"PAGPAPANATILI NG KAAYUSAN AT
PAGKAKASUNDO-SUNDO"
"Mga
kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin
ang inyong kalayaan upang masunod ang pita ng l;aman, kundi maglingkod
kayo sa isa't isa dahil sa pag-ibig. Spagkat ang buong kautusan ay
nauuwi sa isang pangungusap, "Ibigain mo ang iyong kapwa gaya ng iyong
sarili." ngunit kung kayu-kayo'y magkakagatan at magsasaklamang parang
hayop, kayo';y mauubos." Galacia 5:13-15
"Paalalahanan
mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga
ito, at magijng handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang
magsalita ng masaam kaninuman. Kailangang sila'y maunawain, mahinahon
at maibigin sa kapayapaan." Tito 3:1-3
"Huwag
kayong umayon sa takbo ng ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago
ng isip upang mabatid ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos---kung ano
ang mabuti, at nakalulugod sa kanya at talagang ganap. Maging tunay
ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang
mabuti. Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid." Roma 12:2, 9-10
"Ang
pag-ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri,
o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugal, hindi makasarili, hindi
magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinagagalak ang gawang
masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.i" 1Corinto 13:4-7
"Kapag
isinakdal ka sa hukuman, makipagayos ka sa nagsakdal habang may panahon
pa; baka kaladkarin kan niya sa hukuman , at ibigay ka ng hukom sa
tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka
makalalabas duom hangga;t hindi mo nababayaran ang kahuli hulihang
sentimo. "
Lucas 12:58-59
"Humayo
kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, 'Habag ang ibig ko at hindi
hain.' Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi
ang mga banal. " Mateo 9:13Manatiling Malaya
5 1 Alam naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon,
ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman
masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.
2
Dumaraing kami habang kami'y nasa toldang ito, at labis na nananabik sa
aming tahanang makalangit, 3 upang kung mabihisan na kami nito ay hindi
kami matagpuang hubad. 4 Habang nakatira pa kami sa toldang ito, kami'y
naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na naming iwaksi ang
katawang panlupa, kundi dahil nais na naming mabihisan ng katawang
panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay
na walang hanggan. 5 Ang Diyos mismo ang naghanda sa amin para sa
ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa amin ang Espiritu bilang
katibayan na ito'y matutupad. 6 Kaya't laging malakas ang aming loob.
Alam naming habang kami'y narito pa sa katawang-lupa, hindi kami
makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon.
7
Sapagkat namumuhay kami batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay
na nakikita. 8 Malakas ang aming loob at mas gusto pa nga naming iwan
ang katawang ito na aming tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa
piling ng Panginoon. 9 Kaya naman, ang pinakananais namin ay maging
kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa o maging nasa piling
na niya. 10 Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at
tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang
tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.
11
Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming hikayatin
ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming
pagkatao; at inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12 Hindi
dahil sa nais naming ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili, kundi
nais naming bigyan kayo ng dahilan upang kami'y maipagmalaki ninyo, nang
sa gayon ay masagot ninyo ang mga taong walang ipinagmamalaki kundi ang
mga bagay na panlabas at hindi ang tunay na pagkatao.
13
Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang sa Diyos. At
kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14 Ang
pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may
isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang
patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay
huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at
muling nabuhay para sa kanila.
Tito
Chapter 3:1-11
Ang dapat na Maging Ugali
ng mga Cristiano
3
1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at
maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa
ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban
kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa
lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi
masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at
lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at
pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4
Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating
Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting
gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa
pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak
na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng
Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas
na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng
kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan
nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang
ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang
nagpapakilalang siya'y mali. 12
Roma
Chapter 12:2. 9-10
Pamumhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo.
8
Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung
pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung
pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang
inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9 Maging tunay ang
inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang
mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang
iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at
huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong
kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan
ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
1Corinto
Chapter 13:1-13
Ang Pag-ibig
13 1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang
umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang
magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung
nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't
nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig,
wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga
ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
4
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi
mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi
makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7
Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas.
8
Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil
rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang
kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. 9 Hindi pa ganap ang
ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng
mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang
di-ganap.
11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang
tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko
na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila
malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay
makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon,
ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos
na pagkakilala niya sa akin.
13
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig
Lucas
Lucas 12:57-59
Makipagkasundo sa Kaaway
12 57 “Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang tamang gawin? 58
Kapag ikaw ay isinakdal, sikapin mong makipagkasundo ka sa nagsakdal sa
iyo bago dumating sa hukuman; baka kaladkarin ka niya sa hukom, at
ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. 59 Sinasabi ko
sa iyo, hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang
kahuli-hulihang sentimo.”
Mateo
Chapter 96:9-13
Ang Pagtawag kay Mateo
9 9 Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa
tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”
Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. 10 Nang si Jesus at ang kanyang
mga alagad ay nasa bahay, dumating ang maraming maniningil ng buwis at
mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain. 11 Nang makita ito ng mga
Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit nakikisalo ang
inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12
Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng
manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 13 Humayo kayo at
unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi handog.’
Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga
matuwid.”
No comments:
Post a Comment