2Tesalonica
Chapter 2:1-12
Ang Suwail
2
1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong
Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap
kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala
kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong
maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o
isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan.
Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling
paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa
kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat
ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng
Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
5
Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama
pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa,
at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang
panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at
mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung
maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating
ng Panginoong [Jesus], papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng
hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang
nakakasilaw na liwanag. 9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang
kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na
mga himala at kababalaghan.
10
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw
nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. 11
Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng
kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang
lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa
katotohanan.
Efeso
Chapter 5:1-20
Mamuhay Bilang mga
Taong Naliwanagan
5 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang
pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay
at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng
kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang
mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na
ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay
nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat
dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.”
15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.
16
Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon,
sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong
maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng
Panginoon. 18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan
ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa
inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting
espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi
kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Santiago
Chapter 3:13-18
Ang Karungungan Galing
sa Diyos
3
13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa
pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at
karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at
makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong
ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa
langit, kundi makalupa, makalaman at mula sa demonyo. 16 Sapagkat
saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din
doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. 17 Ngunit ang
karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo,
mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi
nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng
kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 33:6-12
Praise of Gods Power
and Providence
33 .6 Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
7 Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
8
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot
ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. 9 Sapagka't siya'y nagsalita,
at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag. 10 Dinadala ng
Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang
mga pagiisip ng mga bayan. 11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong
matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng
sali't saling lahi. 12 Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment