THEME: ANG MABUTING BALITA O KALIGTASAN AY PARA SA LAHAT
"Kaya't
ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at makakapakinig lamang kung
may mangangaral tungkol kay Cristo. Nguni't ang tanong ko'y hindi ba
sila nakapakinig? Nakapakinig nga sila! Sapagkat, "Abot sa lahat ng
dako ang tinig nila, At ang mga salita nila'y laganap sa sanlibutan." Roma 10:17, 18
"Ang
hangad ko'y ipangaral ang Mabuting Balita sa mga dakong hindi pa kilala
si Cristo, upang hind ako mangaral sa napangaralan na ng iba; kundi
ayon sa nasusulat, "Makakikilala ang mga hindi pa nakababalita tungkol
sa kanya. Makauunawa ang hindi pa nakaririnig tungkol sa kanya." Roma 15:20-21
"Humayo
nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako, Tinulungan sila ng
panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang salitang kanilang
ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himsla, na
ipinagkaloob niya sa kanila." Marcos 16:20-
"Tinawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo." 2Tesalonica 2:14
"Sapagka inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao." Tito 2:11
Roma
Chapter 10:5:21
Ang Kaligtasan para sa Lahat
10 1 Mga kapatid, ang pinakananais ng puso ko at idinadalangin ko sa
Diyos ay ang maligtas ang Israel. 2 Sapagkat saksi ako na sila'y
masigasig na maging kalugud-lugod sa Diyos. Hindi nga lamang batay sa
tamang kaalaman. 3 Dahil hindi nila kinilala ang pamamaraan ng Diyos
upang gawing matuwid ang tao, at nagsikap silang gumawa ng sarili nilang
pamamaraan; hindi sila nagpasakop sa pamamaraang itinakda ng Diyos. 4
Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang ituring na matuwid
ng Diyos ang sinumang sumasampalataya sa kanya. 5 Ganito ang isinulat ni
Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa
Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit ganito naman ang sinasabi
tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong
sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” upang pababain si
Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’”
upang muling buhayin si Cristo.
8
Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong
bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang
ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng
iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na
siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat
sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay
itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan
ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan,
“Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't
walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon
ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa
kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng
tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”
14
Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya?
Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa
kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?
15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad
ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala
ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang
Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa
aming ibinalita?”
17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y
nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang
tinig, ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.”
19
Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel?
Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man
lamang isang bansa upang kayo'y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang
hangal upang kayo'y galitin.”
20
Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi
naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa
akin.”
21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”
Roma
Chapter 15:14-21
Dahilan ng Ganitong
Sulat ni Pablo
15
14 Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng
kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa.
15 Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo
tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos
sa akin 16 upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin
gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang
Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa
kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo. 17 Kaya't sa
pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod
sa Diyos. 18 Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni
Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng
aking mga salita at gawa, 19 sa tulong ng mga himala at mga
kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos.
Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang
Magandang Balita tungkol kay Cristo. 20 Ang hangad ko'y ipangaral ito sa
mga lugar na hindi pa nakikilala si Cristo, upang hindi ako magtayo sa
pundasyon ng iba.
21
Subalit tulad ng nasusulat, “Makakakilala ang hindi pa nakakabalita
tungkol sa kanya. Makakaunawa ang hindi pa nakakarinig tungkol sa
kanya.”
Marcos
Chapter 16:19-20
Ang Pag-akyat ni Jesus
sa Langit
16 19 Pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay
iniakyat sa langit at umupo sa kanan ng Diyos. 20 Humayo nga at nangaral
ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa
gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa
pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa kanila.] [(v 9)
Pumunta ang mga babae kay Pedro at sa mga kasama niya, at isinalaysay
ang lahat ng sinabi ng binatang nasa libingan. Pagkatapos, isinugo ni
Jesus ang kanyang mga alagad upang ipangaral sa lahat ng dako ng daigdig
ang banal at di lilipas na balita ng walang hanggang kaligtasan.
2Tealonica
Chapter 2:13-17
Hinirang upang Iligtas
2
13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat
palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya
upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng
inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan
ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid,
magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin
sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat.
16
Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating
Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay
nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17
Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa
at salita.
Tito
Chapter 2:1-15
Ang Wastong Aral
2
1 Kaya naman ituro mo ang mga bagay na angkop sa wastong aral. 2
Sabihin mo sa mga nakatatandang lalaki na sila'y maging mapagpigil sa
sarili, marangal, makatuwiran, at matatag sa pananampalataya, sa
pag-ibig at pagtitiis. 3 Sabihin mo sa mga nakatatandang babae na sila'y
mamuhay nang may kabanalan, huwag maninirang-puri, at huwag malululong
sa alak, kundi magturo ng mabuti, 4 upang maakay nila ang mga kabataang
babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak. 5 Ang mga kabataang
ito'y kailangan ding turuan na maging makatuwiran, malinis ang isipan,
masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang
walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.
6 Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa
sarili. 7 Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at
maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. 8 Nararapat na
pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga
sinasabi mo. Sa gayon, mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala
silang masasabing masama laban sa atin.
9
Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin at kalugud-lugod sa
kanilang mga amo. Hindi nila dapat sagut-sagutin ang mga ito, 10 ni
kupitan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang
maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng katuruan ng
Diyos na ating Tagapagligtas.
11
Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng
kaligtasan sa lahat ng tao. 12 Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran
ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa
daigdig na ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat
sa Diyos 13 habang hinihintay natin ang pinagpalang araw na ating
inaasahan. Ito ang araw na mahahayag ang kaluwalhatian ng ating dakilang
Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 14 na naghandog ng kanyang
sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang
maging kanyang sariling bayan na masigasig sa paggawa ng mabuti.
15
Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong buong
kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga
tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman. THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 37:1-8
Fate of the Sinners and
Rewar of the Just
37
1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili
ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't sila'y
madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 3
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain,
at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka naman
sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. 5 Ihabilin mo
ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at
kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang
iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
7 Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa
kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa
kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment