THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JANUARY 14, 2024
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Nangaral at Nagpagaling si Jesus Mateo Chapter 4:23-25
Ang Pagpapagaling sa Alipin ng Kapitan Mateo Chapter 8:5-13
Ang Tunay na Puno ng Diyos Juan Chapter 15:1-18 Pananampalataya at karunugan Santiago Chapter 1:1-8
pagtitiyaga t Pananalangin Santiago Chapter 1:1-8
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PRAY FOR THE SICK
FROM THE FAMILY"
"Nilibot
ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangaral
ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.." Mateo 4:23
"Pagpasok
ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitan sa Hukbong Romano at
nakiusap sa kanya: "Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siyay
nararatay sa amin at lubhang nahirapan." "Paroon ako at pagagalingin
siya," savi ni Jesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, "Ginoo hindi
po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po
lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. At sinabi ni Jesus sa
kapitan, "Umuwi na kayo; ayon sa inyong pananalig, mangyari ang
hinihiling ninyo," Noon di'y gumaling ang alipin ng kapitan. " Mateo 8:5-8, 13
"Kung
nananatili kayo sa akin at nanatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo
ang anumang maibigan ninyo, at ipagkakaloob sa inyo. Hindi kayo ang
pumili sa akin; ako ang pumili sa inyo at humirang upang kayo'y humayo
at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin
ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo.. ito ang
inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo." Juan 15:7, 16
"Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano ang talagang ibig." Santiago 1:7
"Mayroon
bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya, upang
ipanalangain siya at pahiran ng langis, sa ngalan ng Panginoon. At
pagagalingin ang maysakit dahil sa panala nging may pananampalataya." Samtiagp 5:14-15
MateoChapter 4:23-25
Nangaral at Nagpagaling si Jesus
4 23
Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at
ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.
Pinapagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga
tao. 24 Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't
dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa
iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya
at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 Dahil dito,
sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis,
Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.
Mateo
Chapter 8:5-13
Ang Pagpapagaling sa
Alipin ng Kapitan
8 5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal
ng hukbong Romano at nakiusap, 6 “Ginoo, ang aking katulong ay
naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan.” 7
Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8 Ngunit sumagot
sa kanya ang opisyal, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa
ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking
katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may
nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, ‘Pumunta ka
roon!’ siya'y pumupunta; at ang isa naman, ‘Halika!’ siya'y lumalapit.
Kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa nga niya
iyon.” 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong
sumusunod sa kanya, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito
kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang
darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo
nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga
taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman;
mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.” 13 At
sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo
ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang
katulong ng kapitan.
Juan
Chapter 15:1-18
Ang Tunay na Puno ng Diyos
15 1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin. 5 “Ako ang puno ng
ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang
siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung
kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin, gaya ng sanga ay
itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis
sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa
inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at
matutupad iyon para sa inyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y
masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko. 9 Kung
paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili
kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos,
mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos
ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama.
Santiago
Chapter 1:1-8
Pananampalataya at karunugan
1
1 Mula kay Santiago, lingkod ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:
Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyos na
nakikipamayan sa iba't ibang bansa. 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag
kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman
na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga
pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y
maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay
kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan,
sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6
Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag
mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na
itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman
mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano
talaga ang nais niya.
Santiago
Chapter 1:1-8
pagtitiyaga t Pananalangin
5
7 Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng
Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay
ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng
tag-ulan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob
sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.
9
Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo
hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga
kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng
Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating
pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol
sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang
huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.
12
Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag
ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.”
Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang
hindi kayo hatulan ng Diyos.
13
May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba
ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May sakit ba ang sinuman
sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15
Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y
nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga,
ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at
ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang
nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang tao na
tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi
nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At nang siya'y
nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga
halaman.
19
Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa
namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang tandaan ninyo: sinumang
makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay
nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming
kasalanan.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 41:1-4
Thansgiving After Sickness
41
1 Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng
Panginoon sa panahon ng kaligaligan. 2 Pananatilihin siya, at iingatan
siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at
huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. 3 Aalalayan
siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang
higaan sa kaniyang pagkakasakit. 4 Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka
sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala
laban sa iyo.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
---------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
No comments:
Post a Comment