THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates APRIL 13 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Sinimulan ni Jesus ang kanyang
Gawain sa Galilea Mateo Chapter 4:12-17Pinapaging isa kay Cristo Efeso Chapter 17-22Ang Pagkakaisa sa Espiritu Efeso Chapter 4:1-16
Manatiling Malaya Efeso Chapter 5:1-15
Pamumuhay Cristtiano Roma Chapter 12:1-20
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"SPREAD PEACE ON GODS
WORDS THRU JESUS CHRIST"
"Magmula
noon ay nangaral na si Jesus na ang wika, "Pagsisihan ninyo't talikdan
ang inyong mga kasalanan, sapagka't malapit nang maghari ang Diyos." Mateo 4:17
"Naparito
si Cristo at ipinangaral sa lahat ang Mabutng Balita ng kapayapaan sa
inyong mga Henitl na malayo sa Diyos, at sa mga Judio na malapit sa
kanya. Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa makakalapit sa Ama sa
pamamagitan ng Espiritu Santo." Efeso 2:17-18
"Kayo'y
maging mapagkumbaba, mabait at matiyaga, at may pagmamahal na pagtiisan
ninyo ang isa't isa. Pagsaumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang
mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan." Efeso 4:3
"Sapagkat
ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap , "Ibigin mo ang
iyong kapwa gaya ng iyong sarili ." Ngunit kung kayu-kayo's magkakagatan
at magsasakmalang oarang mga hayop, kayo;y mauubos." Galacia 5:14-15
"Maging
tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang
mabuti. Mga-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahigtan
ninyo ang pagpapahalaga sa ibaa kaysa pagpapahalag nila sa inyo." Roma 12:9-10
Mateo
Chapter 4:12-17
Sinimulan ni Jesus ang kanyang
Gawain sa Galilea
4 12 Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa
Galilea. 13 Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng
Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at
Neftali. 14 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, 15 “Lupain
ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng
Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! 16 Ang mga taong nasa kadiliman ay
nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay
sumikat ang liwanag.” 17 Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo
niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat
malapit nang dumating ang kaharian ng langit.
Efeso
Chapter 17-22
Pinapaging isa kay Cristo
2 17 Naparito nga si Cristo at ipinangaral niya sa lahat ang Magandang
Balita ng kapayapaan, sa inyong mga Hentil na noo'y malalayo, at sa mga
Judio na malalapit. 18 Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa
Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. 19 Samakatuwid, hindi na kayo mga
dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng
Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. 20 Tulad ng isang gusali,
kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na
ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. 21 Sa pamamagitan niya, ang
bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na
nakatalaga sa Panginoon. 22 Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya,
kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu.
Efeso
Chapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu
4
1 Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa
inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'y
maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa
inyong pagmamahal sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang
pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod
sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may
iisang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos. 5 May iisang
Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at
Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at
nananatili sa lahat.
7
Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na
ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan: “Nang umakyat
siya sa kalangitan, nagdala siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga
kaloob sa mga tao.”
9
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ
muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10 Ang bumabâ ay siya rin
namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang
presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob
upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga
ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito
upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging
matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa
ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang
ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon,
hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng
sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay
dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at
panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan
sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na
siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay
pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung
maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan
at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
EfesoChapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2
Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo,
binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong
nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong
nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan,
inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa
kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa
pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu. 6
Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang
isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa
sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid,
kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa
ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila
ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa
krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi
tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang
buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y
nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka
tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Roma
Chapter 12:1-20
Pamumuhay Cristtiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 112:1-10
The Blessings of the Just
112 1 Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa
Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. 2 Ang kaniyang
binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay
magiging mapalad. 3 Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at
ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Sa matuwid ay
bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng
kahabagan, at matuwid. 5 Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at
nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
6
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay
maaalaalang walang hanggan. 7 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang
balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. 8 Ang
kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang
makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. 9 Kaniyang pinanabog,
kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay
nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may
karangalan. 10 Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit
ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment