THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates OCTOBER 13, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Sulat sa Filadelpia Pahayag Chapter 3:7-13Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso Pahayag Chapter 2:1-7
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira
Pahayag Chapter 2:18-29
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "ANG MENSAHE NG PANGINOONG JESU CRISTO
SA SIMBAHAN|
"Nalalaman
ko ang iyong mga gawa; alam kong kakaunti ang kakayanan mo, angunit
sinunod o ang aking turo at tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko ang
isang pinto sa harapan mo, at walang sinumang makapagsasara nito.
Pakinggan mo! Padudulugin ko sa iyo at payuyukurin sa harapan mo ang
pangkat ni Satanas, na nagsisinungaling at nagapanggap na Judio, upang malaman nilang iniibig kita.
Sapagkat
tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating
ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong ssanlibutan. Daratomg
ako sa lalong madaling panahon. Ingatan mo ang katangiang nasa iyo
upang hindi maagaw ninuman ang iyong korona. Ang magtatagumpay ay
gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya
maalis duon magpakailanman. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking
Diyo, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na
bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos, Ouukit ko rin sa kanya ang
aking bagpng pangalan." Pahayag 3:8-12
Nalalaman
ko ang ang mga ginawa mo, ang iyong pagpapagal at pagtitiyaga. alam
kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang nagpapanggap na apostol,
at napatunayan mong sila'y mga bulaan. alam ko ring matiyaga ka,
nagtiis ng maraming kahirapan alang alang sa akin. at hindi
nanlupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na
sa akin hindi mo na ako mahal ngayon tulad ng dati. alalahanin mo ang
dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang
gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa m nuong una. Kapag hindi ka
nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.
Kung
may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng espiritu sa mga
iglsya! "Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga
ng punungkahoy mg buhay na nasa halamanan ng Diyos." Pahayag 2:2-7
"Nalalaman
ko ang ginawa mo, ang iyong pag-ibig, katapata, paglilingkod at
pagtitiyaga. Nalalaman kong higti kaysa nuong una ang ginagawa mo
ngayon. Ngunit ito ang masasabi ko laban sa iyo: pinapayagan mo si
Jezebel ang babaing nagpapanggap na sugo ng Diyos. Nilinlang niya ang
king mga lingkod, ibinulid sa kahalayan, at inudyukang kumain ng
pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusn. Binigyan ko siya ng sapat na
panahon upang pagsisihan at talikdan ang mahalay na pamumuhay, ngunit
ayaw niyang magbago. Pakinggan mo: mararatay siya sa higaan, pati ang
mga nakiapid sa kanya, Magdaranas sila ng matinding kahirapan kund hindi
nila pagsisisihan ang kasamaang kanilang ginawa sa piling niya.
"Ngunit
ang ibng tiga Tiatira, na hindi nakinig sa masamang turo ni Jezebel at
hindi natuto ng tinatawag na 'malalim na lihim ni Satanas ay hindi ko
bibigyan ng pasanin. Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko
hanggang wakas, ibibigay ko ang pamamahalang gaya ng tinanggap ko sa
aking Ama; ang pamamahala sa mga bansa. Mamamahala siya sa pamamagitan
ng kamay na bakal at dudurugin niya ang mga bansa, gaya ng pagdurog sa
mga palayok. Ibibigay ko rin sa kanya ang tala sa umaga.
Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Es[oritu sa mga Iglesya.!| Pahayag 2:19-22. 24-29
Pahayag
Chapter 3:7-13
Ang Sulat sa Filadelpia 3
7 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng
banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang
makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng
anumang sinasarhan niya. 8 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti
lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at
naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto
na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin ko sa iyo at
paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio
ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang
minamahal kita. 10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis,
iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao
sa buong daigdig! 11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't
ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong
gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo
ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa
kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod.
Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking
Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
13 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Pahayag
Chapter 2:1-7
Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso
2 1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang sinasabi ng may
hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng
pitong ilawang ginto. 2 Alam ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga
pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang
masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at
napatunayan mong sila'y huwad. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng
maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may
isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una. 5
Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang
iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una.
Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan
ang iyong ilawan. 6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo;
kinapopootan mo ring tulad ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita.
7
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga
iglesya! “Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga
ng punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”
Pahayag
Chapter 2:18-29
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira
2
18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: “Ito ang sinasabi ng
Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang
kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Alam ko ang mga ginagawa mo:
ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman
kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito
ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap
na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid
at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko
siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang
pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang
sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng
matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang
kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin ko ang
kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat ko ang
puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa
inyong mga gawa.
24
“Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi sumusunod sa katuruan
ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni
Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo bibigyan ng ibang
pasanin, 25 ngunit panghawakan ninyo kung anong mayroon kayo hanggang
ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko
hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27
Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang
mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay ko ito kung paanong
ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga magtatagumpay ang
bituin sa umaga.
29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
THE WISDOM BOOKS AND
Awit
Chapter 98:1-9
Coming of God
98
1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka't siya'y
gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang
banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya: 2 Ipinakilala ng
Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay
ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa. 3 Kaniyang inalaala
ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng
Israel: nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming
Dios.
4
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng
mga pagpuri. 5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa; ng
alpa at ng tinig na tugma. 6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta
magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
7
Humugong ang dagat at ang buong naroon; ang sanglibutan at ang
nagsisitahan doon; 8 Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan; 9 Sa harap ng Panginoon,
sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan
ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment