Buhay na Nakalulugod sa Diyos
4
1 Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at
ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa
ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, sang-ayon sa inyong
natutunan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos. 2 Alam
naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa
Panginoong Jesus. 3 Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo
sa lahat ng uri ng kahalayan. 4 Dapat maging banal at marangal ang
pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa, 5 at hindi upang masunod
lamang ang pagnanasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi
nakakakilala sa Diyos. 6 Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama
at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang
gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo
noon. 7 Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa
kahalayan. 8 Kaya, ang sinumang humamak sa aral na ito ay humahamak,
hindi sa tao, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa atin ng kanyang
Espiritu Santo.
9
Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na
kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung
paano kayo magmahalan. 10 At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga
kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa
inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig. 11
Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang
sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro
namin sa inyo. 12 Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi
mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba
Filipos
Chapter 4:1-9
Magalak kayo sa Panginoon
4 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking
kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa
inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia
at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang
dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap
ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa
ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!
5
Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang
dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang
bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa
pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos
na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso
at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8
Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na
karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng
inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon,
sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Lucas
Chapter 11:1-13
Ang Turo ni Jesus Tungko lsa
Panalangain
11 1 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos,
sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming
manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”
2
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,
‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong
kaharian. 3 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw. 4 At patawarin
mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat
nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.’”
5
Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa
inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, pahiram
muna ng tatlong tinapay. 6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang
naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ 7 At ganito naman ang sagot
ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo akong gambalain! Sarado
na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako
makakabangon para bigyan ka ng kahit ano.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, hindi
man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya
upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9
Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap
kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10
Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay
makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama,
bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda?
12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13
Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong
mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng
Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”
Marcos
Chapter 10:13-16
Pinagpala ni Jesus ang
Maliit na Bata
10 13 May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging
ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit sinaway sila ng mga
alagad. 14 Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan
ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan,
sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15
Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos,
tulad sa pagtanggap ng isang bata, ay hinding-hindi makakapasok sa
kaharian ng Diyos.” 16 Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang
kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.
Gawa
Chapter 7:1-53
Ang Talumpati ni Esteban
7
1 Si Esteban ay tinanong ng pinakapunong pari, “Totoo ba ang lahat ng
ito?” 2 Sumagot si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan
ninyo ang sasabihin ko. Ang dakila at makapangyarihang Diyos ay
nagpakita sa ating ninunong si Abraham nang siya'y nasa Mesopotamia pa,
bago siya nanirahan sa Haran. 3 Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang
iyong lupain at mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa
iyo.’ 4 “Kaya't umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa
Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, siya'y pinalipat ng Diyos sa lupaing
ito na inyong tinitirhan ngayon. 5 Gayunman, hindi pa siya binigyan dito
ng Diyos ng kahit na kapirasong lupa, ngunit ipinangako sa kanya na ang
lupaing ito ay magiging pag-aari niya at ng magiging lahi niya, kahit
na wala pa siyang anak noon. 6 Ganito ang sinabi sa kanya ng Diyos,
‘Makikitira sa ibang lupain ang iyong magiging lahi. Aalipinin sila roon
at pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon, 7 ngunit paparusahan ko ang
bansang aalipin sa kanila. Aalis sila roon at sasamba sa akin sa lugar
na ito.’ 8 At iniutos ng Diyos kay Abraham ang pagtutuli bilang
palatandaan ng kanilang kasunduan. Kaya't nang isilang si Isaac, tinuli
niya ito sa ikawalong araw. Ganoon din ang ginawa ni Isaac sa anak
niyang si Jacob, at ginawa naman ni Jacob sa labindalawa niyang anak na
lalaki, na naging mga ninuno ng ating lahi.
9
“Ang mga ninuno nating ito ay nainggit kay Jose, kaya't siya'y
ipinagbili nila upang maging alipin sa Egipto. Ngunit kasama niya ang
Diyos, 10 at hinango siya ng Diyos sa lahat ng kanyang kahirapan.
Pinagpala siya ng Diyos at pinagkalooban ng karunungan nang humarap siya
sa Faraon, ang hari ng Egipto. Siya'y ginawa nitong gobernador ng
Egipto at tagapamahala ng buong sambahayan ng hari.
11
“Nagkaroon ng taggutom at matinding paghihirap sa buong Egipto at
Canaan. Maging ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain. 12
Kaya't nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Egipto, pinapunta niya
roon ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon. 13 Sa ikalawang pagpunta
nila, nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid, at nalaman naman ng
Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya. 14 Dahil dito'y ipinasundo ni
Jose ang kanyang amang si Jacob at ang buong pamilya nito, pitumpu't
limang katao silang lahat. 15 Pumunta nga si Jacob sa Egipto at doon
siya namatay, gayundin ang ating mga ninuno. 16 Ang kanilang mga labî ay
dinala sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham sa mga anak
ni Hamor.
17
“Nang sumapit ang panahon para tuparin ng Diyos ang kanyang pangako kay
Abraham, maraming-marami na ang mga Israelita sa Egipto. 18 Sa panahong
iyon, hindi na kilala ng hari [ng Egipto] si Jose. 19 Dinaya at
pinahirapan ng hari ang ating mga ninuno at sapilitan niyang ipinatapon
ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Noon ipinanganak si Moises,
isang batang kinalulugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa
kanilang tahanan, 21 at nang siya'y itapon, inampon siya ng anak na
babae ng Faraon, at pinalaking parang sariling anak. 22 Tinuruan siya sa
lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at siya'y naging dakila sa salita
at sa gawa.
23
“Nang si Moises ay apatnapung taon na, naisipan niyang dalawin ang
kanyang mga kababayang Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan.
24 Nakita niyang inaapi ng isang Egipcio ang isa sa kanila, kaya't
ipinagtanggol niya ito, at napatay niya ang Egipciong iyon. 25 Akala ni
Moises ay mauunawaan ng kanyang mga kababayan na sila'y ililigtas ng
Diyos sa pamamagitan niya. Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26
Kinabukasan, may nakita siyang dalawang Israelitang nag-aaway, at
sinikap niyang sila'y pagkasunduin. Sabi niya, ‘Mga kaibigan, pareho
kayong Israelita. Bakit kayo nag-aaway?’ 27 Subalit tinabig siya ng
lalaking nananakit at pinagsabihan ng ganito: ‘Sino ang naglagay sa iyo
upang maging pinuno at hukom namin? 28 Nais mo rin ba akong patayin gaya
ng ginawa mo kahapon doon sa Egipcio?’ 29 Nang marinig ito ni Moises,
siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Midian. Doon ay nagkaroon siya
ng dalawang anak na lalaki.
30
“Makalipas ang apatnapung taon, samantalang si Moises ay nasa ilang na
di-kalayuan sa Bundok ng Sinai, nagpakita sa kanya ang isang anghel sa
isang nagliliyab na mababang punongkahoy. 31 Namangha si Moises sa
kanyang nakita, at nang lapitan niya ito upang tingnang mabuti, narinig
niya ang tinig ng Panginoon, 32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang
Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig sa takot si Moises at
hindi makatingin. 33 Sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Alisin mo ang iyong
sandalyas sapagkat banal ang lupang kinatatayuan mo. 34 Nakita ko ang
paghihirap ng aking bayan sa Egipto; narinig ko ang kanilang daing, at
bumabâ ako upang sila'y iligtas. Halika't isusugo kita sa Egipto.’
35
“Itinakwil nila ang Moises na ito nang kanilang sabihin, ‘Sino ang
naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin?’ Ngunit ang Moises
ding iyon ang isinugo ng Diyos upang mamuno at magligtas sa kanila, sa
tulong ng anghel na nagpakita sa kanya sa mababang punongkahoy. 36 Sila
ay inilabas niya mula sa Egipto sa pamamagitan ng mga himalang ginawa
niya roon, sa Dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apatnapung taon. 37
Siya rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Ang Diyos ay pipili ng
isa sa inyo at gagawing propetang tulad ko.’ 38 Siya ang kasama sa
kapulungan ng mga Israelita sa ilang at ng anghel na nagsalita sa kanya
at sa ating mga ninuno sa Bundok ng Sinai. Siya ang tumanggap ng mga
salitang nagbibigay-buhay mula sa Diyos upang ibigay sa atin.
39
“Ngunit hindi siya sinunod ng ating mga ninuno. Sa halip, siya'y
kanilang itinakwil, at mas gusto pa nilang magbalik sa Egipto. 40 Sinabi
pa nila kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin,
sapagkat hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyan na
naglabas sa amin mula sa lupain ng Egipto.’ 41 At gumawa nga sila ng
isang diyus-diyosan na may anyong guyang baka. Nag-alay sila ng handog
at ipinagpista ang diyus-diyosang hinugis ng kanilang mga kamay.
42
Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin
sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel,
hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga
hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taong kayo'y nasa ilang. 43 Sa
halip, ang inyong dala-dala ay ang santuwaryo ni Molec, at ang bituin ng
inyong diyos na si Refan. Dahil ginawa ninyo ang mga rebultong ito
upang sambahin, dadalhin ko kayong mga bihag sa kabila pa ng
Babilonia.’
44
“Kasama ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa
ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya. 45 Minana ito ng
kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga
bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y
nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David. 46 Kinalugdan ng Diyos
si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa
Diyos ng Israel. 47 Ngunit si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon.
48
“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay
na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta, 49 ‘Ang langit ang aking trono,’
sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Anong uri ng bahay
ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko? 50
Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’
51
“Napakatigas ng ulo ninyo! Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa
mga pagano! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang
ginagawa ninyo ngayon. Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo. 52
Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang
mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang
ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng
Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito
sinunod.” 54
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 113:1-9
Praise of God Cares
of the Poor
113
1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng
Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon. 2 Purihin ang
pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man. 3 Mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon
ay pupurihin,
4
Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang
kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit. 5 Sino ang gaya ng Panginoon
nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas, 6 Na nagpapakababang
tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7
Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang
mapagkailangan mula sa dumi; 8 Upang maupo siya na kasama ng mga
pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan. 9
Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang
ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment