THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MAY 05 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21
Kapahingahan Para sa
Sambahayan ng Diyos Hebreo Chapter 3:7-15Aral sa mga Alipin at Panginoon Efeso Chapter 6:5-9
Nakipagkasundo sa Diyos sa
Pamamagitan ni Cristo 2Corinto Chapter 6:1-11Pansariling Tagubilin 1Timoteo Chapter 6:11-21
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGING MABUTINGMANANAMPALATAYA NG DIYOS MULA
PANGINOONG JESU CRISTO
ANG MANGGGAWA "
"Naway
manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa
kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay
maunwaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig
ni Cristo." Efeso 3:17-18
"Mga
kapatid, ingatan ninyo na huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan
ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay. Sa halip
magpalalahanan kayo araw-araw, habang may panahon pa, upang sinuman sa
inyo ay hindi madaya at maging alipin ng kasalanan. Sapagkat tayong
lahat ay kasama ni Cristo, kung tayo ay magiging matatag hanggang wakas
sa ating pananalig sa kanya.. Ito nga ang sinasabi sa Kasulatan:
"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, Huwag maging matigas ang
inyong ulo, gaya ng inyong ginawa nang maghimagsik layo sa Diyos." Hebreo 3:12-14
"Maglingkod
kayo ng may mabuting kalooban, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod
at hindi sa mga tao lamang. Sapagkat alam ninyong gagantihin ng
Panginoon ang bawa't mabuting gawa ninuman, alipin man o malaya. Mga
Panginoon, maging mabuti kayo sa inyong mga alipin at huwag ninyo silang
pagbantaan, sapagkat alam ninyong kayo'y parehong alipin ng iisang
Panginoon na nasa langit at walang itinatangi. " Efeso 6:7-9
"Sa
halip, ipinakilala ko sa lahat ng paraan na ako'y lingkod ng Diyos: sa
pagtitiis ng matinding kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan. " 2Corinto 6:4
"Sabihin
mo sa mayayaman na huwag magmataas; huwag silang umasa sa kayamanang di
mananatili, kundi sa Diyos na masaganang nagkakaloob ng lahat ng bagay
sa ating ikasisiya. Turuan mo silang gumawa ng mabuti, magpakayaman sa
mabubutng gawa, maging bukas palad at matulungain sa kapwa. sa ganitong
paraan sila makapagimpok para sa hinaharap at magkakamit ng tunay na
buhay. " 1 Timoteo 6:17-19
Efeso
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo
3
14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya'y
nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16
Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya
ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17
Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong
pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa
lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga
hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang
kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na
hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong
katangian ng Diyos.
20
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at
isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21
sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo
Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.
HebreoChapter 3:7-15
Kapahingahan Para sa
Sambahayan ng Diyos
3
7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag ngayon ang tinig ng
Diyos ay narinig ninyo, 8 huwag patigasin ang inyong mga puso, tulad
noong maghimagsik ang inyong mga ninuno, doon sa ilang nang subukin nila
ako. 9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong mga magulang,
bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. 10
Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin,
ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ 11 At sa galit ko, ‘Ako ay
sumumpang hindi nila kakamtin ang kapahingahan sa aking ipinangakong
lupain.’”
12
Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng
pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa
Diyos na buháy. 13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang
panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo
ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong
lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang
sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang
sumampalataya.
15
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang
tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong
kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
Efeso
Chapter 6:5-9
Aral sa mga Alipin at
Panginoon
6
5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may
buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Cristo ang siya
ninyong pinaglilingkuran. 6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala,
hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo
at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. 7 Maglingkod kayo nang
masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa
tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat
mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.
9
Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang
pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng
iisang Panginoon na nasa langit, at pantay ang kanyang pagtingin sa
inyo.
2Corinto
Chapter 6:1-11
Nakipagkasundo sa Diyos sa
Pamamagitan ni Cristo
6 1
Yamang kami'y magkakasama sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo
na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng
Diyos.
2
Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa
araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang kaukulang
panahon! Ito na ang araw ng pagliligtas!
3
Iniwasan naming makagawa ng anumang makakahadlang kaninuman upang hindi
mapulaan ang aming paglilingkod. 4 Sa halip, sa lahat ng paraan
sinisikap naming ipakita ang aming katapatan bilang mga lingkod ng
Diyos. Kami'y matiyagang nagtiis sa lahat ng uri ng kahirapan,
kapighatian at mga kagipitan. 5 Kami'y hinagupit, ibinilanggo at
binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, mapuyat at magutom.
6 Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, kabutihan,
patnubay ng Espiritu Santo, tunay na pag-ibig, 7 tapat na pananalita, at
kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang
panlaban at panangga. 8 Naranasan naming maparangalan at ipahiya, ang
laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman
ang aming sinasabi; 9 hindi kinikilala, gayong kami'y kinikilala ng
marami; itinuturing na patay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami,
subalit hindi pinapatay. 10 Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong
kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman;
mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay. 11 Mga taga-Corinto,
tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Binuksan namin ang aming puso sa
inyo. 12 Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng
inyong puso sa amin.
1Timoteo
Chapter 6:11-21
Pansariling Tagubilin
6 .11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito.
Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya,
pag-ibig, pagtitiis at kaamuan. 12 Ipaglaban mo nang mabuti ang
pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan, dahil diyan
ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang
iyong pananalig kay Cristo. 13 Iniuutos ko sa iyo, sa harapan ng Diyos
na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harapan ni Cristo Jesus na nagbigay
ng mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti
nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng
Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng
mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng
mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa
liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya.
Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen.
17
Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at
huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na
masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. 18
Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa,
maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. 19 Sa gayon, makakapag-impok
sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang
tunay na buhay.
20
Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga
usapang lumalapastangan sa Diyos at ang mga pagtatalo tungkol sa hindi
totoong karunungan. 21 Dahil sa kanilang pag-aangking mayroon sila nito,
may mga nalihis na sa pananampalataya. Sumainyo ang kagandahang-loob ng
Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND
Awit
Chapter 67:1-7
Havest Thamls amd Petitions
67
1 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya
ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 2 Upang ang iyong daan ay maalaman
sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. 3
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 4 Oh
mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong
hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga
bansa sa lupa. (Selah) 5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng
lahat ng mga bayan. 6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang
sarili naming Dios ay pagpapalain kami. 7 Pagpapalain kami ng Dios: at
lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment