"fAITH IN JESU CHRIST
WILL STRENGTHEN OUR
FAITH IN GOD"
"Gayon
na laman ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,, kaya ibinigay niya ang
kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo
ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang
sanlibutan, kundi upang iligas ito sa pamamagitan niya." Juan 3:16-17
"Bagamat'
siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya'y
naging walang hanggang Tagapagligtas ng sumunod sa kanya. At minarapat
ng Diyos na siya'y gawing dakilang saseedote ayon sa pagkasaserdote ni
Melquisidec. " Hebreo 5:8-9
"Ang
pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat
nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng
halimbawang dapat tularan. "Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o
nagsinungaling kailanman. Nang siya'y alipustain hindi siya gumanti.
Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nananalig siya sa Diyos na
makatarungan. 1Pedro 2:21-23
"Yamang
si Cristo'y nagbata sa hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging
handa sa pagtitiis. Sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay
tumalikod na sa pagkakasala." 1Pedro 4:1
"Ipakikilala
ko sa inyo kung kanino matutulad ang bawat lumalapit as akin, nakikinig
ng aking salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang tao
na humukay ng malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha,
at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag sapagkat
matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking salita at hindi
nagsagawa nito ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay na walang
pundasyon. Bumaha. bumugso ang tubig sa bahay na iyon at pagdaka'y
bumagsak. Lubsang mawawask ang bahay na iyon. " Lucas 6:47-49
"Kaya
nga, mga kapatid, alang alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin,
ako'y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na
buhay, banal at kalugod lugod sa kanya, ito ang tunay na pagsamba ninyo
sa Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo
at magbago ng isip upang mabatid ninyo kung ano ang kalooban ng
Diyos--kung ano ang mabuti, at nakalulugod sa kanya at talagang ganap. " Roma 12:1-2
Juan
Chapter 3:1-21
Si Jesus at Nicodemo
3 1
May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. 2
Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po naming
kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng
mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3 Sumagot si
Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang
isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4 “Paanong
maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba
siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong ni
Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:
malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong
ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay
kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais
at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito
nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot
si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay
na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at
ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo
tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang
mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo
mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13
Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit,
ang Anak ng Tao.”
14
At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,
gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang
hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya. 18 Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak.
Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng
Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang
dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20
Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit
dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay
ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga
ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
Hebrew
Chapter 5:1-10
Si Jesus ang Dakilang Saserdote
5 1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay
sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang
nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan.
2 Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng
landas, sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang
kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa
kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga kasalanan. 4 Ang
karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makuha
ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya,
tulad ng pagkapili kay Aaron.
5
Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging
Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw
ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” 6 Sinabi rin niya sa
ibang bahagi ng kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa
pagkapari ni Melquisedec.”
7
Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at
lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan.
At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba. 8 Kahit na
siya'y Anak ng Diyos, natutunan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis. 9 At nang siya'y maging ganap, siya ang
naging sanhi upang magkamit ng walang hanggang kaligtasan ang lahat ng
mga masunurin sa kanya. 10 Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari
ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
1Pedro
Chapter 2:18-25
Tularan ang Paghihirap ni Cristo
2
18 Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong mga amo at igalang ninyo sila,
hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit. 19
Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan,
bilang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos. 20 Maipagmamalaki ba ang
magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit
kung magtiis kayo ng hirap sa kabila ng paggawa ninyo ng mabuti,
pagpapalain kayo ng Diyos. 21 Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng
pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa
inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na
tularan. 22 Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling
kailanman. 23 Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto.
Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya
ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. 24 Sa kanyang
pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y
mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa
pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling. 25 Sapagkat kayo ay
tulad ng mga tupang naligaw, ngunit ngayon kayo'y nanumbalik na upang
sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
1Pedro
Chapter 4:1-6
Panibagong Buhay
4 1 Yamang si Cristo'y nagtiis ng hirap noong siya'y nasa buhay na ito,
kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng
hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. 2 Kaya nga mula
ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa
pagnanasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng
mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa
ng laman, paglalasing, walang habas na pagsasaya, pag-iinuman, at
kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4 Nagtataka nga sila
kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay
kaya kayo'y kinukutya nila, 5 ngunit mananagot sila sa Diyos na handang
humatol sa mga buháy at sa mga patay. 6 Ipinangaral din ang Magandang
Balita sa mga patay upang bagama't sila'y nahusgahan ayon sa laman gaya
ng lahat ng nasa laman, mabubuhay sila sa espiritu sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Diyos.
Lucas12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
No comments:
Post a Comment