THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates APRIL 28 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Pagtukso kay Jesus Mateo Chapter 4:1-11
Ang Turo Tungkol sa
Panalangin Mateo Chapter 6:5-15
Ang Pagpapakain sa Limang Libo Mateo Chapter 15:32-39
Ang Kawan ng Diyos 1Pedro Chapter 5:1-11
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14
Humingi, Humaanap at Kumatok Mateo Chapter 7:7-12
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
FAITH IN GOD THRU JESUS CHRIST
TO FACE SUFFERINGS AND
TEMPTATIONS
"PRAY AND WISH FOR GODS HELP"
"Nang
makapag-ayuno si Jesus ng apat-napung araw at apat-napung gabi, siya'y
nagutom. Dumating ang manunukso at sianbi sa kanya, :Kung ikaw ang Anak
ng Diyos, iuotos mo na ang mgabatong ito'y maging tinapay." Ntunit
sumagot si Jesus, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang
tao, KUndi sa bawa't salitang namumutawi sa bibi ng Diyos.'"Mateo 4:2-4
"Ama
naming nasa langit, Sambahin nawa ang ngalan mo , Ikaw nawa ang maghari
sa amin, Sundi nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa
langit. Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito; At
patawarin mo kami sa aming mga kasalanan. Tulad rin naman ng aming
pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. AT huwag mo kaming iharap sa
mahigpit na pagsubok, Kundi iadya mo lkami sa masama." Mateo 6:9-13
"Tinawag
ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi, "Nahahabag ako sa mga taong
ito, sapagkat tatlolng araw na ngayong kasama ko sila, at wala na
silang makain. Ang mga tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa. Kinuha ang
pitong tinapay at ang mga isda. at matapos magpasalamat sa Diyos ay
pinagpira piraso niya ang mga iyon, at ibinigay sa mga alagad.
Ipinamahagi naman nila iyon sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at
nang tipunin nila nag mga pira pirasong tinapay na lumabis, nakapuno
sila ng pitong bakol na malalaki. At may 4,000 lalaki abng kumainm
bukod pa sa mga babae at mg bata. "
Mateo 15:32-37
"Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mg kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo." 1Pedro 5:6
At anumang hilingin ninyo sa ama sa aking pangalan ay gagwin ko, upang
maprangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. "gagawin ko ang naumang
hihilingin ninyo sa pangalan lko." Juan 14:13-14
"Humingi
kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makasusumpong; kumatok
kayo at ang pinto'y bubuksan para sa inyo Sapagkat tumatanggap ang
bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binuduksan ang
pinto sa bawat kumakatok." Mateo 7:7-8
Mateo
Chapter 4:1-11
Ang Pagtukso kay Jesus
4
1 Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng
diyablo. 2 Siya'y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung
gabi kaya't siya'y nagutom. 3 Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya,
“Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong
ito.”
4
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay
ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
5
Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod,
at pinatayo sa taluktok ng Templo. 6 Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw
ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga
anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”
7
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin
ang Panginoon mong Diyos.’” 8 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa
isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian
sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito. 9 Sinabi ng diyablo sa kanya,
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa
akin.” 10 Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat
nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya
lamang ang dapat mong paglingkuran.’” 11 Pagkatapos, iniwan na siya ng
diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila.
MateoChapter 6:5-15
Ang Turo Tungkol sa
Panalangin
6
5 “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari.
Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto
upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at
isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo
nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang
siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.
7
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang
walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y
papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag
ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong
kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
9
Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang
iyong pangalan. 10 Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang
iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. 11 Bigyan mo kami ng
aming pagkain sa araw-araw; 12 at patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. 13 At
huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!
[Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
magpakailanman! Amen.]’
14
“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo,
patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi
ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama
ang inyong mga kasalanan.”
Mateo
Chapter 15:32-39
Ang Pagpapakain sa Limang Libo
15
32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila,
“Nahahabag ako sa mga taong ito. Tatlong araw na ngayong kasama natin
sila at wala na silang pagkain. Ayokong paalisin sila nang gutom, baka
sila mahilo sa daan.” 33 Sinabi naman ng mga alagad, “Saan po tayo
kukuha ng sapat na pagkain para sa ganito karaming tao sa ilang na ito?”
34 “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Jesus sa kanila. “Pito po,
at mayroon pang ilang maliliit na isda,” sagot nila. 35 Pinaupo ni
Jesus sa lupa ang mga tao. 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga
isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang
mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 37
Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay
na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 38 May apat na libong
lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
39 Nang napauwi na ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at nagtungo sa lupain ng Magadan.
1Pedro
Chapter 5:1-11
Ang Kawan ng Diyos
5
1 Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring
matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga
paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit
nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala
sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan
lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin,
hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3
hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa
kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng
maluwalhating koronang di kukupas kailanman. 5 At kayo namang mga
kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat
ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas,
ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
6 Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay
parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9
Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa
Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga
kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na
siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa
inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di
matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang
walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang
kapangyarihan magpakailanman! Amen.
Juan
Chapter 14:1-14
Si Jesus ang Daan
14
1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos,
sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming
silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon
upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko
na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y
makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan
patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi
po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”
6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.
Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala
ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo
siya at inyo nang nakita.” 8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon,
ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”
9
Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y
hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa
Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba
naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin
galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang
siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y
nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi
ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang
nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa
rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa
pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng
Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking
gagawin.”
MateoChapter 7:7-12
Humingi, Humaanap at Kumatok
7
7 “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo;
kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay
tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay
pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y
humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y
humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng
mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na
nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa
kanya! 12 “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa
inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 37:1-6
Fate of the Sinners and
Reward of the Just
37 1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni
managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't
sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang
damo. 3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa
lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka
naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. 5
Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa
kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng
liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng
katanghaliang tapat.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment