9
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang
higit sa lahat ng pangalan. 10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod
at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng
lupa. 11 At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Filipos
Chapter 3:1-11
Ang Tunay na
Pagiging Matuwid
3 1 Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan
para sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para sa
inyong kapakanan.
2
Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa
ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng maselang bahagi ng kanilang
katawan. 3 Tayo at hindi sila, ang tumanggap ng tunay na pagtutuli,
tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang
ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus at hindi tayo
umaasa sa mga pisikal na bagay. 4 Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan
upang panghawakan ang mga pisikal na bagay. Kung iniisip ninuman na
siya'y may katuwirang umasa sa ganitong mga bagay, lalo na ako. 5 Ako'y
tinuli sa ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na
Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin at totoong Hebreo. Kung pagsunod
naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo. 6 Kung sa
pagiging masugid ko sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kung sa pagiging
matuwid naman ayon sa Kautusan, walang maisusumbat sa akin. 7 Ngunit
dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring
kong walang kabuluhan ngayon.
8
Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit
ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking
Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at
itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo 9 at lubos na
makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan
ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging
matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. 10
Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo,
maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa
kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, 11
umaasang ako man ay muling bubuhayin mula sa kamatayan.
Hebreo
Chapter 13:1-18
Paglilingkod na
Nakakalulugod sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2
Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang
bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa
kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang
kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga
pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
4
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo
sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya. 5 Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa
anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni
pababayaan man.” 6 Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang
Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa
sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain. 10 Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa
sambahan ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11
Ang dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong
Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang
katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman,
namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa
kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta
tayo sa kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang
tiniis. 14 Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at
ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong
mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus,
papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa
kanyang pangalan. 16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at
ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng
Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. 19 Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 47:1-10
Ruler of all Nations
47 1 Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. 2 Sapagka't ang
Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong
lupa. 3 Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga
bansa sa ilalim ng ating mga paa. 4 Kaniyang ipipili tayo ng ating mana,
ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) 5 Ang Dios ay
napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga
pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit
ng mga pagpuri. 7 Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit
kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8
Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang
banal na luklukan. 9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang
maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay
ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment