HUWAG MAGING SANHI NG
PAGKAKASALA NG IBA
"Sapagkat
hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila'y
malinlang ng Espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan." 2Tesalonica 2:11
"Huwag
tayong humatol sa isa't isa. Sa halip, ipasiya nating huwag maging
dahilan o sanhi ng pagkakasala ng ating kapatid. Kaya;t pagsikapan
nating gawin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan at
makapagpapatibay sa isa't isa." Roma 14:13
"Huwag
ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. At huwag ninyong dulutan ng
pighati ang Espiritu Santo, sapagkat ito ang tatak ng Diyos sa inyo.
ang katibayan ng inyong katubusan pagdating ng takdang Araw. Alisin na
ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong
mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip
kayo'y maging mabait at maawain sa isa't isa at magpatawaran, tulad ng
pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo." Efeso 4:27, 30-32
"Kayo;y
hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya't
dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba,
mabait at matiisain." Colosas 3:12
2Tesalonica
Chapter 2:1-12
Ang Suwail
2
1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong
Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap
kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala
kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong
maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o
isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan.
Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling
paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa
kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat
ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng
Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
5
Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama
pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa,
at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang
panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at
mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung
maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating
ng Panginoong [Jesus], papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng
hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang
nakakasilaw na liwanag. 9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang
kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na
mga himala at kababalaghan. 10 Gagamit siya ng lahat ng uri ng
pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw nilang mahalin ang katotohanan
na makakapagligtas sana sa kanila. 11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na
sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan.
12 Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan
sa halip na maniwala sa katotohanan.
Roma
Chapter 14:13-23
Huwag maging sanhi ng Pagkakasala
ng iyong kapatid
14
13 Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging
dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil sa aking
pakikipag-isa sa Panginoong Jesus, natitiyak kong walang anumang likas
na marumi. Ngunit kung ang sinuman ay naniniwalang marumi ang anumang
bagay, marumi nga iyon sa kanya. 15 Kaya, kung dahil sa kinakain mo ay
natitisod ang iyong kapatid, hindi na ayon sa pag-ibig ang ginagawa mo.
Huwag mong ipahamak ang taong tinubos ng kamatayan ni Cristo dahil sa
iyong kinakain. 16 Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag
masamain ng iba. 17 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa
pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at
kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo. 18 Ang naglilingkod kay
Cristo nang may ganitong kaisipan ay kinalulugdan ng Diyos at
iginagalang ng mga tao.
19
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng
kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa. 20 Huwag ninyong sirain
ang ginawa ng Diyos dahil lamang sa pagkain. Lahat ng pagkain ay malinis
at maaaring kainin. Ngunit hindi mabuti na magkakasala ang iba dahil sa
iyong kinakain. 21 Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng
alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.
22 Ikaw at ang Diyos lamang ang dapat makaalam ng iyong paniniwala
tungkol sa bagay na ito. Pinagpala ang taong hindi sinusumbatan ng
kanyang budhi kapag ginagawa niya ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang
tama. 23 Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang
pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa
kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa sariling
paniniwala ay kasalanan.
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buahy kay Cristo
4 17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang
kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang
kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob
ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang
kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa.
23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. 25 Dahil dito,
itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng
totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung
magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong
hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan
ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa
halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at
makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang
salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang
makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag ninyong saktan
ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa
inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na
kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa
halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad
ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dating at Bagong Buhay
3 5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang
pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang
pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6
Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw
pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang
iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama.
THE WISDOM BOOKS AND Chapter 3:1-4
Praise God the Creator
3
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo
ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo
sa kanan ng Dios. 2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na
nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. 3 Sapagka't
kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni
Cristo sa Dios. 4 Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay
mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment