THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MARCH 10, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Bunga ng Pagpapawalang Sala .Roma Chap[er 5:1-11
Pamumuhay Cristiano Roma Chapter 12:1-21
Ang Bagong Buhay kay Cristo Efeso Chapter 4:14-32
Ang Dati at Bagong Buhay Colosas Chapter 3:5-17 Hinirang Upang iligtas 2Tesalonica Chapter 2:13-17
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"God Forgiveness is
Renewing Everyone
thru Jesus Christ"
"Yamang
napawalang sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong
Jesu-Cristo, sa pamamagitan niya'y mayroon na tayong kapanatagan sa
harapan ng Diyos. Sa pamamagaitan nga niya'y nakamtan natin ang
kagandahang loob ng Diyos na ating tinatamasa, at lubos tayong nagagalak
sa atubg pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian." Roma 5:1-2
"Kaya
nga, mga kapatid, alang alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin,
ako'y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na
buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Huwag kayong umayon sa takbo
ng mundong ito. Mag=iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo
akun g ano ang kalooban ng Diyos--kung ano ang mabuti, at nakalulugod sa
kanya at talagang ganap." Roma 12:21-2
"Iwan
na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na inyo ang inyong dating
pagkatao, na napapahamak dahil sa pita ng laman. Magbago na kayo ng
diwa at pag-iisip; at ang dapat makita wsa inyo'y ang bagong pagkatao na
nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at
kabanalan." Efeso 4:22-24
"Kaya;t
dapat nang mawala sa inyo ang mga pitang makalaman: pangangalunya,
kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang
pagiimbot na isanga uri ng pagsamba sa diyus-diyusan. Nuong una namuhay
rin kayong kasama sama ng mga taong gumagawa niyon, noong pinaghaharian
pa kayo ng masamang pita ng laman.
Nutni
ngayon, itakwil ninyoang lahat ng mga ito: galit, poot at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panunungayaw, at malaswang pananalita. Huwag
kayong magsisinuangaling sa isa't-isa, yamang hinubag na ninyo ang
dating pagkatao pati ang mga gawa nito. at nagbihis na kayo ng bagong
pagkatao. Patuloy itong nababago ayon sa larawan ng Diyos na lumikha sa
inyo. upang maging ganap ang inyong kaalaman tungkol sa kanya. " Colosas 3:5-10
"Tinawag
kayo ng Diyos sa paammagaitan ng mabuting Balitang ipinahayag namin sa
inyo, upang maksama sa kaluwalhatian ng ationg Panginoong Jesu-Cristo." 2Tesalonica 2:14
.
RomaChap[er 5:1-11
Bunga ng Pagpapawalang Sala
5
1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating
pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng
[pagsampalataya] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng
Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa
kanyang kaluwalhatian. 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang
mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng
pagtitiyaga. 4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at
ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. 5 At hindi tayo
binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na
sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa
atin.
6
Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon
para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang
buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may
mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit
pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo
para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 9 Yamang sa pamamagitan ng
kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas
tayo sa poot ng Diyos. 10 Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit
tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay
ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si
Cristo ay buháy. 11 At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa
ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat
dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Efeso
Chapter 4:14-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
4.17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang
kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang
kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob
ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang
kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.
30
At huwag ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya
ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating
ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at
galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin
ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa
isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3 5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang
pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang
pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6
Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw
pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang
iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama.
2Tesalonica
Chapter 2:13-17
Hinirang Upang iligtas
2 13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat
palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya
upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng
inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan
ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid,
magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin
sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat. 16 Aliwin nawa
kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na
umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin
ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo
ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.
THE WISDOM BOOKS AND
Awit
Chapter 32:1-7
Remission of Sins
32 1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang
kasalanan. 2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng
Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. 3 Nang ako'y tumahimik, ay
nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. 4
Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking
lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) 5 Aking kinilala
ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at
iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. 6 Dahil dito'y
dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka:
tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan
nila siya. 7 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa
kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan.
(Selah)
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment