ANG PAGSILANG NG PANGINOONG JESU-CRISTO IHANDOG NINYO
ANG INYONG SARILI BILANG BUHAY NA
HAIN SA DIYOS, BANAL AT KALUGOD LUGOD
"Kayat
Sinabi sa kanya ng Anghel, "Huwag kang matakot Maria sapagka't
kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka@ Ikaw ay maglilihi at manganganak
ng isang lalaki, at siya'y pangganlan mong Jesus. Siya;y magiging
dakila at tatawaing anak ng kataas-taasan,. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Diyos ang trono ng kanyang Amang si Daved. " Lucas 1:30-31
At
isinilang niya ang kanyang panganay at ito;y lalaki. Binalot niya ng
lampin ang kanyang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala
nang lugar para sa kanila sa bahay panuluyan." Lucas 2:7
"ngunit
sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang
mabuting balita para sa inyo na magdudu7lot ng malaking kagalakan sa
lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon ang sa bayan ni David ang
inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. Ito ang palatandaan:
matatagpuan nminyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga
sa sabsaban. Boglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hikgo
ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: " Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!" "
Lucas 2:10-14
Gayon
na lamang ang galak ng mga Pantas nang makita nila ang tala. Pagpasok
sa bahay, nakita nila ang sanggol sa piling ni Maria na kanyang Ina;
nagpatirapa sila at siya'y sinamba, Binuksan nila ang kanlang sisidlan
at hinandugan siya ng gintao, kamanyang at mira." Mateo 2:10-11
""Kaya
nga mga kapatid, alang alang sa sa masaganag habag ng Diyos sa atin,
ako'y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog
na buhay, banal at kalugod lugod sa Diyos. Mag-ibigan kayo na parang
tuna'y na magkakapatid."
Roma 12:1,10
"Nawa'y
manahan sa Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa
kanya upang sa inyong paguugat at pagiging matatag sa pag-ibig ,
maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang
pag-ibig ni Cristo."Efeso 3:17-18
"Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko magalak kayo." Filipos 4:4
"At
paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo,
sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang
katawan. Magpasalamat kayong lagi."Colosas 3:15
Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel
na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea,
upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay
nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David.
28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay
lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan
si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang
matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig
ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at
siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging
Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob
magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka
sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang
mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak
mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na
buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37
sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas
Chapter 2:1-7
Isinilang si Jesus
2 1 Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng
sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. 2 Ang unang sensus na
ito ay ginawa noong si Cirenio ang gobernador ng Siria. 3 Kaya't umuwi
ang mga tao sa sarili nilang bayan upang magpatala.
4
Mula sa Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea,
sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula
sa angkan ni David. 5 Kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria
na kanyang magiging asawa, na noon ay nagdadalang-tao. 6 Habang sila'y
nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. 7 Isinilang
niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa
kanila sa bahay-panuluyan.
Lucas
Chapter 2:8-20
Ang mga Pastol at
ang mga Anghel
8
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga
tupa nang gabing iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng
Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng
Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa
kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang
balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.
11 Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang
Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang
isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13
Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel
sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, 14 “Papuri sa
Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan
niya!”
15
Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay
nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito
na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16 Nagmamadali silang pumunta roon
at natagpuan nila sina Maria at Jose, at naroon ang sanggol na nakahiga
sa sabsaban. 17 Nang makita ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila
ang sinabi ng anghel tungkol dito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa
sinabi ng mga pastol. 19 Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at
ito'y kanyang pinagbulay-bulayan. 20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri
sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig
nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.
Mateo
Chapter 2:1-12
Ang Pagdalaw ng mga Pantas
2
1 Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa
Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. 2
Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?
Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang
siya'y sambahin.” 3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y
naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. 4 Kaya't tinipon niya ang lahat
ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong,
“Saan ba isisilang ang Cristo?” 5 Tumugon sila, “Sa Bethlehem po,
sapagkat ganito ang isinulat ng propeta: 6 ‘At Ikaw, Bethlehem, sa
lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda.
Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang
Israel.’”
7
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at
inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta
niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang
sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin
upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” 9 Pagkarinig sa
bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa paghahanap. Ang bituin na nanguna sa
kanila mula pa sa silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata.
10 Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. 11
Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang
ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya
ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
12
Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa
pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't
nag-iba na sila ng daan pauwi.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Roma
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo
3 14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa
kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa
lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay
palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at
kadakilaan. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa
pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging
ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang
maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba,
kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo
ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y
mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.
20
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at
isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21
sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo
Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.
Filipos
Chapter 4:1-9
Magalak kayo sa Panginoon
4 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking
kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa
inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia
at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang
dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap
ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa
ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay. 4 Magalak
kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!
5
Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang
dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang
bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa
pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos
na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso
at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8
Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na
karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng
inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon,
sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dati at Bagong Biuhay
3 5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang
pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang
pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6
Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw
pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang
iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama.
No comments:
Post a Comment