THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JANUARY 21, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Mabuting Balita sa mga Hentil Roma Chapter 15:7-13
Pagkakabahagi sa Iglesya 1Corinto Chapter 1:10-17
Isang katawan Ngunti Maraming Bahagi 1Corinto Chapter 12:12-31
Mga Kaloob ng Espiritu Santo 1Corinto Chapter 2:1-11
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
Gabay ng Diyos sa mga
tao at Simbahan
"Kung
paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, gayon din ang gawin
ninyo sa isa't osa upang maparangalan ninyo ang Diyos. At sinabi pa
rin, "Purihin ninyo an Panginoon, kayong mga Hentil, Ang lahat ng bansa
ay magpuri sa kanya!" " Roman 15:7, 11
.Mga
kapatid, ako'y nananawagan sa inyo sa ngalan ng ating Panginoong
Jesu-Cristo: magkaisa kayo sa pananalita, isipa't layunin, upang mawala
sa inyo ang pagkakabaha-bahagi ." 1Corinto 1:10
"Kayo
ngang lahat ang iisang katwan ni Cristo at bawat isa;y bahagi nito,
Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa. ng mga
propeeta,' at ikatlo ang mga guro. Naglagay din siya ng gagawa ng mga
kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga
tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibat ibang wika." 1Corinto 12:27-28
"Iba't-iba
ang kaloob ngunit iiisa lamang ang espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong
pinaglilingkuran. Iba't-iba ang gawain nguni't iisa lamang ang Diyos na
sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang nbawat isa'y
binigyanng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa
ikakabuti ng lahat. " 1Corinto 12:4-7
Roma
Chapter 15:7-13
Ang Mabuting Balita sa
mga Hentil
15 7 Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin
ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo,
si Cristo'y naglingkod sa mga Judio upang patunayang ang Diyos ay tapat,
at tumutupad sa mga pangako niya sa kanilang mga ninuno, 9 at upang ang
mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng
nasusulat,
“Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, At aawitan ko ang iyong pangalan.”
10 Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!”
11 At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
12 Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.”
13
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay
pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng
inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
1Corinto
Chapter 1:10-17
Pagkakabahagi sa Iglesya
1
10 Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging
sa pagkaunawa at pagpapasya. 11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga
kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. 12 Ito ang tinutukoy
ko: may nagsasabing, “Kay Pablo ako;” may nagsasabi namang, “Ako'y kay
Apolos.” May iba pa ring nagsasabi, “Kay Pedro ako,” at may iba namang
nagsasabi, “Ako'y kay Cristo.” 13 Bakit? Nahati ba si Cristo? Si Pablo
ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan
niya?
14
Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina
Crispo at Gaius, 15 kaya hindi ninyo masasabing kayo'y binautismuhan sa
aking pangalan. 16 Ako nga rin pala ang nagbautismo sa sambahayan ni
Estefanas. Maliban sa kanila'y wala na akong natatandaang binautismuhan
ko. 17 Sapagkat isinugo ako ni Cristo, hindi upang magbautismo kundi
upang mangaral ng Magandang Balita, at hindi sa pamamagitan ng mahusay
na pagtatalumpati at karunungan ng tao, nang sa gayon ay hindi mawalan
ng kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo sa krus.
1Corinto
Chapter 12:12-31
Isang katawan Ngunti
Maraming Bahagi
12
12 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na
binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13
Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay
binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang
katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
14
Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi
lamang. 15 Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako
bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung
sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng
katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata
lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang
ang buong katawan, paano ito makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos
ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat
ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. 20 Ngunit
ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21
Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni
ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga
bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang
mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay
pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na
maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito
kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng
Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga
bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng
pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't
isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung
pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27
Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay
bahagi nito. 28 Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol;
ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng
mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga
tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga
wika. 29 Hindi lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan
ng kakayahang gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit,
magsalita sa iba't ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito. 31
Ngunit buong sikap ninyong hangarín ang mga kaloob na mas dakila. At
ngayo'y ituturo ko sa inyo ang landas na pinakamabuti sa lahat.
1Corinto
Chapter 2:1-11
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
2
1 Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo,
nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. 2 Alam ninyo na noong
hindi pa kayo sumasampalataya, kayo'y nailigaw sa mga diyus-diyosan na
hindi naman nakakapagsalita. 3 Kaya't nais kong malaman ninyo na walang
taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, “Sumpain si
Jesus!” At hindi rin masasabi ninuman, “Si Jesus ay Panginoon,” kung
siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
4
Iba't iba ang mga espirituwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang
Espiritung nagkakaloob ng mga ito. 5 Iba't iba ang paraan ng
paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. 6
Iba't iba ang mga gawain, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa
mga taong gumagawa ng mga iyon. 7 Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat
isa'y binibigyan ng patunay na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. 8
Ang ilan sa atin ay napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng
karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng kaalaman. Subalit iisang
Espiritu ang nagkakaloob nito. 9 Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob
sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang
magpagaling sa mga maysakit. 10 May pinagkakalooban ng kapangyarihang
gumawa ng mga himala; sa iba naman ay kakayahang magpahayag ng mensaheng
mula sa Diyos, at sa iba ay kakayahang kumilala kung aling kaloob ang
mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkakalooban ng
kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang
magpaliwanag ng mga wikang iyon. 11 Ngunit isang Espiritu lamang ang
gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob sa bawat
isa, ayon sa kanyang ipinasya.
THE WISDOM BOOKS AND Awit
Chapter 103: 1-5
Praise of Divibe Goodness
103 1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa
loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 2 Purihin mo ang
Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang
mabubuting gawa. 3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga
kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 4 Na
siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong
sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 5 Na siyang
bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong
kabataan ay nababagong parang agila.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment