5 1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok.
Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad 2 at siya'y nagsimulang
magturo sa kanila.
3 “Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
6 “Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.
7 “Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
10
“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban
ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
11
“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng
lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa
akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala
sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa
inyo.”
Mateo
Chapter 18:1-5
Sino ang Pinakadakila
18 1 Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at
nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” 2 Tumawag
si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila 3 at sinabi, “Tandaan
ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata,
hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang
nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian
ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito
alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”
Mateo
Chapter 23:1-11
Babala Laban sa Escriba
at mga Pariseo
23 1 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad,
2 “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang
tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. 3 Kaya't gawin ninyo ang
itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos, ngunit huwag ninyong
tularan ang kanilang ginagawa sapagkat hindi nila isinasagawa ang
kanilang ipinapangaral. 4 Nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga
tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan
ng mga iyon.
5
Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga
lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit
sa laylayan ng kanilang mga damit. 6 Ang nais nila ay ang mga upuang
pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing upuan sa sinagoga. 7
Gustung-gusto nilang binabati sila sa mga palengke, at tawaging ‘guro.’ 8
Ngunit, huwag kayong patawag na ‘guro,’ sapagkat iisa ang inyong Guro
at kayong lahat ay magkakapatid. 9 Huwag ninyong tawaging ama ang
sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa
langit. 10 Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong
tagapagturo, ang Cristo. 11 Ang pinakadakila sa inyo ay magiging
lingkod ninyo. 12 Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay
itataas.”
1Corinto
Chapter 1:1-31
Si Cristo ang Kapangyarihan at
Karunugna ng Diyos
1
18 Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan
para sa mga taong napapahamak, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para
sa ating mga naliligtas.
19 Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan ng matatalino.”
20
Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan,
ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na
ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang. 21
Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y
makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip,
minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng
Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang
kahangalan. 22 Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan.
Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. 23 Ngunit ang
ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga
Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24
Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si
Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang
inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa
karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay
kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
26
Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin
ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang
matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika. 27 Subalit pinili
ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang
marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang
malalakas. 28 Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at
mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga
kinikilala ng sanlibutan. 29 Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa
harap ng Diyos. 30 Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa
pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan
natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang
banal at iniligtas ng Diyos. 31 Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang
sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang
ipagmalaki.”
Filipos
Chapter 2:1-11
Halimbawang Iniwan ni Cristo
2
1 Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong
kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong
kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang
aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa
iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa
ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang
tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga
sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang
sa inyong sarili. 5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay
Cristo Jesus.
6
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang
manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang
pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya
bilang tao. At nang siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba siya at naging
masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. 9
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang
higit sa lahat ng pangalan. 10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod
at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng
lupa. 11 At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Hebreo
Chapter 13:1-19
paglilingkod na Nakalulugod
sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2
Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang
bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa
kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang
kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga
pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
4
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo
sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya.
5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
6
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong
sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa
ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo. 1
8
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. 19 Higit sa
lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa
inyo.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 54:1-7
Confident Pryer in Great Peril
54
1 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan
mo ako sa iyong kapangyarihan. 2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh
Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. 3 Sapagka't ang mga
tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na
tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa
harap nila. (Selah) 4 Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon
ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa. 5 Kaniyang ibabalik ang
kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan. 6
Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong
pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti. 7 Sapagka't iniligtas niya ako
sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa
aking mga kaaway.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
--------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment