20
20 Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang dalawa niyang
anak na lalaki. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus upang sabihin ang
kanyang kahilingan. 21 “Ano ang gusto mo?” tanong ni Jesus. Sumagot
siya, “Kapag naghahari na po kayo, paupuin ninyo sa inyong tabi ang
dalawa kong anak, isa sa kanan at isa sa kaliwa.” 22 “Hindi ninyo
nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Jesus sa kanila. “Kaya ba
ninyong tiisin ang hirap na malapit ko nang danasin?” “Opo,” tugon nila.
23 At sinabi ni Jesus, “Daranasin nga ninyo ang hirap na titiisin ko.
Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan
at sa aking kaliwa. Ang mga upuang iyo'y para sa pinaglalaanan ng aking
Ama.”
24
Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 25
Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa
kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay itinataas ang
kanilang sarili bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga
nasa kapangyarihan ang siyang nasusunod. 26 Hindi ganyan ang dapat
umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong
maging lingkod sa iba, 27 at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging
una, ay dapat maging alipin ninyo. 28 Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay
naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang
kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”
Marcos
Chapter 9:33-37
Sino ang Pinakadakila
9
33 Dumating sila sa Capernaum. Nang sila'y nasa bahay na, tinanong ni
Jesus ang kanyang mga alagad, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?” 34
Hindi sila makasagot sapagkat ang pinagtatalunan nila'y kung sino sa
kanila ang pinakadakila. 35 Naupo si Jesus, tinawag ang Labindalawa at
sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging
huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” 36 Tinawag niya ang isang
bata at pinatayo sa gitna nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi
sa kanyang mga alagad, 37 “Ang sinumang tumatanggap sa isang batang
tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay ako ang tinatanggap; at ang
sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap
kundi pati na rin ang nagsugo sa akin.”
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Roma
Chapter 14:13-23
Huag maging sani ng Pagkakasala
ng inyong Kapatd
14 13 Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging
dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil sa aking
pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas
na marumi. Ngunit kung ang sinuman ay naniniwalang marumi ang anumang
bagay, marumi nga iyon sa kanya. 15 Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay
natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo.
Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa
iyong kinakain. 16 Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag
masamain ng iba. 17 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa
pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at
kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo. 18 Ang naglilingkod kay
Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at
iginagalang ng mga tao.
19
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng
kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20 Huwag ninyong sirain
ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis
at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa
iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng
alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.
22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat makaalam ng iyong paniniwala
tungkol sa bagay na ito. Pinagpala ang taong hindi sinusumbatan ng
kanyang budhi kapag ginagawa niya ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang
tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang
pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa
kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa sariling
paniniwala ay kasalanan.
2Corinto
Chapter 9:1-115
Tulong sa mga Kapatid
9 1 Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa
mga kapatid sa iglesya. 2 Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't
ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na
kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo
silang sumigla sa pagtulong. 3 Kaya't pinapapunta ko riyan ang mga
kapatid na ito upang mapatunayang tama ang aming pagmamalaki tungkol sa
inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4
Kung hindi, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita
nilang hindi pala kayo handa, baka mapahiya ako at pati kayo. 5 Kaya't
pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang
tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob
ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.
6
Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng
kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. 7 Ang bawat
isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi
napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may
kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at
higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa
mabubuting gawa.
9 Tulad ng nasusulat, “Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang kabutihan ay walang hanggan.”
10
Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang
siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang
magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya
kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon,
lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na
dadalhin namin sa kanila. 12 Ang paglilingkod ninyo upang tumulong sa
mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan,
kundi magiging dahilan pa ng nag-uumapaw na pagpapasalamat nila sa
Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang
siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni
Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong
pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa di-masukat na
kagandahang-loob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang
kaloob na walang kapantay!
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2
Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo,
binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong
nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong
nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan,
inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa
kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa
pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu. 6
Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang
isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa
sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo.
11
Mga kapatid, kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang
pagtutuli, bakit pa ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi
na sana nila ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay
ni Cristo sa krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang
patuli kundi tuluyan na nilang putulan ang sarili nila. 13 Mga kapatid,
tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang
inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo
sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang buong Kautusan ay
nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig
mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at
nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong
sirain ang isa't isa.
No comments:
Post a Comment