THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates FEBRUARY 18, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Pananalig sa Diyos Lucas Chapter 12:22-31
Si Jesus at Nicodemo Juan Chapter 3:1-21 Ang Buhay na Walang Hanggan 1Juan Chapter 5:13-21
Si Jesus ang Pagkaing Nagbibigay Buhay Juan Chapter 6:47-59
Kapangyarihan ng Anak Juan Chapter 5:19-29
Si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan Juan Chapter 8:12-20
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
PANANALIG PARA SA
BUHAY AT HAMBAMBUHAY
NA PAGPAPALA NG DIYOS
"At
sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Kaya;t sinasabo ko sa inyo;
huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain na kailangan upang mabuhay, o
tungkol sa damit na itatakip sa katawan. Sapagkat ang buhay higit na
mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit." Lucas 12:22-23
"At
kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayon din naman,
kailnangang itaas ang Anak ng TAo. upang sinumang sumampalataya sa
kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayon na lamang ang
pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan , kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong
na Anak, upang ang sumampalataya sa anak ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:14-16
"Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan."
1Juan 5:13
"Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay n walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay buhay."
Juan 6:47-48
"Sinasabi
ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa
akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi
inilipat na sa buhay mula sa kamatayan." Juan 5:24
"Muling
nagsalita sa Jesus sa mga tao. Wika niya, "Ako ang ilaw ng sanlibutan,
ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buahy, at
din na lalakad sa kadiliman." Juan 8:12
Lucas
Chapter 12:22-31
Pananalig sa Diyos
12
22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa
inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin,
o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. 23 Sapagkat ang
buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan
ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang
imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong
mahalaga kaysa mga ibon!
25
Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang buhay ng kahit isang oras
dahil sa pagkabalisa? 26 Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na
bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay? 27 Tingnan
ninyo ang mga bulaklak sa parang kung paano sila lumalago. Hindi sila
nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si
Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa
sa mga bulaklak na ito. 28 Kung dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa
parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa
kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! 29 Kaya't huwag kayong labis
na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na
kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga
taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang
lahat ng iyan. 31 Subalit, bigyang halaga ninyo nang higit sa lahat ang
kaharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang mga bagay na ito.”
Juan
Chapter 3:1-21
Si Jesus at Nicodemo
3
1 May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. 2
Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po
naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang
makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” 3
Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak
na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” 4
“Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok
pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong
ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito:
malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng
Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong
ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay
espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay
kailangang ipanganak na muli.’ 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais
at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito
nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.” 9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo. 10 Sumagot
si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay
na ito? 11 Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at
ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo
tinatanggap ang aming patotoo. 12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang
mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo
mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? 13
Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit,
ang Anak ng Tao.”
14
At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang,
gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang
hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan
niya.
18
Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit
hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng
Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang
dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20
Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit
dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay
ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga
ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
1Juan
Chapter 5:13-21
Ang Buhay na Walang Hanggan
5
1 Ang bawat sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo ay anak ng
Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak. 2 Ito ang
palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang
Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, 3 sapagkat ang tunay na
pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman
napakahirap sundin ang kanyang mga utos, 4 sapagkat napapagtagumpayan ng
mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan
ng pananampalataya. 5 Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang
sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos. 6 Si Jesu-Cristo ang
naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng
tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang
nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7 - 8
Tatlo ang nagpapatotoo [sa langit: ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu
Santo; at ang tatlong ito'y iisa. At mayroong tatlong nagpapatotoo sa
lupa:] ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay
nagkakaisa. 9 Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit
nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng
Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos
ay nagtataglay ng patotoong ito sa kanilang puso. Ang sinumang hindi
sumampalataya sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat
hindi siya naniwala sa patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 11 At
ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang
hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12
Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang
hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang
buhay na walang hanggan. 13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman
ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang
hanggan. 14 May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating
ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang
kalooban. 15 At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din
nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.
16
Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang
hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa
Diyos na magbibigay sa taong iyon ng bagong buhay. Ito'y para sa mga
kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May
kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin
ninyo ang sinumang gumagawa nito. 17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay
kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan.
18
Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala,
sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring
galawin ng diyablo. 19 Alam nating tayo'y sa Diyos, kahit na ang buong
sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo. 20 At nalalaman nating
naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang
makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa
kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na
walang hanggan. 21 Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.
Juan
Chapter 6:47-59
Si Jesus ang Pagkaing
Nagbibigay Buhay
6
47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na
walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang
inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. 50
Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain
nito ay hindi na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na
bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng
tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang
sanlibutan ay ang aking laman.”
52
Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng
taong ito ang kanyang laman upang makain natin?” 53 Sinabi ni Jesus,
“Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at
inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang
kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang
aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa
akin, at ako naman sa kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y
nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin
ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit.
Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila
kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay
magpakailanman.” 59 Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y
nagtuturo sa Capernaum.
Juan
Chapter 5:19-29
Kapangyarihan ng Anak
519
Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa
ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita niyang ginagawa ng Ama
ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring
ginagawa ng Anak, 20 sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita
sa Anak ang lahat ng ginagawa niya at higit pa sa mga ito ang mga gawang
ipapakita sa kanya ng Ama upang kayo'y mamangha. 21 Kung paanong
ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayundin
naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. 22 Hindi
humahatol kaninuman ang Ama, sa halip ay ibinigay na niya sa Anak ang
buong kapangyarihang humatol 23 upang maparangalan ng lahat ang Anak,
tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak
ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa Anak.
24
“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa
nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan
kundi nakatawid na siya sa buhay mula sa kamatayan. 25 Pakatandaan
ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay
ang tinig ng Anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa kanya ay
mabubuhay. 26 Kung paanong ang Ama mismo ang pinagmumulan ng buhay,
gayon din naman ang Anak na binigyan niya ng ganoong karapatan. 27
Binigyan niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak
ng Tao. 28 Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na
maririnig ng mga patay ang kanyang tinig 29 at sila'y babangon. Lahat ng
gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at
lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.”
JuanChapter 8:12-20
Si Jesus ang Ilaw ng Sanlibutan
8
12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang
buhay at di na lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo,
“Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan
ang ganyang patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako
tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung
saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam
ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon
sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At
humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa
aking paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17
Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang
saksi. 18 Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin
ang Ama na nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong
ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo
kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”
20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Cjhapter 36:1-12
Human Wickedness and
Divine Providence
36
1 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. 2 Sapagka't siya'y
nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay
hindi masusumpungan at pagtataniman. 3 Ang mga salita ng kaniyang bibig
ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng
mabuti. 4 Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y
lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang
kasamaan. 5 Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga
langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. 6 Ang iyong
katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay
dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop.
7
Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng
mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. 8 Sila'y
nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin
sila sa ilog ng iyong kaluguran. 9 Sapagka't nasa iyo ang bukal ng
buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. 10 Oh, ilagi mo nawa
ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang
iyong katuwiran sa matuwid sa puso. 11 Huwag nawang dumating laban sa
akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng
masama. 12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y
nangalugmok at hindi makakatindig.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment