12 41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” 42
Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala?
Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang
sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa
takdang oras? 43 Pinagpala ang aliping madaratnang
gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa
inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito.
45 Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili,
‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga
kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at
maglalasing, 46 darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya
inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan
ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail.
47
“Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit
nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang
mabigat. 48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang
panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan
lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng
marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin
ng lalong marami.”
Lucas
Chapter 3:1-20
Ang Pangangaral ni
Juan Bautista
3 1 Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si
Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa
Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at
Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. 2 Nang sina Anas at
Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni
Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita
kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng
Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga
kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.”
4
Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias, “Ito ang
pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng
Panginoon. Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! 5
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Magiging tuwid ang daang liku-liko, at patag ang daang baku-bako. 6 At
makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7
Kaya't sinabi ni Juan sa maraming taong lumapit sa kanya upang
magpabautismo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo
upang tumakas sa poot na darating? 8 Ipakita ninyo sa pamamagitan ng
gawa na nagsisisi kayo, at huwag ninyong sabihing mga anak kayo ni
Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang
Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. 9 Ngayon pa ma'y nakaamba na ang
palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang
bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10
Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”
11 Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay
mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.” 12
Dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila'y
nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” 13 “Huwag
kayong sumingil nang higit sa dapat singilin,” tugon niya. 14
Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming
gawin?” “Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o sa
pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa inyong
sweldo,” sagot niya.
15
Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si
Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa
kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang
darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng
Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin;
ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang
sandalyas. 17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at
upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin
niya sa apoy na di mamamatay kailanman.”
18
Marami pang bagay na ipinapangaral si Juan sa mga tao sa kanyang
pamamahayag ng Magandang Balita. 19 Si Herodes man na pinuno ng Galilea
ay pinagsabihan din ni Juan dahil kinakasama niya ang kanyang hipag na
si Herodias at dahil sa iba pang kasamaang ginagawa nito. 20 Dahil
dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga
kasalanan ni Herodes.
Lucas
Chapter 16:1-13
Ang Talinghaga tungkol sa
Tusong Katiwala
16 1 Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad, “May taong mayaman na
may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang
kanyang ari-arian. 2 Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,
‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na
ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4 Alam ko na ang aking gagawin! Maalis
man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang
tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang
amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6
Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ Kaya sabi ng katiwala,
‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't palitan mo,
gawin mong limampu.’ 7 At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang
utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8 Pinuri ng
amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat
ang mga makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng
mga bagay ng mundong ito.”
9
At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, “Kaya't sinasabi ko sa inyo,
gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa
inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan. 10 Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na
bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11 Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala
sa inyo ng tunay na kayamanan? 12 At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?
13
“Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang
tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod
sa Diyos at sa kayamanan.”
Gawa
Chapter 2:43-47
Ang Pamumuhay ng mga
Sumasampalataya
2
43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng
mga apostol [sa Jerusalem], naghari sa lahat ang takot. 44 Nagsama-sama
ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring
na para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang
napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan.
46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng
tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.
47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At
bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
Cososas
Chapter 2:6-19
Ganap sa Pamumuhay
kay Crsito
2 6 Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon,
mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. 7 Magpakatatag kayo at
isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa
pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa
Diyos.
8
Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng
walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng
mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon
kay Cristo. 9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa
kanyang pagiging tao. 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan
ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng
kapangyarihan at pamamahala.
11
Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi
sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay
Cristo. 12 Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo
at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa
kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. 13 Kayong dating
patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli
ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad
niya ang ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat
na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito.
Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. 15 Sa pamamagitan
ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at
kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang
ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.
16
Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol
sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa
Araw ng Pamamahinga. 17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na
darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. 18 Huwag
kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at
sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa
inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang
lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. 19 Hindi sila
nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong
katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga
kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong
katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
.
Awit
Chapter 75:1-4
Prayuer for the King
72
1 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong
katuwiran sa anak na lalake ng hari. 2 Kaniyang hahatulan ang iyong
bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. 3 Ang mga bundok
ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran. 4
Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak
ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi. 5
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment