THEME: MALIWANAGAN NG MABUTING BALITA AT SUNDIN ITO
UPANG KALUGDAN NG PANGINOONG dIYOS
"Muling
nagsalita si Jeus sa mga tao. Wika niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan.
Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buhay at di na
lalakad sa kadiliman." Juan 8:12
"Kung
tinupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig;
tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa
kanyang pag-ibig" .Juan 15:10
"Mamuhay
kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa pag-ibig sa atin,
inihandog niya ang kanyang buhay, bilang mahalimyak na hain sa Diyos."
Efeso 5:2
"Ang
umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang panganib
na siya'y mabulid sa kasamaan. Huwag ninyong iibigin ang sanlibutan o
ang mga bagay sa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi
umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan ang nakapupukaw
sa masamang pita ng laman, ang mga nakatutukso sa paningin at ang
karangyaan sa buhay ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
Mapaparam ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito; ngunit ang
sumunod sa kalooban ng Ama ay mabubuhay magpakailanman." 1Juan 2:10, 15-17
"At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagka't iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos." Hebreo 13:16
Juan
Chapter 8::12-20
Si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan
8
12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang
buhay at di na lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo,
“Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan
ang ganyang patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako
tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung
saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam
ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon
sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At
humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa
aking paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17
Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang
saksi. 18 Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin
ang Ama na nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong
ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo
kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”
20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
Juan
Chapter 15:1-17
Ang Tunay na Puno ng Ubos
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5
“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at
ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong
magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin,
gaya ng sanga ay itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay
tinitipon, inihahagis sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa
akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang
anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo. 8 Napaparangalan ang
aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging
mga alagad ko. 9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig
ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad
ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang
ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa
gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay
sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Efeso
Chapter 5:1-20
Mamuhay Bilang mga
Taong Naliwangan
5 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang
pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay
at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon.
11
Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang
ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. 12
Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa
nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala
kung ano talaga ang mga iyon,
14
at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising
ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka
ni Cristo.” 15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay
kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.
16
Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon,
sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong
maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng
Panginoon. 18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan
ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa
inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting
espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi
kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
1Juan
Chapter 2:7-17
Ang Bagong Utos
2
7 Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo,
kundi ang dating utos na nasa inyo sa simula pa. Ito'y ang mensaheng
narinig na ninyo. 8 Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang
isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag
na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni
Cristo at nakikita rin naman sa atin.
9
Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid
ay nasa kadiliman pa. 10 Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa
liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba. 11 Ngunit
ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Lumalakad siya sa
kadiliman at hindi niya nalalaman ang kanyang pupuntahan, sapagkat
binulag siya ng kadiliman.
12
Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga
kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan. 13 Sumusulat ako sa inyo, mga
ama, sapagkat kilala ninyo siya, na sa simula pa'y siya na. Sumusulat
ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan na ninyo ang Masama.
14 Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala ninyo ang Ama.
Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala ninyo siya, na sa simula
pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat malalakas
kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan na
ninyo ang Masama.
15
Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan.
Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 16 Ang lahat ng nasa
sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang
pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa
sanlibutan. 17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na
pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos
ay mabubuhay magpakailanman.
Hebreo
Chapter 13:1-19
Paglilingkod na Nakalulugod
sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2
Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang
bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa
kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang
kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga
pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
4
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo
sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya.
5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong
sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa
ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo. 18 Ipanalangin
ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad
naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. 19 Higit sa lahat,
hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 64:1-7
Harvest Thabks and Petition
67 1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa
niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 2 Upang ang iyong daan ay
maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga
bansa. 3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga
bayan. 4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't
iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang
mga bansa sa lupa. (Selah) 5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin
ka ng lahat ng mga bayan. 6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang
Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami. 7 Pagpapalain kami ng
Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment