TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MGA KABATAAN MAGKAISA
AT MAMUHAY NG MATALINO AT MATUWID
SA GABAY NG MABUTING BALITA"
"Kaya't,
ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng
matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng
daigdig, samantalahin ninyo ang bawa't pagkakataon na kayo'y makagawa ng
mabuti. Huwag kayong mga hangal; unawain ninyo kung ano ang kalooban
ng Panginoon. "
Efeso 5:15-17
Ang
pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan,
ngunit ang pagsisikap sa mga bagay ukol sa espiritu ay magbubunga ng
buhay at kapayapaan. Sapagkat kalaban ng diyos ang sinumang
nahuhumaling sa mga bagay ukol sa laman. hindi siya sumusunod sa
kautusan ng Diyos, at hindi niya kayang sumunod. at ang nab ubuhay ayon
sa lamang ay hindi maaring kalugdan ng Diyois." Roma 8:6-8
"Makapagsalita
man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong
pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na
tumataginting. Ang pag-ibig ay matiyaga, at magandang loob, hindi
nananghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang paguugali, o
nagmamataas, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito
ikinagagalak ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.
Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas." 1Corinto 13:1, 4-7
"Mapalad "ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila'y ituturing ng Diyos na mga naak niya." Mateo 5:9
"Narinig ninyo na sinabi, ' Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit
ngayo;y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanaN ang masamang tao." Mateo 5:38-39
"Kung
nagkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya;y magsisi,
patawarin mo. Kung makapito siyang nagkasala sa iyo sa maghapon, at
makapito ring lumapit sa iyo at magsabing 'Nagsisisi ako, ' patawarin
mo." Lucas 17:3-4
"Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama." Lucas 6:36
Efeso Chapter 5:1-21
Mamuhay Bilang mga Taong
Naliwanagan
5 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang
pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay
at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng
kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang
mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na
ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay
nakikilala kung ano talaga ang mga iyon,
14
at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising
ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka
ni Cristo.” 15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay
kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo
nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng
kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa
halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18
Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong
buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong
pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting
espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi
kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Roma
Chapter 8:1-17
Pamumuhay ayon s Espiritu
8
1 Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay
Cristo Jesus. 2 Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung
nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na
ako mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang
hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya
ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang
kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4
Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin
na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman. 5 Ang
mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang
mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu
ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng
laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay
nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag itinutuon ng tao
ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng
Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang
hindi niya ito magagawa. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay
hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
9
Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Sa katunayan, naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa
isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10
Ngunit dahil naninirahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga
katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat
itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11 Kung naninirahan sa inyo ang
Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang
muling bubuhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan din
ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo.
12
Mga kapatid, wala tayong pananagutang sundin ang mga hilig ng laman
upang mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13 Sapagkat mamamatay kayo
kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay
ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman,
mabubuhay kayo. 14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay
mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong
tinanggap upang kayo'y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap
ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya
tayo'y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama ko!” 16 Ang Espiritu ang
nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17
At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang
tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis,
tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
1Corinto
Chapter 13:1-13
Ang Pag-ibig
13 1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang
umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang
magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung
nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't
nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig,
wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga
ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
4
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi
mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi
makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7
Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas.
8
Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil
rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang
kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. 9 Hindi pa ganap ang
ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng
mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang
di-ganap.
11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang
tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko
na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila
malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay
makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon,
ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos
na pagkakilala niya sa akin.
13
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Lucas
Chapter 17:1-4
Mga Sanhiu ng Pagkakasala
17 1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga
sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong
panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang
gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng
sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala
sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin
mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong
ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo
siyang patawarin.”
Lucas
Chapter 6:27-36
Ibigain ang mga Kaaway
6 27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin
ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.
28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga
nang-aapi sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin
ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang
iyong damit. 30 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha
ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin
ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.
32
“Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong
pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal
din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng
mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At
kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa
nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin
ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila.
Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking
gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng
Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga
hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong
Ama na mahabagin.”
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Kawikaan
Chapter 2:1-6
The Blessings of Wisdom
2 1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin
mo ang aking mga utos; 2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig
sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; 3 Oo, kung
ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa
pagunawa; 4 Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin
mo siyang parang kayamanang natatago. 5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa
ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. 6
Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig
nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment